Chapter 47: Ang Pinakamahalaga

4.4K 56 4
                                    

(A/N: This is it guys and gals, after 48 years nakapag-UD ulit. Pasensya na po talaga. at sana magustuhan nyo to kahit papaano. Malapit na matapos ang story na ito. Kung gusto nyo po na dedication, just comment. Don't forget your votes and comments! Thank You. GOD bless :))

[Johnny POV]

“Mr. Johnny Lopez, gaano po katotoo ang balitang inatrasan na po kayo ng mga endorsement nyo?”

“Hindi na po ba matutuloy ang dalawang susunod nyong movies?”

“Iiwan nyo na po ba talaga ang showbiz?”

Ito ang ilan sa mga tanong ng mga reporters na nag-aabang sa akin sa set ng The Love and Promise. Wala akong ideya kung gaano sila karami, lahat gustong magtanong. Lahat gustong malaman ang katotohanan sa likod ng mga issue tungkol sa akin.

Dahil sa ginawa kong announcement sa Celebration Party tungkol sa nalalapit kong pagpapakasal kay Sophie, para itong bombang sumabog sa buong bansa at lahat ay nagkagulo.

Ang ilan sa mga direktor na dapat makakatrabaho ko sa mga susunod na buwan ay nakipag-usap na sa aking agency sa plano nilang tanggalin ako sa mga palabas na iyon. Ganun din ang mga commercials ko.

Wala akong pinagsisihan dahil ito ang gusto. Ngunit ano nga ba talaga ang mahalaga sa akin? Minsan, tanong ko yan sa sarili ko. Mahal ko si Sophie, pero mahal ko rin ang trabaho ko. Matagal ko nang kasama ang trabahong ito, ito ang nagbigay sa akin ng bagong buhay at pag-asa. Pero si Sophie… sya na ang buhay ko ngayon.

Pagkatapos ng taping, pinatawag ako sa agency kaya hindi ko na nahintay na matapos ang taping ni Carly para makasabay kong umuwi si Sophie. Hindi pa rin tumigil ang media sa kakatanong sa akin pero ang representative ko na lang ang sumasagot sa kanila. Ayos lang sa akin na sagutin silang lahat pero inutusan na ako na wag na wag magbibigay ng kahit anong komento tungkol sa mga nangyayari.

Pagkapasok ko pa lang sa main office ni President Ang, sya ang president ng agency na humahawak sa akin, nakita ko na ang manager ko at ilang mga tao na nakaupo na. Lahat sila ay hindi maipinta ang mukha, para silang namatayan.

“Mr. Lopez,” tumayo si President Ang at inilahad sa akin ang kanyang kamay. Inabot ko naman iyon at tumango sa kanya. Malamig ang kanyang pagsasalita, halatang galit sya, “Ano bang klaseng polusyon ang pumasok sa kokote mo?”

Kumunot ang noo ko at tinignan sya ng masama. Walang reaksyon galing sa mga kasama ko ngayon sa kwartong ito. Lahat sila ay tahimik na nakikinig. Naghihintay sa susunod na mangyayari.

“President Ang, ano pong ibig nyong sabihin?” muntikan na akong mag-alangan sa aking katanungan.

Sinuntok nya ang kanyang mesa na halos ikinagulat ng lahat maliban sa akin. Halos patayin na ako ng kanyang matutulis nyang paningin. “Ngayon nagmamaangmaangan ka pa!” sigaw nya, “Ikaw ang greatest asset ng Z.H. Agency, pero ngayon, you’re the greatest liability!”

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon