Chapter 10: Bakit Ako pa?

12.6K 150 7
                                    

(A/N: Namiss nyo ba si Sophie? Pwes, hindi nya kayo namiss dahil si Jonathan lang daw ang namimiss nya. JK! Enjoy this chapter with Sophie POV.)

(A/N: Enjoy this chapter, don't forget to criticize and leave a comment thanks! GOD bless you :*)

[Sophie POV]

Ang pagiging playboy ay hindi lang yung nanloloko ng babae, yun din yung mga nagttake advantage sa mga babae. Like for example, yung mga akbay, paghawak ng kamay, pagyakap at higit sa lahat ang paghalik! Kahit two weeks ng nakakalipas nung hinalikan ako ni Johnny the Playboy, hindi pa rin ako makamove on. Hindi talaga. Tinaga ko sa bato na hindi ko papalagpasin yung ginawa nya. Ako daw first kiss nya… magkamatayan man, hinding hindi ko tatanggapin yun!

Eto pa, wala yatang taping na hindi nya ako kinulit. Bakit kasi sa dinami dami ng babae sa planetang ito, ako pa talaga ang natipuhan nya. Walang kokontra: ang hirap talagang maging maganda. Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera, lalayas ako sa trabahong to. Naku, baka mauna pang pumuti ang buhok ko kay Manager Shara, este sa lola ni Manager Shara, kapag tumagal pa ang trabaho ko kasama ang lalaking yun.

Buti na lang dahil nakapanig pa rin sa akin ang good news. Last time, sinabi na magkakahiwalay daw ng taping si Ms. Carly at Johnny.. Syempre, sino ang number one na tuwang tuwa? Wala ng iba kundi ako.. me, myself and I. Sana hanggang mag-end ang drama, magkahiwalay na sila ng taping. Ang laking luwag nun sa  paghinga ko. Maayos pa akong makakapamuhay.

Maagang umalis si Kylie dahil pupunta na daw sya sa kanyang work. Mukhang maganda nga yung kumuha sa kanya ngayon kasi five consecutive projects ba naman. Sana nga ako na ang kunin na make up artist nya para naman makabenefit din ako. Sayang din yun nuh.

Pumunta na ako sa set. Sa studio lang naman ang taping nila ngayon kaya hindi masyadong haggard ang pagpunta. Noong mga nakaraang araw, naku po, napakalalayo ng lugar kaya lagi akong late at mukha pa akong hindara pagdating sa set. Akala ko nga magkakasakit na ako.. di ba tinalo ko pa yung mga artista sa sobrang reklamadora. Sa isip ko lang naman to, hindi ko sinasabi sa kanila.

Pagkarating ko, pumunta na agad ako sa dressing room at inayos ang aking gamit. Wala pang tao, maaga kasi ako ng mga thirty minutes. Kailangan kong bumawi kasi nanlalaki na ang butas ng ilong ni Manager Shara sa akin, baka isang late na lang, tanggalin na ako nun.

Ang tahitahimik sana ng buhay ko dito ng may biglang dumating na dilubyo.

“Good morning..” masaya nyang bati sa akin. Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi. Tinulak ko sya ng buong lakas para makaalis sa pagkakayakap nya. Ganito sya everyday kaya talagang tatanda ako ng di oras sa mga nagaganap na to.

“Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?!” kaaga aga naiinis nanaman ako. Halos tanggalin ko na ang balat ko sa pisngi sa pagpunas.

“Bakit naman ako magsasawa?” tinignan ko sya ng masama, “Ehh forever ko yang gagawin sa yo.”

“Forever?” tumawa ako na parang humihinga lang, “Forever mo yang mukha mo..” pagtataray ko. Lumayo ako sa kanya.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon