Chapter 13: Out of Town Project (Part 1)

11.2K 119 4
                                    

(A/N: Babala sa mga typo errors, mas konti sila kaysa sa tamang spelling. Pagpasensyahan nyo na ha dahil may sakit ako ngayon, nahawa ako kay Johnny. Charot XD Anyway, enjoy the b2b chapters of Kylie. Nakakaloka to kaya abangan nyo.)

(A/N: Check nyo profile ng pinagbigyan ko ng dedication for this chapter. Ang ganda ng story nya, just click the External Link para makita at mabasa nyo. Character nya dun ang crush kong si Yoo Seung Ho! haha Thank you :D GOD bless)

[Kylie POV]

“Naalala mo ba yung sinabi ko sa yo kahapon na may kamukha ka..” sabi ng kanyang malaawit na boses, “..naalala ko na kung sino yun?”

Pag-uusisa ko, “Sino naman yun?”

“Yung step mother ko, ang dami nyong similarities.. Kung hindi ko kayo kilala, aakalain kong magnanay kayo.” ngumiti sya at tinitigan ako ng nakakatunaw sa aking mga mata.

After that scenario, hindi na nawala sa isip ko yung step mother nya. I’m so curious kung ano ang itsura nun. Siguro kasing ganda ko sya o di kaya lamang sya ng ilang paligo sa akin. Syempre may edad na yun kaya lamang talaga sa akin.

Si Paul? Ok lang naman kami. Pero may lahing simpleng suplado yata yung lalaking yun. Akala ko after nyang sabihin sa akin na magkamukha kami ng step mother nya, close na kami. Hindi pala. Nag-assume lang ako. Syempre, hindi ako magpapatalo kaya tinatarayan ko din sya. Yung dapat isang dangkal na kaming close, nababawasan everytime na magkikita kami.

He’s not my type. Yung tipo ko talaga yung mala-Johnny.. sweet sa mga girls, nakakainlove kapag kausap at higit sa lahat, hunk kung hunk. Itong si Paul yata ay walang abs. Palagi kasi syang nakasuot ng medyo maluwag na polo tapos parang isa syang lalaking hindi marunong mag-gym. Hindi tulad ni Johnny, gwapo na ang ganda pa ng katawan. Hindi ko man nakita ng live, nakikita ko naman sa magazine o minsan sa t.v.. Wait, wag na ngang pag-usapan ang Johnny na yun. Waste of time.

Last na to. Speaking of Johnny, nararamdaman kong unti unti ng nabubuo muli ang puso kong pulbos. Hindi na ako umiiyak gabi gabi. Achievement yun nuh! And I’m so happy for that at hinding hindi na talaga ako magpapaniwala sa mga lalaking yan. Ang pagkakaroon ng crush muna ang aatupagin ko hanggang dumating na ang aking Mr. Right.

Maiba na tayo, last day, confirm na meron kaming photoshoot out of town. Excited ako kasi ito ang first time kong magtrabaho sa labas ng lugar na ito. Yung hindi ako gagastos at libre lahat. Nung una, nag-alangan akong sumama dahil baka hindi ako payagan ng aking tita. Pero noong magpaalam ako kaninang umaga, nang-asar lang sya ng isang katerba at pinayagan naman ako.

Umalis ako ng bandang tanghali sa bahay. Pagkadating ko sa lugar kung saan ang assembly, wala pang tao, ako ang nauna. Medyo excited lang ang peg. Isang maleta at isang backpack ang dala dala ko. Parang isang taon ako doon. Syempre, baka biglang magpaextend sila kaya naninigurado na.

“Kylie.. ang aga mo ah!” bati ni Jelly sa akin na akala mo pupunta sa beach dahil sa napakaiksi ng short at sleeveless na suot nya. Tinalo nya pa yung model.  Ako nga naka-jeans at nakajacket pa ha. Naku, eto talagang si Jelly, may pagka-alam  nyo na.

“Oo nga, ikaw naman ang sexy mo..” minsan, kailangan talaga nating makipagplastikan.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon