Chapter 44: Accident

4.9K 50 1
                                    

[Sophie POV]

Inaayos ko na itong mga gamit ko para sa makeup habang hinihintay dito sa set si Carly. Oo nga pala, bumalik na sya kahapon sa pagttaping. Ang saya ko nga kasi naka-recover na sya sa pagkamatayan ni Miguel. Alam ko matagal pa syang makakamove on dun, pero darating din ang time na yun. Nakakangiti na nga sya at di pa rin nagbabago ang acting skills nya.

Tapos.. kami na ulit ni Johnny. My gosh! Kinikilig ako! Corny man sa iba pero di ko sya matiis at ganun din sya. Ang saya lang dahil sobrang miss na miss ko na sya. Sa ganda kong to, pakakawalan pa ba nya ako. Syempre, gagawa at gagawa ng paraan yun, take note: maski dahasin nya pa ako, magkabalikan lang kami. At kinikilig ako dun!

Habang abot hanggang anet ang ngiti ko, biglang may pumasok sa dressing room kaya napalingon ako. Nakita ko si Carly na ang ganda ganda ng ngiti. Nagwave sya sa akin.

“Hi, Carly, ang ganda yata ng ngiti natin ah,” bati ko sa kanya at napansin kong may tao sa likod nya. Mas matangkad sa kanya pero hindi pamilyar ang aura sa akin. Tinignan ko lang sya, isang lalaking maputi, matangkad, mukha namang mabait.

Binigyan ko ng tingin si Carly na may tanong na ‘Sino yan?’

Tumingin si Carly dun sa kasama nya at ipinakilala nya to sa akin, “Si Dennis nga pala,” kinagat nya ang kanyang labi, “friend ko.”

“Ohh,” tumango tango na lang ako at lumapit na sa akin si Carly. Nag-umpisa na akong lagyan sya ng concealer at talaga namang hindi matinag ang mga tingin ni Dennis sa kanya! Tunaw kung tunaw. Yung totoo, anong nangyayari dito?

(A/N: Guys, I really need your help! You know, nag-iisip ako kung gagawan ko ng sariling series to si Carly o isasama ko na lang yung kwento nya sa POV ng mga characters dito. Ang dami ko kasing naiisip sa kanya. Ano sa tingin nyo guys, bigyan ko sya ng sarili nyang book, series o kung ano pang tawag dun, o isasama ko na lang sya dito? Please comment naman kayo, tulungan nyo ako!!)

Natapos ko ng lagyan ng makeup si Carly kaya sabay sabay na kami pumunta sa area kung saan gaganapin ang taping. Mahinang nag-uusap sina Carly at Dennis hanggang makaupo na kami sa isang mesa. Pinakikinggan ko nga yung pinag-uusapan nila pero di ko naman naririnig. Yung mga tingin ni Carly, normal lang pero may konting kislap sa kanyang mga mata. Pero, itong si Dennis, kulang na lang daluyan na ng kuryente ang mga mata.

Napaisip tuloy ako sa itsura namin ni Johnny kapag nag-uusap. Ano kaya ang itsura namin? Alam ko kung gaano sya kasaya kapag kausap nya ako, pero ako kaya? Nakikita nya kaya yung kilig na dumadaloy sa mga mata ko kapag sya ang kausap ko.

“Sophie, anong nangyayare sa yo? Ngumingiti mag-isa?” napatingin ako kay Carly na natatawa, napapangiti na lang sa kanya si Dennis.

Iniwas ko agad ang mga tingin ko at nararamdaman ang pagkapula ng mukha ko, “May naalala lang ako.”

Nag-umpisa na ang taping ni Carly at taimtim kaming nanonood ni Dennis. Taimtim talaga? Actually, di naman talaga ako nanonood, lumilipad kasi ang isip ko kung ano ang mga mangyayari mamaya sa dinner date namin ni Jonathan. Pakiramdam ko may sikreto yun o surprise. Ayoko naman mag-assume pero malakas talaga kutob kong may ganun mamaya.

Ganun kasi sya noong mga bata kami. Kapag pinapunta ako nun sa mga lugar na hindi muna nya ako sinusundo sa bahay, panigurado, may surprise sa akin yun. Isa ng halimbawa dun nung pinapunta nya ako sa park nung hapong aalis na sila papuntang America at ibinigay nya sa akin yung bracelet. Speaking of bracelet, susuotin ko pala yun kaya kailangan kong pumili ng magandang damit na babagay dun.

After lunch, pinuntahan ko na muli si Carly sa dressing room para iretouch sya. Kakaloka naman ang mga eksena nya, kailangan iba iba ang itsura nya kasi napakaraming scene ang tinatape nila ngayon. Naghahabol kasi nga dahil sa three weeks nyang di pagttrabaho.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon