Confession Hall
" Itong activity na ito ay ang magbibigay ng pagkakataon na sabihin lahat ng hinanakit, pagpapatawad o pasasalamat niyo sa klase o sa isang tao. Isang section tayo dito at di na kayo iba sa isat-isa. Kahit sino pwede magsimula. " Paliwanag ng adviser namin.
" Ako na po! " Pangunguna ni Ingrid
Lahat naman nakatingin sa kanya. Nakita kong bigla syang kinabahan. Di ko alam ang sasabihin niya pero ramdam kong napaka-importante nito.
" Di ko alam kung paano to sisimulan. Argh! Uhm, kilala niyo naman siguro ako. Im Ingrid Ayesa Villareal at yan lang ang alam niyo sakin bukod sa representative ako sa Student Council. Natatakot akong masira ang image ko dito sa school kaya tinago ko to. Alam kong makakatanggap ako ng mga masasakit na salita if ever na kumalat to. Pero ngayong gagraduate na ako di na ako natatakot kasi naisip ko, buhay ko naman to eh. Ako naman ang magdedesisyon kung magpapaapekto ako dito. Eto, may anak na ako. Teen mom kumbaga? He's 3 years old. Hmm, yun! (biglang umiyak) Thank you kila Cheska, Coleen, Amy, at Karessa. Lagi silang nandyan for me. Hindi nila ako iniwan. Hindi nila ako jinudge at hindi nila ako pinabayaan. Thank you din Queenie kasi alam mo na yun! Thank you! I feel so special sa inyo. Yun lang po. " Paliwanag ni Ingrid at umupo na siya.
Nakita kong naiiyak ang mga classmate ko. Di ko din napigilan na maluha. At sunod-sunod na ngang nagconfess ang mga classmate ko.
Ako? Syempre nagconfess din pero nagpasalamat lang ako. Salamat na kahit madaming nangyari sa akin sa school iisang section pa din kami magkakasama.

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Fiksi RemajaMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...