Chapter 35: Pusong Lito

4.9K 53 2
                                    

[Sophie POV]

‘Johnny Lopez, hindi na nagpapakita sa set ng The Love and Promise. Ayon sa source, ang huling taping pa daw ng superstar actor sa nasabing drama series ay noong isang buwan pa. Maraming espikulasyon na ang playboy actor daw ay pumunta sa ibang bansa para pakasalan ang natsistismis na non-showbiz girlfriend nito. Meron din namang nagsasabi na may problema daw ang actor sa leading lady nitong si Carly Luna dahil daw di umano may nakakita sa dalawa na nag-aaway noong araw bago mawala ang actor. Pero, may nagsasabi rin namang baka nagbakasyon lang daw si Johnny at para makapagpahinga na rin.’

Pinatay na ni Carly ang t.v. pagkatapos magreport ng babaeng host ng showbiz news. Napakaraming balita at agam agam tungkol sa pagkawala nya ngunit maski ako, ang taong mahal DAW nya, ay hindi alam kung ano ang pinaggagawa nya ngayon.

Palaging sinasabi sa akin nina Carly at Miguel na pumunta sya ng Korea para tulungan si Candace. Oo, alam ko, tinulungan nya ang babaeng yun na hindi man lang sinabi sa akin. Hindi naman sana ako masasaktan ng ganito kung nagpaalam man lang sya sa akin. Kahit nakalipas na ang namagitan sa kanilang dalawa, syempre, meron pa rin sa puso nila na maaring bumalik lalo na magkasama sila ngayon.

Yung dapat isang lingo na bakasyon namin, hindi rin natuloy. Dapat yung mga araw para sa aming dalawa ay hindi ako ang kasama nya kundi ibang babae. Magkahalong hinayang at pagkalungkot ang nararamdaman ko. Yun sana ang unang beses kong bakasyon na kasama sya.

Hindi nya ako tinatawagan, itext o email para alam ko kung ano ang ginagawa nya sa mga oras na ito. Mababaliw na yata ako sa kakaisip. Gusto kong pumunta na ng Korea at halughugin ang bansang yun para makita sya. Pero, kahit isa sa amin, hindi alam kung saang lugar sa Korea sila naroroon.

“Ang huling text nya pa yata sa akin ay noong araw pagkatapos tumawag sa kanya si Candace,” sabi ni Miguel habang nakatingin sa kanyang cellphone. Namumutla sya at halatang pinipilit nya lang ang kanyang sarili na magmukhang malakas para hindi na kami mag-aalala sa kanya.

Pumalatak si Carly at nagbuntong hininga, “Lagpas isang buwan na rin ng tinawagan nya ako. Hindi nya rin ako tinatawagan para sabihin man lang kung ok na ba sila doon. I’m so worried na talaga.”

“Tapos itong mga reporters na to wala ng ibang ginawa kundi gawan ng tsismis. Sana kung manahimik na lang sila, makakatulong pa sila,” naiinis na sinabi ni Miguel na parang ang kausap ay ang t.v.

“Hoy, umayos ka nga,” saway ni Carly, “Baka atakihin ka dyan, dagdag pa sa problema.”

“Pero, ang nakakapagtaka lang..” sabat ko kaya napatingin silang pareho sa akin, “…lagpas na ng isang buwan pero bakit ang tagal tagal nyang bumalik.” Di ko na napigilan ang mga suwail na luha. Perwisyo, di naman dapat sila tutulo, biglang tumulo. “Alam nya bang nag-eexist pa ako.”

“Sophie,wag ka namang umiyak,” natatarantang mga salita ni Miguel, “Alam mo ba, sabi sa akin ni Johnny, hindi na daw nya kayang mabuhay ng wala ka. Kaya imposible naman yang sinasabi mo,” tumawa sya pero pinigil nya rin agad dahil lalo lang akong naiyak.

“Oo nga, tama si Miguel,”pagsang-ayon ni Carly at humawak sya sa tuhod ko, “Hindi naman ibig sabihing natagalan sya doon, nakalimutan ka na nya. Siguro, hindi lang nya nagawang makipagcommunicate sa atin kasi may reasonable naman syang dahilan. Kaya wag kang mag-isip ng ganyan.”

“Sana nga tama kayo,” mahina kong sinabi. Ewan ko ba, basta hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng masama. Pakiramdam ko, salukuyan nya akong pinagtataksilan. May posibilidad na nakalimutan na nya ako dahil kasama nya ngayon si Candace. Masaya siguro silang dalawa pero ako, ito, nag-iisang nalulungkot sa pagkakahiwalay namin.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon