Chapter 38: Sad Love Story

4.8K 56 1
                                    

[Carly POV]

“Verna, I really realy love you. Please sumama ka na sa akin,” pagmamakaawa ni Ethan habang hawak ang dalawa kong kamay. Lumuhod pa sya at nag-umpisa ng lumuha. “Verna, please say it na mahal mo rin ako!”

Wala ako sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko, lumulutang ako sa sobrang kakaisip ng mga nangyayari sa aking buhay. Sumisikip ang paghinga ko sa tuwing pumapasok sa utak ko ang posibilidad na mawala sya sa akin. Malapit na yun, alam ko, kung pwede ko lang pahintuin ang araw, ginawa ko na para manatili na lang sya sa aking tabi.

Umiyak. Yun ang ginawa ko buong gabi kagabi. Ito na lang kasi ang nakikita kong paraan para maalis ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit papaano, sa bawat tulo ng luha, nailalabas ko ang mga gumugulo sa isipan ko pati sa aking puso.

Kung iisipin, mababago ba ng mga luhang to ang katotohanang malapit na nya akong iwan. Ang katotohanang hindi ko alam kung paano ko tatanggapin, kung paano ko paniniwalaan at kung paano wawasakin ang puso ko. Bakit ba hindi na lang lahat ng love story ay mauwi sa happy ending? Bakit kailangang may love story na mauwi sa sad ending?

“Cut!” sigaw ni direk kaya napatingin kami sa kanya, “Carly, what’s wrong?” tanong nito habang lumalapit sa amin.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mata, “Sorry, direk, nakalimutan ko yung line ko.”

“Hay naku! Pangatlong beses na natin itong tinake,” ubos pasensya syang huminga, “Ten minutes break muna tayo. Kabisaduhin mo na yung line mo ha.” utos nya sa akin.

Pagkaalis ni direk. Napabuntong hininga na lang ako dahil ramdam ko ang pagkadismaya ng mga tao ngayon dito sa set. Umupo na lang ako sa isang upuan at ininom ang isang malamig na bottled water dun. Tumabi sa akin si Ethan, sya ang ka-love triangle namin ni Johnny dito sa The Love and Promise. Nahihiya na rin ako sa kanya dahil ilang take na kami ng isang scene lang kaninang umaga pa.

“Carly, are you fine?” tanong nya na may pag-aalala sa mukha, “Hindi ka naman ganyan dati. I’m sure may malaki kang problema.”

“Sorry, Ethan, I’ll make sure na gagalingan ko na sa next take,” pampalubag loob ko sa kanya.

“Ok lang,”

“Carly!” tawag ng isang babae na papalapit sa akin. Si Sophie pala na dala dala ang kanyang makeup box. “Pinapunta ako dito ni Manager Shara, iretouch daw kita,” hinawakan nya ang mukha ko at napapalatak sya, “Kita na yung eyebags mo! Umiyak ka nanaman?”

Kinuha nya ang isang maliit na bote sa kanyang box at nagpatak sa kanyang kamay. Concealer marahil yun dahil yun ang madalas nyang ipantakip sa aking itim at matabang eyebags. Bakit kasi nauso pa tong eyebags? Pwede bang ipatanggal to para kapag umiyak ako, hindi na halata.

“Girls, iwan ko muna kayo ha, dumating kasi si commander baka ano nanaman ang isipin,” pagpapaalam at biro ni Ethan kaya natawa kami ni Sophie. Ang commander na tinutukoy nya ay ang maganda nyang girlfriend pero napakaselosa at insecure.

“Sige, maya na lang,” sabi ko sa kanya.

Pinagpatuloy na ni Sophie ang ginagawa nya. Hindi na sya nagtatanong kung bakit ganito ang itsura ko ngayon dahil alam na alam nya ang bawat detalye ng problema ko. Maliban na lang syempre sa nalaman ko sa email ni Miguel. Wala naman kasi akong pinagsasabihan nun. Maski si Miguel, hindi nya alam na nalaman ko na ang tungkol sa bagay na yun.

Halos lahat sila ang alam nila ay palagi sya ngayon inaatake dahil sa pagod sya at kung anu ano pang rason. Pero, ang totoo, nangyayari sa kanya yun dahil malapit na ang pagtigil ng tibok ng puso nya. Hinihintay nya lang yun dahil alam kong pagod na rin sya.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon