Chapter 19: I'm Serious.. I'm in Love with that Girl (Part 1)

9.1K 105 3
                                    

(A/N: I dedicated this chapter to that girl! ang ganda po ng story nya promise, love na love ko po. Kaya basahin nyo rin ang kanyang story, click lang po ang External Link para dalin kayo sa story nya. Basahin nyo rin ha!)

(A/N: Now playing - Di Na Mababawi)

[Johnny POV]

Abala ako ngayon sa paglilinis ng aking dorm. Ngayong college na ako, hindi na ako titira sa ampunan. Working student ako para masuportahan ko ang aking mga pangangailangan. Sina Candace at Carly sa kabilang dorm lang nakatira. Nagttrabaho din ang dalawang yun. Kung ako at si Carly ay sa café sa labas ng university, si Candace naman ay nagttutor ng mga bata.

Graduating na nga pala this year si Candace at malapit na nya makamtan ang pangarap nyang maging Certified Public Accoutant. Four years lang kasi ang course na to dito, sana five years na lang tulad ng ibang university. Para mas matagal pa ang aming pagsasama.

Second year na kami ni Carly at ok naman kami sa aming mga subjects namin. Always kaming bida sa mga theatre acting na ginaganap tuwing may mga program. Halos lahat yata ng lalaking estudyante dito ay may gusto sa aking partner. Hindi naman sa pagyayabang pero yung mga babae din dito, ganun din pero isa lang ang apple of the eye ko, syempre si Candace. Walang makakatalo sa kanya.

Yung bata nga palang nasa park, hindi na sya bata dahil dalaga na sya ngayon. Hindi ko alam kung saan sya nag-aaral pero pumupunta pa rin sya sa park. Palagi ko nga rin yun kinekwento kay Carly at sabi nya, gustong gusto daw nya makilala si Sophie. Maski isang dekada na ang nakalipas, hindi ko pa rin talaga makalimutan yung araw na niligtas nya ako kina Buchok.

Biglang may kumatok sa pinto at tinigil ko muna ang pagwawalis para pagbuksan ang taong yun. Pagkabukas ko, si Carly lang pala. Dirediretso syang pumasok at naupo sa isang upuan.

“Ano ang nagdala sa yo dito?” tanong ko sa kanya at naupo rin sa isang upuan.

“Johnny, nag-aalala na ako sa yo,” huminga sya ng napakalalim, “kapag tinago mo pa rin yang nararamdaman mo kay Candace, baka hindi na yan makalabas at magtago na lang ng habang buhay.”

“Wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kanya at wag mo nga akong pangunahan,” naiirita kong sinabi sa kanya.

“Pero, Johnny, di mo ba naisip na baka may iba ng lalaking nagugustuhan si Candace? Paano kung maunahan ka na nun eh di sira ang lovelife mo forever, hello, twenty one years old na si Candace kaya pwedeng pwede na yun magkaboyfriend, anytime and anywhere,” may hand gestures pa sya habang pilit na pinapaliwanag sa akin to.     

“Carly, kapag nagkaboyfriend ba sya, hindi na sila magkakahiwalay?” curious lang. Masyado kasing advance utak nitong babae to. Wag lang matali si Candace sa kung sino mang lalaki, may pag-asa pa ako.

“Johnny, ano ka ba? Bata pa lang, magkasama na kayo ni Candace pero hindi mo sya kilala?” pumalatak sya, “Ang gusto ni Candace, kung sino man ang maging boyfriend nyang una, yun na talaga hanggang sa huli, ayaw na nya ng papalit palit.”

“Ibig sabihin, kung hindi ako ang maging first boyfriend nya, hindi na kami pwede?” dahan dahan kong mga salita.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon