Chapter 17: Sina Johnny at Jonathan ay iisa?!

10.6K 131 9
                                    

[Sophie POV]

Ang temperatura ng paligid ay biglang nagbago. Lahat ng pagkasabik at kasiyahan ay naglaho na parang bula. Ang kaninang lakas ay naging mahina na. At ang lahat ng emosyon ko ay mistulang puro gulat na lamang. Dahil yan sa isang tanong.

“Paano kung bumalik na si Jonathan?” tanong ni Kylie. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaction sa mga salitang ito.

“Uh, si Jonathan..” ngumiti na lang ako na parang naguguluhan, “..hindi naman na siguro yun babalik kasi..” inisip ko ang mga salitang dapat kong gamitin, “..nakalimutan.. na ako nun.”

Nilihis nya ang kanyang tingin sa akin at nagbuntong hininga, “Bakit Sophie parang ayaw mo na syang bumalik?” tinignan nya muli ako, “May ibang lalaki ka na bang nagugustuhan?” Hindi ako nakasagot sa tanong nya, “Dati, gustong gusto mo syang bumalik pero ngayon, parang iniiwasan mong mangyari ang mga bagay na yun.”

Hindi ako makahinga ng ayos dahil pakiramdam ko, naubos lahat ng oxygen dito. Napapikit ako at pilit kong iniisip ang dapat isagot sa kanya. Tumingin na muli ako sa kanya, “Kylie, nakakapagod maghintay lalo na kapag ang hinihintay mo ay walang kasiguraduhan kung kailan babalik.”

“Tama ka Sophie pero palagi mong tandaan na mahal na mahal ka pa rin ni Jonathan maski dalawang dekada na kayong hindi nagkikita..” nagtaka ako sa kanyang mga sinabi, “..kaya kung magkita muli kayo at malaman mong, sya si Jonathan, wag na wag kang magagalit sa kanya dahil maski sya, naghintay din ng pagkakataon para magkasama kayo.”

“Kilala mo ba si Jonathan?” nagmamadali at malakas kong tanong sa kanya.

Ngumiti sya na may pag-aalala sa mga mata, “Mapalad ka Sophie dahil ang matagal mong hinihintay ay nandyan lang pala sa paligid.” Nanlaki na lang muli ang aking mga mata at nastock na lang dito sa aking kinauupuan. Tumayo na sya at pumunta sa kwarto.

Ano ang ibig nyang sabihin sa ‘nandyan lang pala sa paligid’? Kung hindi ako nagkakamali, matagal ko na naming nakakasama si Jonathan. Pero, bakit hindi ko sya nakilala? Gumamit sya ng ibang pangalan para hindi ko sya makilala. Sira ba sya, bakit hindi naman sya magpapakilala sa akin? Ang tagal tagal ko syang hinintay tapos ganun lang ang gagawin nya.

‘Anong nakakatuwa dun? Oo, bitin ang pangalan ko pero wala kang karapatang pagtawanan yun..’ bigla kong naalala ang aking sinabi noong una kaming nagkita ni Johnny at bigla ring pumasok sa isip ko yung tugon nya noong araw na yun, ‘Wala ka pa ring…’. Wala ka pa ring, ano? ‘Pinagbago’ bigay ng utak ko sa akin. Kinabahan ako pero hindi ito ang time para paniwalaan ang mga ganyang bagay. Si Johnny at Jonathan, magkaiba sila dahil wala sa itsura ng batang nakasalamin na yun ang maging playboy.

Lumabas muna ako sa balcony ng aming apartment. I need some fresh air para naman gumana ng maayos ang utak ko. Sa mga sinabi sa akin ni Kylie, feeling ko nagsosolve ako ng isang murder case. Pero, after this, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam ko na bumalik si Jonathan. Pero,kung bumalik na sya, paano na si Johnny? Kailangan ko lang pumili ng isa. Hindi ba pwedeng both? Wait, that’s another chapter, wag na lang pag-usapan ngayon yan dahil hindi ko pa nga alam kung sino si Jonathan.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon