Chapter 30: I Believe in Love

7.3K 82 4
                                    

[Kylie POV]        

                                                                        

Bumaba kami sa isang café na ilang metro lang ang layo sa apartment ko. Iniwan ko na lang ang aking mga gamit sa kanyang sasakyan. Inalalayan nya ako sa paglalakad dahil ika ika ako. Patuloy pa rin kasing sumasakit yung sugat ko na nakuha ko noong gabi sa bundok.

Ang kasama kong lalaki ngayon ay yung lalaking nakita ko sa park noong hapon na magddate kami ni Johnny. Yung masyado kung makatingin sa bracelet ni Sophie na suot ko noong araw na iyon.

Nagkita kasi kami kanina habang nag-aabang ako ng taxi. Dapat pauwi na ako galing sa five-day out of town photoshoot namin pero pinakausapan ako ng lalaking to na mag-usap daw kami ng maski ilang minuto at ihahatid na lang daw nya ako sa bahay. Sumama ako dahil pakiramdam ko, mahalaga para sa kanya yung pag-uusapan namin ngayon.

Nagtiwala ako sa kanya at sumama dahil mukhang hindi naman sya manlolokong tao.

Magkaharapan kaming nakaupo sa isang mesa. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mala-anghel nyang mukha. Tapos nakataas pa ang buhok kaya lalong lumakas ang appeal nya.

Walang nagsasalita sa amin hanggang maserve na nung server yung coffee at doughnut na inorder nitong lalaking hindi ko pa kilala.

Humigop muna sya ng kape at narinig ko ang kanyang boses na kasing gwapo ng kanyang mukha, “Salamat dahil pumayag kang makipag-usap sa akin ng maski ilang minuto lang.” Kanina pa kami magkasama pero ngayon lang nya narealize na magpasalamat.

“Ano bang pag-uusapan natin?” sumasakit na kasi yung sugat ko kaya atat na akong umuwi.

“May gusto akong itanong sa yo pero hindi ko alam kung may karapatan ba akong itanong,” na-confuse ako sa mga sinabi nya, “Sana wag mo masamain.”

“Teka, hindi ko maintindihan, ano ba yang gusto mong itanong na wala kang karapatan?” lalo akong naguluhan sa mga pinagsasabi ko.

Nilihis nya ang kanyang mga tingin sa akin at inilipat ito sa salaming bintana na nagmimistulang pader ng café na ito, “Noong una kitang nakita, akala ko, ikaw sya.”

Hindi ko na naramdaman ang pananakit ng binti ko dahil lumipat ang lahat ng atensyon ko sa aking curiosity, “Ano bang sinasabi mo, hindi ko tuloy alam kung nabobo na ako o sadyang hindi lang talaga naiinitidihan yang sinasabi mo.”

Tumingin sya sa akin, “Sino ka ba?” tanong nito na nagbigay sa akin ng pagkabigla, “Paano napunta sa yo ang bracelet na yun? Hindi ka naman ang batang yun, di ba?”

“Ha? Anong bracelet? Ano bang sinasabi mo?” sinagot ko rin ng mga tanong ang kanyang mga katanungan sa akin.

“Yung bracelet na suot mo noong araw na nagkabanggaan tayo sa park, di ba hindi naman sa yo yun?” mas mabigat ang kanyang nararamdaman kumpara kanina.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon