Chapter 21.1: I Love You

7.3K 79 0
                                    

[Carly POV]

Medyo napahiya ako kasi nahuli nyang nakatingin ako sa kanya. Nagkatinginan muna kami ng mga ilang minuto bago sya ngumiti sa akin. Nilapit nya ang kanyang kamay sa akin, binuksan ang kanyang palad. Parang, magpapahula lang. Tinignan ko muli ang mukha nya at bigla syang ngumiti kaya halos mataranta ako. Pero, at least, nabawasan ang pag-aalala ko.

Mas nilapit ko pa yung upuan sa bed nya, “Uhmm, o-ok ka na ba?” tanong ko sa kanya.

“Sobra,” di ko alam kung nasa tamang pag-iisip ba sya para ito ang isagot nya. Bukod sagot na yan meron pang kasamang malolokong ngisi yan.

“Bakit naman ganun ang sagot mo?” pagtataka ko. Pinilit nyang maupo at napatayo tuloy ako sa aking kinauupuan. “Wag ka ng maupo,” sabi ko sa kanya. Pero walang epekto, kaya hinawakan ko sya sa kanyang dalawang balikat para pigilan sya.

Natigilan na lang kaming dalawa nang marealize namin na ang awkward pala ng pwesto namin. Ang lapit pa naman ng mukha ko sa kanya. Ang kulit nya kasi, ayaw nyang magpapigil. Hihinga ba ako o hindi? Teka, may naririnig akong yabag papunta dito.

Pagkapasok na pagkapasok ng taong papunta dito, lumayo na agad ako kay Miguel. At muntikan pa akong matipalok kasi sumabit yung takong ng sapatos ko sa pagitan ng tiles ng sahig.

“Gising ka na,” bati nung babae at tinignan ko kung sino.. si Candace pala kasama nya syempre, si Juanito na ang tangkad talaga.

“Pre, kalimutan mo na lahat, wag lang ang gamot mo,” pang-aasar ni Juanito kay Miguel sabay batok dito. Bakit ang gwapo ng magkakaibigan na to? Hindi pala, bakit ang gagwapo at ang ganda ng magkakaibigan na ito? Kasama si Candace, kaya may maganda. Ito pala dapat ang maging mga kabarkada ko. Hindi ako maiiba.

“Kelly, kumain ka na ba?” sa katanungan lang ni Candace, naaalala kong kanina pa pala ako nagugutom. Sobra kasi akong nag-alala at natakot kaya hindi ko na naisip na kumain pa.

“Hindi pa nga,” sagot ko sa kanya, “sige, kakain muna ako,” paalam ko.

“Teka lang,” malakas na pagpigil sa akin ni Miguel kaya napatingin ako sa kanya. Tumayo na sya sa pagkakaupo nya at lumapit sa akin.

“Miguel, saan ka pupunta?” nakakunot ang noo ni Candace.

“Sabay na kami magllunch ni Car.. Kelly, tsaka ok na ako, para namang hindi na kayo nasanay sa akin, kapag nakainom na ako ng gamot, magaling na ako,” tugon ni Miguel.

“Candace, hayaan mo na yan si Miguel, nanamantala kasi yan,” may pang-aasar sa tono ng pananalita ni Juanito.

“Hoy, Juanito,” biglang sumigaw si Miguel at napahawak nanaman ito sa kanyang dibdib.

“Miguel,” shock and worried nanaman akong tinawag ang pangalan nya.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon