Chapter 46: Our Hearts, Our Memories

5.1K 57 3
                                    

[Sophie POV]

“Saan ba talaga tayo pupunta ha?!” sigaw ko kay Johnny habang nagddrive sya papunta kung sa saan. Umaacting ako na parang kinikidnap at may pahampas hampas pa ako sa bintana hanggang sa marealize kong mukha pala akong engot.

“Sophie, tigilan mo yan, baka mabasag,” maloko nyang pananaway sa akin na hindi inaalis ang kanyang paningin sa daan.

Tinignan ko sya ng masama, “Hindi ako titigil hangga’t di mo sinasabi sa akin kung saan tayo pupunta!” tinuloy ko ulit ang ginagawa ko pero mahina lang naman to kaya sure akong hindi to mababasag.

“Ok, fine, naalala mo ba yung umalis ako noong nakaraan,” nanlaki ang mga mata ko at nagtaka sa sagot nya.

“Sa Korea tayo pupunta?” excited na may kasamang gulat na tinanong ko sa kanya. Makikita ko na sina Park Hae Jin at Park Eun Bin kung nagkataon. Oh my gosh!!

“Hindi!” walang atubili nyang pagtanggi kaya nanghina ang aking excitement, “Sophie, bago ako pumunta dun, di ba nagshooting ako sa isang lugar? Naalala mo na ba?”

Tumango ako at hindi pa naman ganun kabulok ang isip ko para hindi maalala yun nuh. “Ahh oo! yung sabi mo maganda,” nawala ang isip ko nang maisip kong doon nga kami pupunta, “Paano yung trabaho natin?!” panic mode na ako.

“Nagpaalam na ako, kaya nga busy ako noong nakaraang lingo kasi tinaping ko na yung mga susunod na episodes,” ayy kaya pala! Buong isang lingo yata kaming hindi nakapagsama dahil puro taping ang ginawa nya.

Nagtampo-tampo pa nga ako noon kasi hindi man lang kami nakapagdate ng kahit ten minutes. Pagkatapos ng lahat ng sinabi nya sa party noong gabing yun… noong gabing nagcelebrate ang buong casts and staff ng The Love and Promise, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas. Siguro iyon na ang pinakamasaya kong gabi, kasi yung lalaking pinakamamahal ko, alam kung paano ako pasasayahin. Ganito ang nangyari noon.

Lahat ng tao sa lugar na ito ay napakapormal at ang gaganda ng kanilang mga itsura. Ang mga babae ay naksuot ng cocktail dress, maliban lang sa mga artista na nakasuot ng mga long gowns. Ang mga lalaki naman ay ang gagwapo sa kanilang shirt with necktie, parang yung lalaking nasa tabi ko.

Nakaupo kami sa isang pabilog na mesa, kasama namin sina Carly, Ethan, Georgina at iba pang casts. Siguro, marami ng nagtataka dahil dito ako nakaupo sa mga casts. Aba, secret cast kaya ako. Joke. Actually, pinagkakagitnaan ako nina Carly at Johnny kaya di na ako masyadong naiilang.

Hinawakan ni Johnny ang kamay ko, susubukan ko sanang tanggalin dahil baka makita kami ng mga press. Ang dami kasing press dito, syempre, number one ba naman ang drama na to. Pero, nang tatanggalin ko na, hinawakan nya lalo ng mahigpit.

Napansin ko ang paglapit sa amin ni Manager Ronald at may binulong ito kay Johnny. Umiling sya bilang tugon. Nacurious ako sa bulong segment na yun ah! Binitawan ni Johnny ang kamay ko at tumingin silang dalawa sa akin.

“Sumama ka muna sa kanya,” sabi ni Johnny sa akin at tinutukoy nya ang kanyang manager.

“Bakit naman?” sabat ni Carly na parang batang ninakawan ng laruan.

“Marami na kasing reporters ang nagtatanong kaya iiwas muna tayo sa tsismis,” di malaman ni Manager Ronald kung paanong klaseng pagsagot ang gagawin nya.

Tumingin ako kay Johnny at napabuntong hininga. Iiwas sa tsismis? Ganun lang? Sa bagay, maski naman ako, hindi pa rin ako handang malaman ng madla na ako ang girlfriend ni Johnny. May pinahahalagahan si Johnny, yun ang career nya. Oo, mahalaga din ako sa kanya pero mas matagal na nyang kasama ang career kaysa sa akin.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon