Chapter 34: Soon to be My Mother-in-Law

5K 56 0
                                    

[Kylie POV]

"Ano pa ba ang bibilhin natin?" tanong ni Paul habang tulak tulak ang push cart. Palagi nya ako kasama maggrocery. Sabi nya dati, simula daw nang dumating ako sa buhay nya, doon lang daw sya natuto ng mga ganitong bagay.

Habang naglalakad kami at nakahawak ako sa braso nyang ma-muscle, pinagkakamalan kami ng maraming tao na mag-asawa. Papunta pa lang kami doon. Wag silang excited. Kung excited sila, mas excited ako nuh!

Almost a month na simula naging kami. Next week na ang monthsary namin. LOL. Monthsary! So childish. Ang sarap pakinggan na mag-iisang buwan na kami. Pero, ayokong magcelebrate kami, sinabi ko na rin yun sa kanya, kasi hindi lang monthsary o anniversary ang aabutin namin kundi foreversary.

"Wala pa tayong fruits," nakangiti kong sagot sa kanya at biglang bumuka ang kanyang bibig. "Nandun yung mga prutas, punta tayo doon." Hinila ko sya sa fruits section.

Nang hiniwalayan ako ni Johnny noon, akala ko hindi na ako matututong magmahal ulit. Ngunit, inakit ako ni Paul. Joke. Ewan, basta isang araw, mahal ko na sya. Maski ulit ulitin kong alalahanin kung kailan nagsimula ang lahat, hindi ko talaga maalala.

Naging official dating kaming dalawa nang nagpropose sya sa plaza. Actually, pinaghintay nya ako doon ng halos six hours. Noong una, nainis ako pero hindi ako nagdalawang isip na sagutin sya nang gabing yun. Reasonable naman kung bakit sya late na nakarating. Galing pa kasi sya ng business trip nun at nadelay ang flight nya. Buti na nga lang daw, nakita nya yung mga lalaking tambay na yun na nakatulong nyang magpropose sa akin.

Magpapaka-choosy pa ba ako. Ang gwapong with biceps and abs ang nagtanong kung pwede nya ba daw ako maging girl friend. Syempre bukod sa panlabas na anyo, mahal ko rin si Paul sa ugali nya. Basta mahal ko sya kung sino sya.

Yung parents nya ay hindi ko pa rin na-meet hanggang ngayon. Lagi kasing busy ang parents nya sa mga business trip. Gusto ko pa naman makilala yung stepmom nya na parang ako daw. Sure ako na maganda rin yun.

"Hon," inakbayan nya ako at nilapit nya ang kanyang bibig sa aking tainga.

Siniko ko sya, "Wag mo nga akong tawaging hon, ang corny!" Sigurado ako na pulang pula ang mukha ko ngayon.

Hinawakan nya yung siko ko kaya bigla akong nataranta. Lumapit pa sya sa akin at bumulong, "Diretso tayo sa bahay namin ha," halos manginig ang lahat ng buto ko. Dahan dahan akong tumingin sa kanyang mukha na sobrang lapit. Kung kanina, namumula ako, ngayon namumutla na ako. Natawa sya nang makita ang reaksyon ko, "Dadating daw kasi sina mom at dad ngayon kaya ipapakilala na kita sa kanila."

"Dadating na sila?" tumango lang sya at nilingon ko ang aking mukha sa ibang direksyon. Walang anu ano akong kinabahan. Paano kung hindi nila magustuhan ang itsura ko? Paano kung ayaw nila sa akin dahil mahirap lang ako? Paano kung may gusto silang ibang babae para kay Paul?

"Kylie, wag ka namang kabahan," binaba nya ang kanyang kamay sa aking bewang at nag-umpisa na muli kaming maglakad. "I'm so sure na magugustuhan ka nila. Mom was so excited na makikilala ka noong huli ko syang nakausap. Same with dad. Kaya wala ka dapat ikakaba," ngumiti sya na nagpalit ng kilig sa aking kaba.

Tumingin muli ako sa kanyang mga mata, "Anong gagawin mo kapag sinabi nila sa yo na ayaw nila sa akin?"

Huminto muli kami sa paglalakad, "Hmm." hinawakan nya ang mukha ko at lumapit pa lalo sya, "ito ang gagawin ko."

Parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong pagkatao. Slow motion ang buong palagid. Tila kaming dalawa lang ang nandito. Gustong gusto ko na syang hilahin at ifeel ang bawat halik nya. Pero.. may mga hadlang talaga sa paligid.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon