Gusto kong ichat si Tristan kung bakit ganun ang sagot niya sakin. Di ko lang kasi matanggap na kung kailan naka-move on na ako kay Jerome at siya naman 'tong gusto ko ay biglang mawawala. Gusto niya naman din ako! Pero bakit hindi pwede?!
Kaso ayoko na ako ang mag first move! Babae ako eh. Ano ba? Uunahin ko ba ang pride ko? Sabi nga ng mga tao sakin, matalino ako at dapat alam ko ang lahat ng sagot!
Oo matalino ako! Pero duh? May kahinaan din naman ako at madami din naman akong bagay na hindi kayang masagot. Gaya nitong problema ko :(
Gusto kong mabigyan nila ako ng advice para naman hindi na naman ako masaktan in the fourth time. Baka umabot na 'to sa infinity hanggang sa madurog na ang puso ko na kahit sino hinding hindi na kaya itong buuin even me.
*sigh* Kung iisipin, lahat ng tao ang tingin sa akin ay perfect na kasi matalino, mabait, mayaman at maganda daw ako. Pero di nila alam may mga frustrated hidden characters din ako. Tulad ng masyadong mabilis in terms of pagdedesisyon sa lovelife. Iyakin at mabilis umiyak kahit na sobrang babaw nito para iyakan. Di kayang magsolve ng problem about love. Siguro immature pa talaga ako sa usaping lovelife at ang sakit na ngayon ko lang 'to narealize sa sarili ko.
At alam ko na ang sagot sa mga questions ko!!
BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...