Chapter 29: Ang Pagbabati

7.5K 88 3
                                    

[Sophie POV]

‘Sophie, where are you?’ ito ang text sa akin ni Jonathan kagabi. Ngayong umaga ko pa lang nabasa kaya di na ako nagreply. Nakailang missed calls din sya pero hindi ko naman nasagot. Missed calls nga, di ba? Hindi yun missed calls kapag sinagot ko.

Nandito pa rin ako ngayon sa unit ni Johnny. Dito daw ako matulog kaya sinunod ko ang kagustuhan nya. Yun nga lang, wala akong dalang damit kaya nanghiram muna ako ng tshirt sa kanya. Since, mas matangkad naman sya sa akin, parang dress na rin yung tshirt nya nang sinuot ko.

Naglalaro ako ngayon ng Minion Rush sa cellphone ni Johnny. Ang cute talaga ng mga minions na to. Gustong gusto namin ni Kylie ang mga color yellow na nilalang na to… Oo, ni Kylie. Nakasampung beses yata namin pinanood ang Despicable Me one and two. Saan ka pa?

Speaking of Kylie, hindi ko alam kung bakit sya nagmissed call sa akin. Halos lahat ng missed calls sa phone ko ay galing kay Jonathan pero may isang naligaw doon, ang nakalagay ay ‘Kylie’. Akala ko nga noong una, namalikmata lang ako ngunit nang binalikan ko, sya nga ang tumawag.

Bandang alas dos ng madaling araw sya tumawag kaya hindi ko na rin nasagot. Mahimbing na ang pagtulog ko nang mga oras na yun.

Ayoko nang mag-isip, bahala na, basta dito muna ako sa piling ni Johnny at susulitin ko ang bawat segundong kasama sya. Charot lang yun para maka-change topic na.

Anyway, nandito ngayon sa tabi ko si Johnny, ginugulo lang naman nya ako habang naglalaro nitong Minions. Tapos inaasar nya pa ako kapag nababangga ako sa kotse sa residential o di kaya, nasunog sa el macho.

“Ano ba yan? Di ka naman yata marunong maglaro,” ganyan ang sinasabi nya sa tuwing naddead ako.

Pumalatak ako sabay kamot sa ulo, “Nakakainis naman, syempre, first time kong maglaro nito, buti nga nakaabot na yung score ko sa twenty-five thousand.”

“Nye,” patuloy lang sya sa pang-aasar, “Multiplier nyan seventeen na tapos twenty thousand lang score mo, wala, di ka talaga marunong.”

“Kainis to,” padabog kong binigay sa kanya yung cellphone, “Ikaw na magaling.” Inirapan ko sya sabay tayo sa aking kinaupuan. Humakbang lang ako ng ilan at binalikan sya ng mga tingin kasama ng mga salita, “Akala mo papalagpasin ko ang mga pinaggagawa mo sa shop ni Jonathan kagabi ha!”

Ganyan ako mapikon. Maski mga hindi connected sa mga kasalukuyang nangyayari, ibbring up ko talaga. Aba, akala naman nya, napakabait nyang tao. Lagot talaga sya sa akin.

Nag-inarte ako, isa ito sa talent ko nuh. Tumayo ako sa bandang bintana. Kunyari nagtatampo ako sa kanya pero sa totoo lang, tinatanaw ko ang napakagandang view sa lugar na to.

Maraming beses na akong pumunta dito sa condo ni Johnny pero ito ang unang beses kong tinitigan ang nasa labas ng kanyang bintana.

Mataas ang kinalalagyan ng unit nya kaya naman parang langgam lang ang mga bahay at establishment sa paligid. May mga matataas ding building pero hindi naman sila nakaharang sa tanawin. May malawak na lawa at pagkatapos nito ay bundok na natatanaw ngayon ng aking mga mata.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon