Chapter 36.1: Betrayal

4.4K 53 0
                                    

[Johnny POV]

(A/N: Sa lahat ng mga matyagang nagbabasa ng story na to, maraming salamat. Gusto ko lang ipaalam na sub-chapter itong part na to kaya maiksi. Paalala ko lang ha baka kasi batuhin nyo ako ng graba kasi maiksi ang part na to. SUB-Chapter po ito ng Chapter 5 *obvious?* Enjoy. GOD bless!)

“Nasaan si Sophie, yung make up artist ni Carly?” tanong ko sa isang staff na madalas pagtanungan ng mga nawawalang tao o bagay dito sa set.

“Nakita ko sya kanina na pumunta doon,” tumuro sya sa parking lot, “Pero, kanina pa yun, isang oras na ang nakakalipas.”

“Ganun ba, sige, salamat,” lumakad na ako papunta sa lugar kung saan daw pumunta si Sophie.

Kanina ko pa sya hinahanap para sabay kaming maglunch subalit bigo akong makita sya. Nakakapagtaka lang dahil hindi ko man lang napansin ang kanyang pag-alis. Pakiramdam ko ngayon, gusto kong makasama sya sa bawat segundo kasi namiss ko sya sa isa’t kalahating buwan na nasa Korea ako. Wala yatang hinga ako doon na hindi sya ang pumasok sa isip ko.

Si Candace. Nasa mabuti na syang kalagayan. Nagkaroon sya ng malaking problema sa kanyang mga in-laws pero nang magising na si Gelo mula sa comatose, ipinagtanggol naman sya nito. Masaya ako para kay Candace dahil pinupunan ni Gelo ang mga kailangan nya. At ganun din naman sya kay Gelo. Niloko ko nga sila na gumawa na lang ulit sila ng baby dahil sobrang lungkot ni Candace nang makunan sya.

Pagkarating ko sa parking lot, saktong nakita ko si Sophie na bumababa sa isang black na sasakyan. Nagtaka ako ngunit nawala naman agad dahil mahalaga sa akin ay malapitan si Sophie. Umikot sya sa pinto ng driver’s seat at dito ko na lang napansin kung sino ang kasama nya ngayon. Wala naman dapat akong ikaselos, sabi sa akin noon ng babaeng pinakamamahal ko. Subalit, hindi ko maiwasan, dahil ang lalaking to ang aking karibal.

Umusbong na ang selos nang makita kong nagtatawanan silang dalawa. Tinitigan ko ang lalaking nasa loob ng sasakyan at positibo akong nagkahulihan kami ng tingin. Yung mga ngiti nya ay biglang naglaho at halos patayin nya ako sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

Gusto ko mang pigilan pero huli na ang lahat. Hinila nya si Sophie at hinawakan nya ang mukha nito hanggang mahalikan nya ang labi na dapat akin lang. Lumagpas sya sa teritoryo ko at kapag tumagal pa ako dito, hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa Jonathan Santiago na yan.

Nagdilim ang paningin ko at naglakad na ako pabalik sa set. Hindi na ako interesado sa mga susunod na mangyayari. Gusto kong mambubog sa sobrang gigil. Halos bumaon na ang aking mga kuko sa aking palad sa sobrang pagtiklop ko ng aking kamao.

May karapatan na ba akong magselos ngayon? May karapatan na ba akong palayuin sya sa Jonathan na yun? Dahil kapag hinayaan ko lang sya, paniguradong unti unti na syang mawawala sa akin. At hindi ko kakayanin yun.

Kinuha ko na ang aking script at binasa na ang aking mga linya para sa susunod na scene. Napalunok na lang ako sa linyang sasabihin ko mamaya, ‘Kung mahal mo ako talaga, bakit kailangan mo pang tumingin sa iba? Bakit hindi na lang ako nag-iisa sa iyong mga mata?’

Gusto kong sunugin o punit punitin tong hawak kong papel ngayon. Sa lahat ng mga lines na sasabihin ko sa oras na gusto kong manuntok, ito pa talaga ang sumakto.

Nasasaktan kasi ako sa katotohanang kung mahal nya talaga ako bakit kailangan nya pang makipagkita sa Jonathan na yun. Pwede bang nag-iisa na lang ako sa mga paningin nya. At gusto ko ng magmura dahil sa hinalikan sya ng badtrip na lalaking yun. Pasalamat talaga sya dahil hindi ako nagmumura dahil kundi, bugbog sarado na sya sa isip ko.

“Hi, Johnny,” sabi ng isang malambing na boses. Tumingin ako sa kanya at halos idikit na nya sa akin ang dibdib nya.

I know, di naman sa pagmamayabang, she likes me. She is so beautiful and sexy, ano pa bang maasahan sa isang model-actress. But I don’t care. Sophie is more than to her and every woman in this world. Kung noong playboy pa ako baka pinagbigyan ko sya ng isang araw. Sorry na lang sya, late na sya.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon