Chapter 25: Kylie's Hatred

7.7K 98 6
                                    

[Sophie POV]

Sa pagdating ng mga pangyayari sa aking buhay nitong mga nakaraang araw, malapit na talagang dumating ang oras na aking kinatatakutan. Hindi ako handa kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung paano ko ipapaliwanag ang mga bagay bagay. At higit sa lahat, paano ko haharapin ang mamumuo nyang galit sa akin.

Takot akong lumayo ang loob sa akin ni Kylie dahil sya na ang naging pamilya ko simula nang lisanin nina Mommy at Daddy ang mundo. Matapang man ako sa harap ng iba pero lahat yun ay nanggagaling sa kanya. Naging sandalan na namin ang bawat isa. Pero lahat ng iyon ay parang magbabago lang sa isang kurap.

Ang mahalin ang lalaking unang bumigo sa kanya ay walang kapatawaran. Handa akong tanggapin ang bawat sigaw at mga masasakit na bagay ba gagawin nya pero hindi pa rin mapipigilan ang aking puso na ibigin ang lalaking tapat na akong minamahal.

Nasa isang café kami ngayon ni Johnny at nakasuot sya ng sumbrero para di makilala ng mga tao. Ito ang madalas naming gawin sa loob ng lumipas na buwan. Sa tuwing walang taping, pupunta kami sa café o di kaya sa park, basta yung kaming dalawa lang at walang iistorbo sa amin.

“Johnny, narinig mo na ba yung panibagong intriga sa yo?” tanong ko sa kanya habang busy syang tumingin sa mukha ko. Ewan ko sa lalaking to, halos araw araw na nga kaming magkasama, hindi pa rin syang nagsasawa sa mukha ko.

“Intriga? Yung tungkol sa bago kong girlfriend,” tumango ako sa sinabi nya, “Hayaan mo silang umintriga ng umintiga, ganun naman talaga dito sa showbiz, the more na marami kang issue, mas sikat ka,” humawak sya sa aking kamay na nakapatong sa mesa, “Gusto ko na ngang sabihin sa mga press na ang magandang si Sophie ang babaeng nagpapaibig sa akin pero pinigilan lang ako ng agency ko.” Namula ako bigla sa kanyang mga salita.

“Johnny, talaga, sundin mo na lang ang agency mo dahil alam nila ang tama para sa career mo,” all of the sudden, naghysterical ako, “Ipapakilala mo ako sa mga press na hindi nila naman kilala eh di nagalit sa yo yung mga fans mo at hindi na nila papanoorin yung drama series nyo at ang upcoming movie mo, gusto mo ba yung mangyari ha?”

Halata sa kanyang mukha na nagulat sya sa aking reaction, “Kalma ka lang, Sophie, nandun ka agad eh nandito pa lang tayo,” ngumisi lang sya at hinigpitan pa lalo ang pagkahawak sa aking kamay, “Kung ano man ang mangyari sa mga sumunod na araw, nakatakda na yun mangyari at hindi na natin yun mababago,” napaisip ako bigla sa kanyang mga sinabi.

Tumahimik lang kami ng ilang minuto dahil pinutol ko agad ito, “May shooting ka bukas, di ba?”

“Oo, may shooting ako para sa upcoming movie ko,” tugon nya.

“So hindi pala tayo magkikita bukas,” nalulungkot kong sinabi sa kanya.

“Oo nga nuh,” napagtanto nyang hindi kami magkasama sa set, “Puntahan mo na lang ako bukas, dalan mo ako ng pagkain.”

“Wow, ginawa mo pa akong taga-luto mo, hindi ako pwede bukas kasi maghapon may taping si Carly kaya sa makalawa na lang tayo magkita,” mas relax na ang pagsasalita ko ngayon.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon