Chapter 45: That Guy

5K 54 0
                                    

[Sophie POV]

“Ms. Valdes, nagising na po si Mr. Lopez, pwede nyo na po syang puntahan sa room nya,” sabi ng isang nurse na nanggaling sa room 308. Kausap ko ngayon yung isa pang nurse para dun sa testing chuva nila na hindi ko naman maintindihan.

“Talaga, gising na sya?” nanlalaki ang aking mga matang kinumpirma sa kanya.

“Opo,” pagkasabi nya nito, hindi na ako nagpatumpiktumpik pa, tumakbo na ako sa room kung saan sya nakaadmit.

Pagkarating ko, nakita ko syang nakaupo sa bed habang tinitignan ng doctor ang kanyang likuran. Nakaramdam ako ng kagaangan ng loob lalo na nang tumingin sya sa akin at gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi. Halos dalawang araw na rin ang nakalipas nang maaksidente sya at sa loob ng dalawang araw na yun, ngayon lang sya nagising.

“Kailangan nating langgasin mamaya ang sugat mo ha at pahinga lang. Wag muna magttrabaho ng ilang araw,” sabi ng doctor habang lumalapit ako sa kanila.

“Ilang araw pa bago ako makapagtrabaho?” tanong nya sa doctor pero yung mga mata nya ay hindi naalis sa akin.

“Sabihin na nating two to three days pero hindi ka muna pwedeng magtrabaho ng mabigat,” tugon sa kanya ng doctor at nagpaalam na to pagkatapos ng ilan nyang paalala.

Naupo ako sa tabi ng kama habang sya naman ay nakaupo pa rin at nakatingin lang kami sa isa’t isa. Hinawakan ko ang kamay nya at nilagay ko to sa aking pisngi. Mainit na yung kamay nya at gumagalaw na, hindi tulad nung mga nakaraang araw. Napangiti na lang sya sa akin.

“Wala ka bang trabaho ngayon?” tanong nya sa akin. Tinanggal ko na ang kamay nya sa mukha ko at pinatong ko to sa kama habang mahigpit ko pa ring hawak.

“Meron pero umalis na ako pagkatapos kong malagyan ng makeup si Carly, ok lang naman sa kanila dahil alam nilang ako ang nagbabantay sa yo,” napatango na lang sya sa akin, “Kumusta na yung nararamdaman mo? Masakit pa ba yang likod mo?”

“Hmm. Medyo masakit pa pero ngayong nandito ka biglang nawala,” natawa ako sa kanya kaya nahampas ko sya, “Oo nga pala, anong nangyari sa dinner nyo ni.. Jonathan?” nautal pa sya sa huli nyang salita. Napatingin na lang ako sa kanya. Hindi ko ineexpect na itatanong nya sa akin yun.

Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kahapon. Nagkita kasi kami ni Jonathan sa isang café. Ako talaga ang nagyaya sa kanya magkape. Nakokonsensya kasi ako sa hindi ko pagpunta sa dapat na dinner date namin. Ganito yung nangyari:

Pagkadating ko sa café, nakita ko na agad sya. Nakaupo sya malapit sa counter. Nang makita nya ako, ngumiti sya pero hindi umabot sa kanyang mata. May lungkot din sa kanyang mukha at siguro disappointment na rin.

Naupo na ako na kabado at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang sasabihin ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin at para nyang inoobserbahan ang mukha ko. For sure, alam na nya ang balita tungkol kay Johnny. Sana wag nya namang sisihin si Johnny kung bakit hindi ako nakapunta. Pinayagan nya pa nga ako pero aksidente nga kaya wala dapat masisi.

“Sophie?” tawag nya sa akin at napagtanto kong kanina pa pala sya nagsasalita. Busy kasi ako makipaglaban sa utak at konsensya ko kaya di ko narinig kung ano man ang sinabi nya.

“Sorry, ano nga ba ulit yun?” maski gusto kong ayusin ang pagsasalita ko, wala pa rin. Kabado pa rin ang tono ko.

“Sabi ko, kumusta na si JOHNNY?” diniin nya talaga ang pangalang yun. Halata sa kanya ang inis, galit at.. selos? Inggit? Di ko sure kung ano dun.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon