Chapter 18: Johnny "The Playboy" Lopez

10.1K 110 3
                                    

[Johnny POV]

Ang pinakamahirap sa pagiging actor ay yung wala ka ng time para sa mga mahal mo sa buhay. Hectic ang schedule, interview dito, interview doon at walang katapusang shooting at taping ng mga commercial at drama. Hindi tuloy ako nakapagpaalam kay Sophie kanina. Sigurado, kung anu ano nanaman ang iisipin nun.

Ang mga babae talaga ay ang hirap spelling. Biglang magagalit ng walang dahilan. Sila na nga yung nilalambing, na gustong gusto naman nila,pero at the end of the day, nagagalit nanaman. Tulad kanina, tinanong ko kung may problema sya. Concern na nga ako, nagalit pa sa akin. Wew!

Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko pa rin ang Sophie Valdes na yun. Maski napaka paranoid nun at minsan, natutulala at kinakausap ang sarili, she’s the one pa rin. Ang nagustuhan ko sa kanya ay wala syang kinatatakutan, para syang si Candace. Kahit anong mangyari, gagawin pa rin nila kung ano ang tumatakbo sa utak nila maski ikapahamak pa nila yun. Hindi ko aakalain na may mga babaeng ganun pala. Akala ko dati, ang mga babae ay puro mahihina ang mga loob.

Anyway, at this moment, naglalakad ako papunta sa park. May nakita akong lalaking pabalik balik na naglalakad sa bench na paborito ni Sophie. Mas matangkad ako lalaking to, six-two lang naman ang height ko kaya nga nagmumukhang dwende si Sophie kapag kasama ko. Balik sa usapan, yung lalaki ay may hawak na roses at inobserbahan ko muna kung bakit sya nandun.

Good thing dahil wala masyadong tao ngayon sa park. May masama akong kutob sa lalaking to. Nalalakad sya tapos uupo sya sa bench na parang may hinihintay. Titingin sya sa oras nya then titingin naman sya sa paligid.

Tinignan ko kung anong oras na, it’s already seven forty five. Pagbalik ko ng tingin sa lalaking yun, nawala na sya at hindi ko na alam kung saan pumunta.

Naglakad na ako papunta sa bench na paborito nga ni Sophie, paulit ulit. Naupo ako habang nakalook up sa mga bituin. Ito ang best view sa park na to, yung mga stars. Wala kasing mga posting nakaharang kaya masarap magstar gazing.

After just few minutes, may nakita ako sa dulo ng aking mata na may palapit dito sa aking kinauupuan. Napatingin ako at magkahalong gulat at saya ang aking naramdaman. Napatay ako sa aking kinauupuan habang palapit sya ng palapit sa akin.

“Bakit ka nandito?” nakikita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata, “Ikaw ba talaga si Jonathan?” tuluyan na syang umiyak nang tinawag nya ang pangalan ko, “Johnny.”

Hinawakan ko sya kanyang dalawang braso at hindi ko na rin naiwasang hindi ilabas ang aking tunay na nararamdaman, “Sophie, kung pwede lang na ako si Jonathan, siguro matagal ko ng ginawa. Para aking akin na talaga ang buong puso mo. Kahati ko pa yung batang yun na ang tagal tagal mo ng hindi nakikita,” nakatingin lang sya sa akin at hindi nagsasalita, “Sophie, sana kalimutan mo na sya at ako na lang, please. Mahal na mahal kita, Sophie.” pagkatapos kong sabihin ito, niyakap ko sya.

“Johnny, sorry, umaasa kasi akong iisa lang kayo ni Jonathan pero buti na lang hindi kasi minahal kita, bilang si Johnny Lopez at wala ng iba pa.” tumingala sya sa akin at pinunasan ko ang kanyang mga luha sa pamamagitan ng aking thumb.

Johnny Lopez, best known as The Playboy. Pero, sino ba talaga ako? Maraming tsismis na ako daw ay anak mayaman, nag-aral sa ibang bansa at kung anu ano pang magagandang estado sa buhay. Girls called me as their boyfriends kaya nga ayokong tawagin ako ni Sophie na boyfriend. Dapat unique ang tawag nya sa akin dahil sya na ang forever ko.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon