Chapter 23: Help Me to Move On

8.3K 95 5
                                    

[Kylie POV]

It’s been one month after that accident sa aming out of the town photoshoot. Medyo tuyo na ang sugat ko sa aking binti at maayos na akong maglakad. Ngunit, mukhang mag-iiwan talaga to ng malaking peklat. Meron namang concealer kaya tuloy pa rin ang goal na maging future super model.

Sa loob ng isang buwan, bukod sa pagpapagaling, pilit ko pa ring inaalala yung nangyari noong gabing yun. Suko na nga ako kasi bulok ng utak ko, hindi ko talaga maalala ang mga sumunod na pangyayari. Tuwing mag-uusap naman kami ni Paul, nahihiya naman akong itanong yun. Hindi naman ako katulad ng tita kong si Sophie na masyadong prangka at hindi nahihiya. Naku, kung sa kanya nangyari yun, hindi na magdadalawang isip na magtanong yun kung ano ba talaga ang sumunod na nangyari.

Naging close na kami ni Paul. Akala ko noong una, may bipolar disorder yun kasi nga pabago bago yung mood nya sa akin. Minsan sobrang concern tapos biglang hindi mamansin tapos aasarin ako. Wala naman pala syang ganun, sadyang nagagandahan lang sya sa akin. charing! Hindi ko alam kung bakit ganun ugali nya basta hindi sya bipolar.

Ang bait nga ng lalaking yun simula ng ibigay nya sa akin si Pau, kung naalala nyo pa, yung cute na cute kong stuffed toy na tiger na dinonate ni Paul sa akin. Bigla talagang bumait sa akin yung lalaking yun tapos sinamahan nya ako sa doctor noong kailangan ko ipacheck up ang sugat ko. Kumakain kami sa labas pero hindi naman consider yun as date kasi magkaibigan lang kami. Libre nya lahat! Eat all you can ang palaging promo nya sa akin. Kaya tuwang tuwa ako kapag niyaya ako nun lumabas.

Mayaman pala yun sina Paul, maraming negosyo ang daddy nya. Yung photography, hobby nya lang yun. Kung tutuusin, hindi na nya kailangan magtrabaho. Nakakainggit, samantalang ako, kulang na lang maging vampire ako para hindi na matulog at magtrabaho na lang ng magtrabaho.

May project ulit ako, syempre under kay Paul. Dapat nga si Sophie ang makeup artist ko pero hindi natuloy dahil nagbago ang sched nya kay Carly Luna. Tinamaan yung dapat na oras na ako ang pagagandahin nya. Kaya ayun, naghanap na lang ang team ng makeup artist. Magaling naman yung pinalit nila pero iba pa rin talaga si Sophie.

Ngayon, salukuyan akong inaayusan ng makeup artist na to na nagngangalang Rose. Ang gaan ng kamay nya at para akong minamasahe habang nilalagyan ng makeup. Nakita ko na rin yung mga damit na isusuot ko ngayon at sobrang cute at ang gaganda. Excited na nga ako magstart.

Pagkatapos akong nya akong pagandahin, pinuntahan ako ni Paul sa dressing room. Sabi ko naman sa inyo, close na kami ngayon.

“Hi Kylie!” bati nito at umupo sya sa upuang nasa harapan ko.

“Hello Paul, ano ayos ba?” tinutukoy ko ang aking mukha.

“Oo,” halata sa reaksyon nya ang hindi pagiging satisfied sa itsura ko, “Pero, iba pa rin talaga kapag natural beauty, hmm siguro compare dun sa dati, ok na yan, hindi makapal ang makeup,” gandang ganda talaga sya sa akin.

“Whoa! baka bumilog na ang ulo ko nyan ha, almost every day mo yatang sinasabi yan sa akin,” kaya nga confident ako na nagagandahan sya sa akin kasi araw araw nyang sinasabi na iba pa rin daw ang natural beauty ko.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon