Chapter 48: Be The Best Girl For Him

4.3K 64 5
                                    

(A/N: Ang sama ko po talaga dahil isang taon nanaman bago ako nag-UD. Sorry po talaga. Hindi po talaga ako makapag-isip nung bakasyon pero ngayong pasukan na, ayun, nag-eenjoy nanaman akong magsulat. Kaya ito ang UPDATE para sa inyo. Bale, TWO chapters na lang plus epilogue ang utang ko sa inyo. Pakibasa na lang po yung Author’s note sa baba kung kailan ako mag-uupdate ulit. ENJOY!)

[Sophie POV]

“Ano po ba ang pwede kong maitulong?” halos pabulong kong tanong kay Manager Ronald.

Nandito kami ngayon sa isang cafe. Nakipagkita ako sa kanya dahil gusto ko syang kausapin tungkol kay Johnny. Dalawang araw na rin ang nakalipas simula nang malaman ko ang breach of contract na pinagsasabi ng presidente ng agency nya.

Fifty Million? Kahit sinong mayaman, hindi magbabayad ng ganun. Ikaw na nga ang mawawalan ng career, ikaw pa ang pagbabayarin nila. Ano bang gusto ng presidente nila? Bakit kaya hindi na lang sya ang mag-artista? Kung gusto nya, sya na pumalit kay Johnny.

Nang makausap ko si Manager Ronald, sabi nya may isang paraan pa para hindi magbayad ng fifty million at maaring masalba ang career ni Johnny. Pero, di daw ito pumayag. Ayaw din nya sabihin sa akin kaya nakipagkita ako sa kanya at pipilitin kong alamin sa kanya.

Kahit ano gagawin ko para kay Johnny.

Nang hindi sya magsalita, hindi ko na pinigilan ang sarili kong sabihin ang one million question. Bumuntong hininga muna ako, “Anong gusto ipagawa ni President? Gagawin ko yun, maging ayos lang ang lahat.”

Kumunot ang noo nya. Halos magdikit na ang balat. Ilang segundo rin sya natigilan at tumawa ng malakas. May pailing iling pa syang nalalaman. Kalbuhin ko to eh.

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kahit naman gawin mo yun, hinding hindi papayag si Johnny. Kaya Sophie, hintayin na lang natin kung ano man ang mga susunod na mangyayari.”

Tinignan ko sya ng masama. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. “Ganyan ka bang klaseng manager!” Tumayo ako at dinuro sya, “Pagkatapos mong kumita dahil sa kanya, ngayon maghihintay na lang tayo ng mangyayari! Anong klase yan?”

Naramdaman ko ang mga mata ng mga nakaupo sa ibang mga mesa. Pero, wala akong pakealam sa kanila. Kung gusto nila akong pagtsismisan, wala naman na akong maitatago, go pag-usapan nila.

Tumayo rin si Manager Ronald, “Sophie kumalma ka lang.” Sinenyasan nya akong umupo.

“Sa tingin mo ba makakakalma pa ako sa mga ganitong sitwasyon?! Dahil sa akin.... dahil sa akin, nahihirapan sya,” di ko na napigilang umiyak. “Gusto ko lang malaman yung pwede kong gawin. Ayoko lang tumunganga dito at nakikita syang..”

“Okay, Sophie, maupo ka muna,” nang hindi ko ginawa ang sinabi nya, tumango sya at muling nagsalita, “Sige, sasabihin ko na. Pero, wag na wag mong sasabihin kay Johnny na sinabi ko sa yo ha.”

Tumango ako at naupo na muli. Pinunasan ko ang luha ko at hinanda ko ang aking sarili sa kung ano man ang kanyang sasabihin. Nakakapagtaka lang, bakit kailangan kong ihanda ang sarili ko. Siguro, hindi naman ako pinapatay ng president ng agency nila.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon