Chapter 32: The Actor's Girl Part 2

6.5K 81 0
                                    

[Sophie POV]

Sa buhay ng tao, dumadating talaga sa puntong hindi mo alam kung sino ang pipiliin. Ang tao bang una mong inibig o ang taong salukuyan mong minamahal.

Si Johnny Lopez, isang sikat na actor, ibinigay ang puso sa akin. Noong una, ayokong tanggapin dahil ayoko sa kanya. Kung makapagpalit sya ng babae ay parang kasing dali lang ng paghinga. Baka gawin nya rin sa akin yun kaya hindi ko talaga tinwanggap ang puso nya.

Pero, pinatunayan nya sa akin kung gaano sya kaseryoso at kung gaano nya ako kamahal. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa, basta pagmulat na lang ng mga mata ko isang araw, madali na lang isipin ang mga salitang, ‘Mahal kita, Johnny.’

Akala ko, ayos na. Masaya na kami at stable na ang puso naming dalawa. Subalit hindi pa rin tinigilan ng pagkakataon ang puso kong hindi mapakali.

Dumating sya, ang kababata kong si Jonathan Santiago. Nakalimutan ko na sya simula nang minahal ko si Johnny pero sa puso ko, may maliit pa ring space para sa kanya. Yung maliit na space na yun, nararamdaman kong unti unti nanamang lumalaki at natatakot ako sa paglaki nito.

Pinilit ko mang lumayo, nahihirapan akong huminga kapag inisip kong tuluyan na kaming magkakahiwalay ng landas. Masaya ko kapag nakikita ko sya ngunit pinipigilan ko yun para kay Johnny. Ayokong magalit sya at ayoko ding maging dahilan to para magkahiwalay kami.

Minsan, sana totoo na lang sinasabi ng kantang, ‘Sana Dalawa ang puso ko.’

Ang mainit na paghinga ni Johnny ay nararamdaman ko sa aking leeg. Nakapalibot ang kanyang dalawang braso sa aking bewang habang nakapatong ang kanyang ulo sa balikat ko.  Kanina pa ganyan ang pwesto nya. Alam ko hindi sya tulog, nagpapahinga at naglalambing lang yan.

Kababalik nya lang kaninang umaga mula sa shooting nila sa malayong lugar. Nagkita na lang kami sa ospital kung saan naconfine muli si Miguel. Naadmit nanaman sya dahil inatake sya ulit sa puso.

Grabe, twice or thrice a week na syang inaatake ngayon. Naawa na nga ako sa kanya pati na rin kay Carly. Wala naman akong magagawa kundi damayan lang sya sa pag-iyak nya. Ang bait pa naman ni Miguel. Kung pwede lang itransfer ang sakit nya sa mga manloloko ng babae, magaling na siguro sya ngayon.

Mabait naman na tong nasa tabi ko ngayon kaya hindi na sya kasama sa manloloko ng mga babae. At masaya ako dahil unti unti na nabubura ang imahe nya bilang playboy. Nashock nga yata ang buong bansa ng bumalik sya mula sa shooting na wala man lang kahit anong issue sa kanyang mga co-stars.

"Sophie, anong iniisip mo?" tanong nya sa akin habang lalo nya pang hinihigpitan ang pagyakap sa akin.

"Wala naman, bakit?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Curious lang ako kung ano ang nasa isip mo kasi alam mo ako, wala yatang segundo na hindi ikaw ang iniisip ko," patuloy lang syang nakapikit at nakapatong ang ulo sa akin habang sinasabi nya ito na nagpakilig naman sa akin.

Dahan dahan nya akong hiniga sa sofa na kinauupuan namin. Nahiga ako sa isa nyang braso habang yung isa nyang kamay ay nakahawak sa aking mukha. Nakaharap ako sa kanya habang nakapalibot sa kanya ang mga braso ko. Napakalapit ng aming mga mukha na parang inch na lang ang pagitan.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon