Chapter 26: The Childhood Lover

8.1K 97 10
                                    

[Sophie POV]

Early this morning, pumunta na agad ako sa condo ni Johnny para wala na syang kawala sa akin. Ang ibig sabihin ko dun sa kawala, kasi may shooting nanaman sya mamayang tanghali ng movie nya at one hundred one percent sure na hinding hindi kami magkikita. Uhhh, kaya pinuntahan ko na talaga sya ngayong umaga para naman magkaroon ako ng good vibes kahit papaano.

Si Kylie? Ayun, tulog pa rin hanggang umalis ako ng apartment. Naririnig ko nga yung pagngitngit nya kagabi na parang daga lang. Nilutuan ko na lang sya ng sabaw para sa hang-over. Ewan ko ba sa babaeng yun kung paano sya nalasing kung hindi naman pala nya naubos ang isang shot. Ganun talaga yata kaming mga dalagang Pilipina, hindi marunong maglasing.

Kahit ano pang sabihin ko, guilty pa rin ako kasi naglasing sya dahil sa kagagawan ko. Nakakaloka naman tong nangyayari sa akin, sana naman wag ng madagdagan ang problema dahil kapag nadagdagan pa to at hindi pa kami nagkakaayos ni Kylie, baka magtrip to mental na ako bukas. As of now, sa tingin ko naman, wala pang nagbabadyang problema.

Siguro, iniisip nyong lahat kung ano ang ginagawa ko ngayon dito sa condo ni Johnny. Wag kayong greenminded, nagluluto lang ako ng breakfast nya. Tulog pa rin sya at hindi nya alam na nandito na ako. Syempre, hindi ko naman sinira yung pinto ng unit nya para makapasok, binigyan nya lang naman ako ng duplicate key kaya anytime, pwede na akong pumunta ng condo nya at magnakaw ng mga gamit. Joke lang. Hoy, hindi ako magnanakaw ha! Biro ko lang yun.

Abala ako ngayon sa pagluluto ng spaghetti. Sabi nya kasi, gusto daw nya matikman itong specialty ko. Hindi ko pa napatikman sa kanya kaya masusubukan nya ito ngayong umaga. Baka lalo syang mainlove sa akin kapag natikman na nya.

Habang naghahalo ng sauce, biglang may yumakap sa aking likuran. Ipinaikot nya ang kanyang mga braso sa aking bewang at ipinatong nya ang kanyang mukha sa aking balikat.

“Good morning, Sophie, ang saya naman dahil hindi ko ineexpect na nandito ka,” bulong nya sa aking tainga na parang kinikiliti lang ako.

“Ang tagal mo nga magising, kanina pa kaya ako nandito,” kunyari nagtatampo ako.

“Talaga?” hindi na pabulong ang kanyang pagsasalita “Bakit hindi mo ako ginising?” oo nga naman! Tapos magtatampo tampo ako dito, wala to si Sophie, tongak.

“Uh anu eh kasi..” wala nanaman akong masabi dahil tongak nga, di ba?

“Sophie, ang bango naman ng niluluto mo,  gusto ko ng kumain. Matagal pa ba yan?”

“Senyorito Juanito, wag kang magmadali! Espesyal tong niluluto ko kaya hindi pwedeng baliwalain.”

Tumawa sya at bumitaw na sa akin, “Sige, mahal kong Sophie, tawagin mo na lang ako kapag luto na.”

“OKIE,” sabi ko sa kanya without looking at him.

Ilang minuto ang lumipas at naluto na ang pinakamasarap na spaghetti na matitikman ni Johnny sa talambuhay nya. Inayos ko na ang  plating para naman hindi lang masarap kundi maganda rin sa paningin. Ewan ko na lang talaga pagkatapos nito kung tumingin pa yang playboy na yan sa ibang babae.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon