Chapter 5: A Memory and A Kiss

14.1K 209 9
  • Dedicated kay Kyu Repalam
                                    

[Sophie POV]

I’m one-hundred one percent sure na isang panaginip lang itong aking nakikita. Paano ba naman, nandito ako sa park habang maaraw na maaraw, gabi na kaya ayon sa huli kong natatandaan. Napakaraming bata ang naglalaro at higit sa lahat nang tumingin ako sa salamin, nakita ko ang mukha ng isang batang babae. Syempre kaninong mukha pa, eh di mukha ko noong ako ay bata pa.

Habang tinitignan ko ang aking paligid, may umaagaw ng aking atensyon. Nakita ko ang isang batang lalaki na nakatingin sa akin. Ilang hakbang ang layo nya at nakatayo sya sa tabi ng isang puno. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil blurred ito. Sigurado akong hindi yun si Jonathan pero alam ko na nakita ko na ang batang yun.

Kumunot ang aking noo nang makita kong may tatlong batang lumalapit sa kanya. Yung isa ay mataba at malaking bata, at yung dalawa ay parehong payat. Sa totoo lang, pareho ring pamilyar sa akin ang mga batang yun. Nakita ko na sila once in my lifetime.

Binatukan ng malaking bata yung batang lalaking nakatingin sa akin. Sa kilos ng batang yun, halatang halatang natatakot sya at wala syang laban sa mga bad kids. Hindi ko napigilang tumayo at puntahan ang mga nang-aaway. Maski kasing lawak ng pacific ocean na sigurado akong panaginip lang ito, nadala pa rin ako dahil ayoko talaga ng mga bully.

“Hoy!” sigaw ko sa tatlong batang pinagtutulungan ang kaawa awang payat na musmos.

Tumingin sila sa akin at nagulat ako dahil malabo rin ang kanilang mga mukha. “Ano ang problema mo?” sabi ng matabang bata.

“Wag nyo sya awayin!” matapang kong sinabi.

“Eh di, ikaw na lang aawayin namin..” sabi muli ng matabang bata.

“Sige, awayin nyo ako! Pulis ang tatay ko, ikukulong kayo nun!” pagbabanta ko sa kanila, maski di naman totoo, na biglang nagpatigil sa mundo ko. Siguradong sigurado akong  nangyari na ito! Hindi ako pwedeng magkamali, talagang umulit na lang ito sa panaginip ko pero isa itong memorya na halos makalimutan ko na dahil sa tagal ng panahong lumipas.

Naalala ko pa rin ito kahit papaano pero tulad nga ng panaginip ko, blurred na ang mga mukha ng mga batang nakasalamuha ko. Sa aking natatandaan, nangyari ito nang saktong isang taon na umalis si Jonathan papuntang America.

Anyways, di ko na naituloy ang panaginip ko dahil biglang umingay na tila may lipon ng mga bubuyog ang napadaan sa lugar. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung sounds na yun kaya pinilit ko na magising, baka doon pala sa labas ng panaginip ko meron talagang bubuyog. Takot ako sa insekto kaya kailangan ko na magising bago pa ako mapuntahan!

At last, nagising na ako… whew!

“Sophie, buti gising ka na!” pambungad na salita sa akin ni Kylie. Doon ko lang narealize na dito pala ako nakatulog sa sala. “Ano’ng nangyari sa t.v. natin?” tanong nya.

Umupo ako at tinignan ko yung t.v. Aba, kaya pala! Napaniginipan ko yung sound ng aming t.v na parang may bubuyog lang sa loob at tila ilang sandali na lang, lalabas na si Sadako. “Tignan mo kung nakasaksak yung cable baka natanggal lang..”

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon