Chapter 1: Ako ang Number One Hater

25.7K 289 20
                                    

[Sophie POV]    

My name is Sophie Valdes. Oo, Sophie lang, bitin nga. Dapat Sophia o di kaya nilagyan man lang ng Mae para medyo mahaba pero yun ang gusto ng mga magulang ko kaya wala akong karapatang umangal. Speaking of magulang, matagal na akong ulila. Yung mom ko, namatay noong twelve years old ako dahil hindi sya nakasurvive sa cancer. Ang dad ko naman ay pumanaw dahil sa sakit sa atay noong seventeen years old naman ako. Noong una, syempre hindi ko alam kung paano mabubuhay pero ginawa ko ang lahat para ipagpatuloy ang buhay.

Ngayon, I’m twenty-seven years old. Tama, twenty seven pero sa tanda kong ito, hindi pa rin ako nagboboyfriend. Ayokong tumandang dalaga pero yung puso ko parang hindi marunong magmahal. Dala siguro ito ng sinabi ng batang yun sa akin. Dalawang dekada na akong naghihintay sa kanya ngunit maski kuko nya sa paa, hindi pa rin nagpapakita sa akin. Yung mga nanliligaw sa akin, gustong gusto ko ng sagutin pero parang nakokonsensya ako na ewan. Hay, yung bracelet na bigay nya, iyon na lang ang tanging naiwan sa akin. Yung mga memories, medyo blurred na dahil seven years old pa lang ako nun. Ang malinaw lang talaga, yung huling araw kaming nagkita.

Nakatira ako sa isang maliit na apartment. Binenta ko yung bahay namin last ten years ago dahil kailangan ko ng pangtuition sa college at syempre pangbuhay namin. Namin ng pamangkin kong si Kylie. Anak sya ng pinsan kong si Leila na matanda sa akin ng nine years. Twenty years old na si Kylie ngayon. Sixteen years old pa lang ang pinsan ko noong ipinanganak sya. Pinalayas sya ng mga magulang nya dahil sa sobrang galit ng mga ito kaya naawa si daddy at pinatira muna sa amin. Pero sadyang may pagkahaliparot talaga yung pinsan ko dahil noong tatlong taon na si Kylie, lumayas sya at sumama sa ibang lalaki. Nagalit sa kanya ang mga magulang ko ngunit hindi sa pamangkin ko. Minahal na lang nila ang bata na parang tunay nilang anak. Subalit nang pumanaw na sila, ako na ang tumayong nanay/ate/tiya/bestfriend sa kanya.

Pareho kaming nagtatrabaho ni Kylie ngayon. Full-time ako habang part-time lang sya. Lagi ko sinasabi sa kanya na ipagpatuloy nya ang pag-aaral pero makulit sya, mas gusto nya daw akong tulungan na magtrabaho. Model sya sa mga photoshoot, yung medyo mga murang model. Pero ayos lang naman dahil nakakatulong din kahit papaano. Yun ang hilig nya kaya wala na akong magagawa kundi suportahan sya. Basta ang mahalaga, ingatan nya yung reputasyon nya at wag na wag syang papayag na magpakita ng maseselang balat.

Ako naman ay isang makeup artist. Medyo kilalang makeup artist. Five years na ako sa profession kong ito. Marami akong client na sikat na mga artista at marami na rin akong napakagandang mga bida sa movies at drama serye. Tama lang sa pamumuhay namin ang kinikita ko dito, walang kulang at lalong lalong walang labis. Enjoy na enjoy ako sa trabaho ko dahil ito talaga ang hilig ko. Ngunit three years ago, may isang pumeste sa enjoyment ko sa profession na ito. Paanong hindi ka maiinis, yung mga mga eyebag ng mga clients kong star o starlet man, konting konti na lang pwede na nilang maging cheekbone. Para bang may eyebag sa eyebag. At yung pagka-itim, hindi lang basta basta, itim kung itim talaga. Ang hirap kayang takpan. Iisa lang ang dahilan kung bakit ganito ang mga eyebags nila dahil sa buong mahahabang gabi na iyak sila ng iyak. At ang gumawa sa kanila nito ay ang isang sikat na actor na akala mo kung sino napakagwapo. Actually, hindi naman ako nagagalit dahil mahirap makeupan ang mga eyebags, nagagalit ako sa actor na yun dahil kung maggirlfriend sya, akala mo nagpapalit lang ng undies. Paano yun kumonekta sa pagpeste nya sa trabaho ko? Tulad nga ng sinabi ko, ang lalaki at ang iitim ng mga eyebag ng mga star at starlet na clients ko at bukod doon, naawa ako sa mga clients kong naloloko nya, hindi ako makapagconcetrate sa trabaho ko.

Johnny Lopez, yun ang pangalan ng actor na yun. Halos yata lahat ng babae sa buong bansa, maghuhubad sa harap nya para lang mapansin sila. FYI, kaya nga pala halos lang dahil hindi lahat gusto sya. May hater din sya nuh. Ako yun, number one hater nya. One and only. Wala pa yata akong nakilalang babae na galit na galit sa kanya. Nag-umpisa sya, three years ago. Supporting actor sya sa isang drama serye, at pagkatapos nun, grabe, parang out-of-nowhere, yung pangalan nya ay kilalang kilala ng lahat ng tao. Sunud sunod na ang naging serye nya na sobrang tataas ng ratings at mga movies na blockbuster. Pero kahit isa sa mga yun, wala akong pinanuod.. nalaman ko lang. Paanong hindi ko malalaman, dahil pagbukas ng t.v. balita tungkol sa kanya at tatlo sa bawat limang commercial, mukha nya ang nakabalandra. Sa internet, wala na yatang araw na hindi sya ang number one trend. Ang pinagtataka ko lang, paano nauuto ng lalaking to ang mga tao. Balitang balita sa buong bansa na playboy sya. Lahat na yata ng nakaloveteam nya at nakatrabaho nyang babae, naging girlfriend na nya. Wala syang pinaglagpas. Ganun sya katindi.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon