Chapter 24: Si Sophie ang Playboy's Girl?

8.8K 87 6
                                    

(A/N: I dedicated this chapter to that author :D pakibasa po yung story nya na super magugustuhan nyo rin. Just click External Link and enjoy every chapter of that ongoing story. Thank you so much and GOD bless <3)

[Kylie POV]

Dahil sa nangayari kagabi, hindi ako makatulog. Di ako madapuan ng antok kasi sa sobrang kilig at saya ko. Hindi ako mapakali parang gusto kong balik balikan ang moment na yun. Naiimagine ko pa rin ang reaksyon ng mukha nya at naririnig ko pa rin ng malinaw ang bawat salitang kanyang sinabi.

Nagtoothbrush ako na hindi tinatamaan ang aking labi. Alagang alaga ko talaga na kulang na nga lang hindi ako kumain, uminom ng tubig at magsipilyo. Pero over-acting naman ako kung gagawin ko yun. Natatawa na nga lang ako sa aking sarili dahil kung iisipin mukha akong shunga sa ginagawa ko.

Naupo na ako sa aming sofa sa sala at inumpisahan ng paglaruan sina Pau at Kyle na kagabi ko pa pinanggigilan. Sigurado ako, kapag nakita nanaman ni Sophie tong bago kong stuffed toy, maiinggit nanaman yun. At hindi yun magdadalawang isip na itanong kung kanino nanggaling to. Hay naku, kapag nalaman, tsak, walang katapusang pang-aasar nanaman ang gagawin sa akin ng babaeng yun.

Speaking, ayan na nga sya, gising na. Naupo sya sa tabihan ko at parang pagod na pagod. Nakapikit pa rin sya at hindi maintindihan ang reaksyon ng kanyang mukha. “Kylie, nagluto ka na ba ng almusal natin?” pati ang boses nya ay kulang na lang maptid. Tinalo nya pa ako, samantalang ako ay hindi nakatulog. Sya nga tong tulog na tulog kagabi pero bakit ganyan ang itsura nya.

“Hoy, ikaw kaya ang nakaassign ngayon na magluto,” sabi ko.

“Ikaw na muna,” nahiga sya sa sofa, “Masama ang pakiramdam ko, hindi ako masyadong nakatulog kagabi.”

“Huh? Eh di ba tulog na tulog ka nga!” pagtataka ko sa kanya.

“Akala mo lang yun pero ang totoo, hindi talaga ako nakatulog ng maayos,” kung makapagsalita si Sophie, akala mo malalagutan na ng hininga.

Napangiti ako at inasar sya, “Kaya siguro hindi ka makatulog kasi inlove ka na nuh! Ay, si Sophie, hindi man lang sinabi sa akin na may lalaki ng napupusuan!”

Napaupo sya at todo tanggi sa sinabi ko, “Hoy Kylie Flores, hindi ako inlove nuh!” nilihis nya ang kanyang tingin sa ibang direksyon, “hindi talaga!”

“Weh?” patuloy ko pa, “Bakit parang tumataba ka yata? Naku, Sophie, di ka pa naikakasal, mahirap yan, kasalanan yan!” hahalakhak sana ako pero pinigilan ko lang.

“Ano?” bumilog ang mga mata nyang tumingin sa akin. Kinuha nya ang isang maliit na salamin na nakapatong sa aming center table at tinignan nya ang kanyang mukha, “Tumataba na ba talaga ako?”

“Joke lang!” tinuloy ko na ang aking pagtawa, “Concious ka naman agad!”

Nilapag nya yung salamin sa center table at tinignan ako ng masama, “Ang sama ng ugali mo, akala ko talaga, tumataba na ako!”

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon