Chapter 14: Out of Town Project (Part 2)

10.1K 113 8
  • Dedicated kay Pau Alberca
                                    

(A/N: I dedicated this chapter to my two beautiful Pau friends. Why Pau friends? Because they are both Pau. Anyway, since I already dedicated the chapter 10 to Pau, now this chapter will be dedicated to other Pau. Just see why I dedicated Chapter 14  to them.)

(A/N: REMEMBER: This chapter is not for KIDS.)

[Kylie POV]

Bumuhos ang malakas na ulan nang pabalik na ako sa cottage. Sa kasamaang palad, nadulas ako at nahulog sa isang inakala kong bangin. Mas mababaw lang to compare sa bangin. Napahiga ako at hindi ko napansin na may malaki akong sugat sa leg kaya nasira rin ang jeans ko. Hindi ako makatayo at nag-uumpisa na akong lamigin.

“Tulong.. Tulong!” sa unang sigaw, marami pa akong energy pero sa mga sumunod, parang ako na lang ang nakakarinig.

Pinikit ko na lang ang aking mga mata para makakuha ng konting lakas. Lalong lumalakas ang ulan at habang tumatagal pasakit ng pasakit ang sugat ko. Bakit pa ba ako napapunta dito? Dito na yata matatapos ang lahat.

“Kylie!” yung boses ay parang si Paul, nanaginip lang ba ako o guniguni ko yun. “Kylie, nasaan ka?” sigaw nya muli, “Kylie!” napadilat ako dahil totoo pala ang boses na yun, hindi panaginip at hindi rin guniguni.

Pinilit kong umupo para malakasan ko ang aking mga salita, “Nandito ako..” di ko alam kung narinig nya kaya nilakasan ko pa, “Paul, nandito ako!” Napahiga ulit ako pero patuloy pa rin akong nagsalita ng pahina ng pahina, “Nandito ako.. nandito ako..”

Feeling ko susuko na ang katawan ko. Nilalamig na ako, sobrang sakit pa ng legs ko. Yung paghinga ko ay parang twice every minute na lang. Narinig kaya ako ni Paul? Kung nasaan man sya, sana makita na nya ako. Nakaramdam ako ng antok pero hindi ako pwedeng magpadala kasi may posiblidad na pwede ng tumuloy tuloy ito sa tigok.

“Kylie..” magkahalong gulat at pag-aalala ang kanyang pagtawag sa aking pangalan. Naramdaman ko hinawakan nya ang aking ulo, “Kylie, ayos ka lang?” Tinignan ko lang sya at hindi na ako makapagsalita. Nakasuot sya ng kapote pero basang basa ang kanyang mukha. Pinasan nya ako at pinikit ko na lang ang aking mga mata.

Nakahinga ako ng maluwag dahil may nakasagip na sa akin. Akala ko talaga doon na lahat magtatapos. Kailangan ko pa palang sumikat at magantihan tong si Paul. Pero sa ngayon, di ko muna iisipin yun dahil niligtas nya ako.

Hindi ko alam kung saan na kami nakarating. Nakatulog na lang ako. Kailangan ko kumuha ng lakas dahil sobra na talaga akong naghihina.

Pagdilat ko ng aking mga mata, nakaramdam agad ako ng sakit sa aking binti pero hindi na ito katulad ng kanina. Umupo ako at kulang na lang magkalasan ang buto ko sa likod dahil medyo masakit din ito, gawa siguro ng pagkahulog ko kanina.

Tinignan ko ang buong paligid, ano ang lugar na ito? May pawid sa bubungan at parang bamboo ang pader at sahig nitong bahay. After a century, narealize kong kubo pala ito. Napapunta ako dito dahil dinala ako ni Paul. Nasaan sya? Wala sya dito sa paligid.

Tinignan ko ang leg kong may sugat, may balot ito na puting tela. Sana sugat lang at wag namang pilay dahil gusto ko pang makalakad for the rest of my life.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon