Queenie POV
Ugh! Bakit ganun? Kanina ko pa napapansin na sobrang malas ng araw ko na 'to ah.
Nung una sinanggi ako ng lalaking epal na yun tapos na-late ako sa klase ko. Naupuan ko yung coffee ng classmate ko! Nakalimutan ko na may exam kami ngayon at di ako nakapag-review.
Tapos ngayon! Nawawala si Aira. Nasaan na ba yung lokaret na babae na yun? Bigla bigla nalang nawawala! Nasa kanya pa naman yung cellphone ko. 2hrs na syang di nagpapa-kita sakin.
Iba na yung nararamdaman ko ah. Bes nasaan ka na ba? Huhuhu
Nilibot ko na ang buong campus baka sakaling na-trap lang siya somewhere. Nagtanong-tanong na din ako sa mga students pero di daw nila nakita
Umupo nalang ako sa isang tabi. Pagod na ako. Di ko talaga siya mahahanap kasi ayaw niya magpakita. Grabe siya!
Uuwi nalang ako ng bahay. Tatawagan ko nalang siya sa telephone namin or chat ko nalang baka sakaling online. Grabe ka sakin Bes!
--
Ang dilim ng bahay namin? Naiinis na ako ah! Bakit sila umalis? Wala na ba talaga silang pakialam sakin? Sana iniwan nilang bukas ang gate
Ooh! Bukas ang gate. Pati din ang pinto at..
" HAPPY BIRTHDAY BES QUEENIE!!
WE LOVE YOU! ^-------^ " at biglang nagkaroon ng liwanag at may lumabas na madaming confetti. Pati yung mga classmate ko nandito din! Sila Mama at Kuya nandito din? Whaaat! Di nila sinabing babalik sila ngayon from New York. At ang ganda ng banner na ginawa ni Bes. Awww, touched naman ako." Huhuhuhu! Bes naman eh. Ano 'to? After ng kamalasan na mga nangyari sakin kanina biglang ganto. Huhuhu I love you so much Bes! " Nilapitan ko siya at niyakap.
Birthday ko nga pala ngayon. Di ko na naisip dahil sa mga kamalasang nangyari sakin kanina. Pero sobrang na-surprise ako. Si Bes lang ang nakakapag-pasaya sakin ng ganto.
" Bes naman! Wag ka ng umiyak. Kaya ko nga 'to ginawa para sumaya ka eh, tapos iiyakan mo lang ako! Bes naman. " Sabi ni Aira at biglang nag-pout siya
Iba talaga si Bes maging bestfriend. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sakin. Kahit na wala akong boyfriend Im so very lucky na nandyan siya.
" Guys! Thankyou. I feel so blessed today. Thankyou thankyou! I super appreciate it. Hmmmwa! " At nagbigay ako ng flying kiss sakanila
" So? Kainan na! Yehey! " Excited na sabi ni Bes
Umupo na kami sa respected (wow) seats namin. At kumain na!
" Mommy bakit di niyo sinabi sakin na uuwi kayo? " sabay pout
" Baby, surprise nga eh. Tsaka miss ka na namin ni Kuya mo. " tsaka hinug ako ni Mommy.
Sobrang na-miss ko sila! Si Daddy at mga katulong lang kase ang mga kasama ko sa house eh. Si Mama kase may business sa New York at dun na din nagaaral ng pagdo-doctor si Kuya. Si Dad naman ay may business din dito. Highschool student palang ako kaya wala pa ako dyan sa ginagawa nila Dad pero graduating na ako ^-------^
" I love you guys!! " then we group hug
" Blow your candle na Bes!! And make a wish" - Aira
And I blow it. Wish ko sana mapansin na ako at maging kami na ni Jerome.
Pumunta muna kami sa room ko ni Bes. Napagod siguro siya sa mga paghanda nitong surprise. Hayyyy, thanks kay God kase binigyan niya ako ng Aira Gracia my Bes. :)
" Bes, I love you! Thankyou sa lahat ng 'to. Thankyou sa 5 yrs friendship. Thankyou sa mga surprises every birthday ko. Thankyou sa mga secrets na hindi mo sinasabi. Sayo ko lang lahat binigay ang tiwala ko. Lahat ng accounts at passwords ko alam mo. Pati deep secrets ko. Lahat ng nangyayari sakin! Sorry kung minsan moody ako Bes. Basta thankyou! Tayo lang ang may forever. Im lucky to have you" Pagda-drama ko kay Aira at hinug ko siya ng mahigpit. Feeling ko maiiyak ako any moment
" Bes, anything for you! Yung secrets na yun? Forever nating itatago na tayo lang ang may alam. Bes kung swerte ako sayo, mas maswerte ako na bes kita. I love you too bes! " Aaaw, bes talaga gusto lagi akong pinapaiyak eh!
" Bes, gabing-gabi na dito ka na matulog ha" At agad naman siyang sumang ayon.
Siguro twice in a week dito siya natutulog. Dahil gusto ko lang :) Pag may problema ako lagi syang nandyan. Never niya akong iniiwan except pag may surprises siya sakin. Pag may sakit ako siya nag-aalaga sakin. Kapag may kaaway ako,siya umaaway. All in 1 na nga si Bes.
Na kay Bes na lahat,bakit kaya iniiwan pa siya ng mga lalaki? Siraulo talaga yung mga lalaking nangiiwan kay Bes. Sa totoo lang mas maganda talaga si Aira kaysa sakin.
Si Aira ay Freelance Model. At ngayon, isa siya sa runner for Salutatorian. Me? Runner for Valedictorian :D Pero kahit ganun, never kaming nag-away ni Bes para sa pwesto sa klase. Nagtu-tulungan pa nga kami eh.
Pag may minahal na lalaki lang talaga si Bes, Go support ko siya! Kahit sino pa yan! Gusto ko siyang maging masaya.
Madami na kaming memories ni Bes. Parehas kase kaming dancer. Hiphop dancer ah. :) Madalas kaming nagpe-present sa events ng school. Minsan lumalaban. May sinalihan kami ni Bes na grupo eh, kung di lang dahil kay Aira baka di ako natanggap. Sobrang galing kase ni Aira sumayaw so ayaw na syang patakasin ng leader ng group kaya nanghingi ng favor si Aira na isali na ako. Kaya ayun, were in Wind Force Hiphop Covers. :D
Pinauwi ko na ang mga bisita ko at natulog na. Kulang din kasi ako sa tulog.
Hmm, bakit nandito yung cellphone ni Aira sa ilalim ng unan ko? May nagtext sakanya. Babasahin ko kaya? Kaso baka magalit yun eh? Naaah, pero Bes niya ako. So pwede naman!
*From; Jerome Briñosa*
Si Jerome? 5 months na ata akong inlove sakanya eh. Aminado akong stalker niya ako pero iba talaga siya sa mga nakilala ko. After nung niligtas niya ako from that accident, di ko na sya makalimutan.
*Aira, please naman. Please?*
Huh? Bakit kaya? Ano kaya ibig sabihin ni Jerome dito? Hay! Bukas ko na nga lang itanong to kay Bes. Matutulog na ako!

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Genç KurguMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...