Chapter 2: Meet the Playboy

16.4K 236 10
                                    

[Sophie POV]    

Pumunta na ako sa photo studio na malapit sa market. Siguro tumagal ng fifteen minutes ang biyahe. Hinanap ko agad si Kylie pagkadating ko.

“Sophie..” tawag nya sa akin. Tumingin ako sa kanya at muli syang nagsalita, “..buti na lang nakarating ka na, kundi, sira na ang kinabukasan ko.”

“Ano ba kasing meron dito?” curious lang ako.

“Siguro kaya nga photo studio to kasi dito ginaganap ang photoshoot.” binigyan nya ako ng sarcastic na sagot. “Kaninang umaga lang nila kasi ako tinawagan.”

“Ha? Kaninang umaga lang? Dapat di mo tinanggap.”

“Minsan lang ito dumating sa buhay ko kaya bakit hindi ko tatanggapin.” pagdadahilan nya.

Pumalatak ako, “Bakit mo ako pinapunta dito?”

“Syempre ikaw ang magpapaganda sa akin..” pagkasabi nya nito, kinagat nya yung thumb nya.

“Paano kita papagandahin, hindi ko naman dala ang gamit ko..”

“Alam ko yun..” may kinuha syang box na nakapatong sa isang upuan, “Kaya nga dinala ko..” yun pala ang makeup kit ko.

“Maswerte ka talaga..” nilakihan ko sya ng mga mata, “Saan ang dressing room?”

Tumawa sya. “This way..” masayang masaya nyang tinuro sa akin ang daan.

Inumpisahan ko na agad ang pagpapaganda sa aking pamangkin pagkadating namin sa dressing room. Ang dami ring mga babae sa dressing room na inaayusan o inaayos ang mga sarili. Yung iba, may dala ding mga sarisariling makeup artist. Yung iba naman, sila na ang nag-aayos sa kanilang mga mukha. Kinwento sa akin ni Kylie na ang photoshoot pa lang ito ay parang audition sa isang advertisement. Kung sino ang mapiling pinakamagandang picture, sila ang magiging model para sa advertisement poster ng isang food chain. Ayon sa nakikita ko, mukhang malaki ang pag-asa ni Kylie na sya ang mapili dahil…. sa totoo lang ayokong manlait.

Pagkalipas ng maraming minuto, mas gumanda na ang model na nasa harap ko ngayon. Sinuot nya ang isang dress na bagay sa kulay nya. Nagmukha syang manika. Ganda talaga ng pamangkin ko, mana sa tita nya.

Habang naghihintay kami, nag-umpisa muli si Kylie ng isang usapin, “Anong ginawa mo sa park?”

“Ummm. Sa park… ummmm.” yun lang ang sagot ko.

“Wag mo sabihin sa akin na pumunta ka nanaman doon dahil naramdaman mong magpapakita sa yo yung Jonathan na yun!” para syang nanay na pinagagalitan ang anak.

“Parang ganun na nga..” hinang hina kong sinabi.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon