Chapter 20: I'm Serious.. I'm in Love with that Girl (Part 2)

9K 110 7
                                    

(A/N: Look at the side, yan na po ang mga new characters ng istoryang ito! Sa mga nagsabing si Candace ang babaeng yan, ang galing mo! tama ka! hahaha

List of the names of new characters:(from left to right)
Lee Bo Young as Candace Perez
Lee Sang Yoon as Angelo Gonzales
Yoo Seung Ho as Miguel Tolentino
Lee Jang Woo as Dennis Prado

May tumblr na po ako, kung gusto nyo ako ifollow, just click the External Link. Salamat and GOD bless to all! Don't forget to vote and comment)

(A/N: Now playing: Di Na Mababawi)

[Johnny POV]

Nag-umpisa ako sa isang simpleng role lang pero pagkalipas ng isang taon, biglang nagboom ang career ko. At paggising ko isang umaga, ang pangalan at mukha ko ay palagi ng nasa dyaryo, t.v. at internet. Ganun din si Carly at palagi nga kaming iniintriga na kami daw pero syempre, kailangan sumakay sa mga gusto ng mga tao para manatili pa rin sa aming kasikatan.

After three years in the lime light, marami pa ring mga babae ang gusto akong maging boyfriend kaya pinagbibigyan ko naman sila pero wala yatang tumatagal ng isang buwan dahil masyado silang mga mapupusok. I still am looking for the girl who will steal my heart away. Alam kong nakita ko na sya pero ayokong magmadali dahil sisiguraduhin ko na sya na talaga.

Now, meron akong in the process na movie at yung drama series ko ay halos dalawang linggo na lang. Hindi pa nga natatapos, meron na agad offer kung saan kami ni Carly ang bida. After three months pa yun mangyayari pero nakapirma na kami ngayon at uumpisahan na ang mga promtion at kung anu ano pang mga kailangan.

Si Carly ay in a relationship ngayon with our friend, Dennis Prado. Actually, last week lang naging sila. Ayaw kasi syang sagutin ni Carly dahil kay Miguel pero wala na kaming balita sa best friend kong yun kaya siguro nagdecide na lang si Carly na sagutin na lang si Dennis. Super supportive naman akong kaibigan kaya ok lang sa akin kung sila.

“Hi, Johnny!” bati sa akin ni Carly. Nagkita kami ngayon sa station kasi guest din sya sa isang t.v. show. Sabay kaming guest dahil ito sa paparating naming drama series.

“Hello, Carly,” bumeso sya sa akin, “How are you?”

“Not so fine but pinipilit kong maging fine,” hinang hina nyang tugon.

“Bakit naman?” curious lang.

“Wag mo na lang tanungin dahil may sasabihin ako sa yo na siguradong ikakatuwa mo,” bigla akong nasabik sa sinabi nya.

“Ano yun?”

“Si Sophie Valdes, kinuha ko sya bilang make up artist ko sa aking upcoming indi film, for sure, magiging close na kami this time,” nakangiti nyang pinagmalaki sa akin.

“Simula high school gusto mo na syang maging close, at ngayon, nakahanap ka ng paraan para maging close kayong dalawa?”

“Tumpak, Johnny, wag kang mag-aalala dahil sya rin ang kukunin ko sa drama series nating dalawa,”

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon