Di pa din nagcha-chat sakin si Aira. Nalulungkot na ako. Feeling ko talaga nami-miss ko na siya. Hays, sana di na lang nangyari ang lahat ng 'to.
Bukas na pala ang Prom namin. Di ko alam kung excited ba ako or what. Basta gusto kong maging isang magandang memory itong Prom na 'to. Mahirap man kasi wala si Aira pero kakayanin ko.
Nagdrive na ako ng kotse papuntang school. At nakita kong naka- abang sa gate sila Cheska. Pagka-park ko lumapit na agad ako sa kanila.
" Hi! Sino hinihintay niyo? " Bati ko sa kanila
" Si Ingrid. Titignan namin kung papasok siya. Siya kasi ang magbabantay kay Coby ngayon eh. Kaso may practice tayo ng sayaw para sa Prom diba " Paliwanag ni Cheska
" Ahh oo nga. Sige hintayin ko na din siya. " Sambit ko
At may dumating naman na kotse. Pag bukas ng pinto nakita ko si Ingrid. Tas sumilip yung bata, anak niya ata.
" Buti nakapasok ka Ingrid! " Tugon ni Amy
" Hello Coby! Tita Cheska is here! " Bati ni Cheska kay Baby boy Coby
Ang cute ng anak niya. :"> Sarap pisilin ng pisngi. Pero medyo familiar yung mukha ni Coby? Parang nakita ko na siya? Ays! Ewan.
" Hello Tita Cheska! Bye mommy! I love you! " Paalam ni Coby
Ang cute cute talaga niya. :"> Kamukha niya yung pamangkin ni Tristan! Oo naalala ko na!
At umalis na yung kotse. Pumasok na din kami sa classroom.

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Novela JuvenilMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...