Chapter 50: Finale: Last Kiss

5.7K 65 6
                                    

[Sophie POV]

Napakaganda ng asul na kalangitan habang tinitigan ko ito mula dito sa balcony namin sa apartment. Hindi ko lubos maisip na pagkalipas ng mahabang panahon kong pananatili dito, darating din pala ang oras na iiwan ko na ang lugar na to na naging saksi sa kasiyahan, kalungkutan, katagumpayan at kabiguan.

Dahil sa isang desisyon na alam kong tama para sa kapakanan ng taong pinakamamahal ko.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang umalis si Kylie pero miss na miss ko na sya. Kung pwede ko lang ibalik ang araw na yun, baka hindi ko na sya pinaalis. Nag-aalala ako sa kanya ngunit, alam ko kung gaano kalakas ang loob ng pamangkin ko.

Tumawag sya sa akin pagkarating na pagkarating nya pa lang sa France. At ang loka, tuwang tuwa sa nakikita nya doon. Napakaganda daw at hindi sya makapaniwalang nandoon na sya. Ewan ko lang kung paano sya makikipag-usap doon, fast learner naman sya kaya madali syang matututo mag-french. Sosyal na ng babaeng yun, sana lang talaga maging successful sya at kunin nya akong make up artist.

May usapan kami ni Johnny na magkita kaya naman nang kinagabihan, hinanda ko na ang aking sarili para sa bagyong darating sa akin.

Habang naglalakad ako sa park, naalala ko yung mga araw na palagi akong nandito noong umalis si Jonathan papunta sa America. Pagkatapos nun, ang dami ng nangyari. Hanggang sa makilala ko ang playboy ng bayan. Hindi ko akalaing mabibihag ng sira ulong yun ang puso ko.

Ngumiti ako ng peke nang makita ko si Johnny na nakatayo sa harap ng bench na inangkin ko na. Nakatingin lang sya sa akin, curious kung bakit ako nakipagkita sa kanya ng ganitong oras ng gabi. Pinipigilan ko lang maiyak kaya niyakap ko sya pagkalapit ko sa kanya.

“Johnny,” pinakinggan ko ang mabilis na tibok ng puso nya. Ganito pa rin ba ang epekto sa kanya pagkatapos ng lahat ng sasabihin ko sa kanya ngayong gabi.

“Sophie? Ayos ka lang?” bulong nya.

Kumawala na ako sa yakap at tinignan sya ng diretso sa kanyang mga mata na nagningning tulad ng mga bituin. Nakatingin lang kami sa isa’t isa hanggang maisip ko kung bakit nga ba ako nandito. Paano ko ba uumpisahan? Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko ba lahat ng sasabihin ko.

“Johnny,” tawag ko ulit sa kanya.

“Yes?” nakangisi nyang tugon. Makikita ko ba ulit yang mga ngiti na yan?

“Sorry,” halos hininga na lang ang lumabas sa akin. Hindi ko alam kung may salita ba talagang lumabas sa aking bibig.

Kumunot ang noo nya, nakuha nya marahil ang sinabi ko, “Sorry? Para saan?”

Huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin sa kanya, “Dahil niloko kita.”

Hinawakan nya ang dalawa kong braso, ramdam ko ang pagkagulat at pagtataka nya sa mga salita ko, “Anong sinasabi mo? Tumingin ka sa akin.”

“Johnny,” tumingin ako sa kanya tulad ng sinabi nya. Itinago ko lahat ng takot at lungkot ko. Pinalitan ko to ng pekeng tapang. “Niloko lang kita! Hindi naman talaga kita mahal! Sinabi ko lang yun para saktan ka. Ngayon, alam mo na kung gaano kasakit ang ginawa mo sa ibang babae? Kay Kylie. Ang sakit, di ba? Sobrang sakit.”

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha. Hindi ako iiyak sa harap nya.

“Hindi yan totoo Sophie. Nagsisinungaling ka lang.”

“Wag kang maniwala. Hindi ko naman pinipilit na maniwala ka. Masyadong masakit para paniwalaan nuh? Ngayon alam mo na.”

Kailangan mong masaktan Johnny para layuan mo na ako at bumalik na ang normal mong buhay. Magiging sikat ka na ulit. Kababaliwan ng maraming babae. Hayaan mo nang masaktan ako habang buhay, basta ikaw masaya sa buhay mo.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon