Chapter 41: My Girlfriend and My Step Mother

4.8K 49 2
                                    

[Paul POV]

“Hindi pwedeng maging tayo kasi magkapatid tayo.” pagkasabi nya nito, tumayo na sya at tumakbo palayo sa akin.

Matagal bago ko napagtanto ang sinabi nya. I’m confused. What does it mean? Magkapatid? Paano kami naging magkapatid? I knew, wala namang anak sa labas si dad as well as mom. Hindi kaya lasing lang sya but hindi naman sya amoy alak. Naguguluhan talaga ako.

Hindi ko na nagawang habulin sya because she run fast. Nawala na lang sya na parang bula. I felt frustrations. I want to know her explanation about sa sinabi nya. Hindi kami pwedeng maging magkapatid dahil.. mahal ko sya bilang girlfriend, bilang mapapangasawa ko balang araw.

Lumakad na ako pabalik sa bahay namin. Nagulat ako nang makita ko si Mom na nakatayo pa rin sa labas ng aming gate. Malungkot ang kanyang mukha habang hawak nya ang payong sa isa nyang kamay at may hawak syang isang bagay na manipis sa kabila nyang kamay.

Nang malapit na ako sa kanya, lalong nanlaki ang aking mga mata nang humarap syang may luha at pag-aalala sa mukha. Dito ko na lang napansin na ang hawak nya pala sa kanyang isang kamay ay isang litrato. Nabasa na rin to ng ulan.

“Mom, are you okay?” nilipat ko na ang aking mga paningin sa kanyang mga mata.

“Nasaan na sya?” mahina nyang sinabi at luminga linga sa aking likuran.

“Bakit hinahanap mo sya?” hindi ako sigurado sa aking tanong.

She closed her eyes and tears went down from her eyes, “Paul, let me explain.”

“Explain?” patanong kong inulit ang sinabi nya, “Explain what?”

“P-paul..” nanghina na lang ang kanyang mga tuhod kaya bumagsak sya, fortunately, nasalo ko sya at tinawag ko ang mga tauhan namin sa loob ng mansion para tulungan ako.

Hindi ko sure kung nahimatay sya pero nakapikit sya nang dalin namin sya sa kanyang room. Tinawagan ko muna ang family doctor namin para check upin kung ano ang nangyari sa kanya. Pagkatapos, nagbihis muna ako dahil basang basa rin ako ng ulan.

Pagkabalik ko sa kwarto nya, nandun na ang doctor namin kaya hindi muna ako pumasok. Nagstay na lang muna ako sa corridor at tulalang nag-iisip kung ano ba talaga ang tunay na nangyari o nangyayari. Alam kong may isang importanteng lihim na hindi ko pwedeng malaman o hindi pwedeng malaman ninuman. Pero, gusto kong malaman para matapos na ang mga tanong na namumuo sa aking isipan.

Ano ang kailangan iexplain sa akin ni Mom? Yung picture na hawak nya, di ba yun din ang picture na hawak ni Kylie kanina? Ano bang meron sa picture na yun para magsigawan sila kanina na parang may galit sa kanilang mga nararamdaman? Si Kylie bakit sya umiiyak? Bakit nya sinasabi na magkapatid kami?

Flashback..

“Paul, Mommy Leila will live with us starting this day, she will be your mom so be a good boy, ok?” dad told me right after their marriage. Civil lang ang kasal nila dahil mabilisan lang.

My real mother died after she gave birth to me. Last year, dad met Leila Flores. She is eighteen years old back then and now, she is nineteen and my very young mom. Wala na syang pamilya. They all died because of typhoon na nanalansa sa kanilang province.

Ilang araw ang lumipas. Mommy Leila or Mom, for short, ay napakabait sa akin and she is like a real mother to me. Hatid sundo nya ako sa school at tinutulungan nya rin ako sa aking mga assignments. I remembered one night, akala nya tulog na ako dahil nakapikit ako at nakahiga na sa bed. Lumapit sya sa akin at rinig na rinig ko ang kanyang sinabi.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon