[17] Unbelievable

14 3 0
                                    

Alam na ng mga teacher ko ang mga nangyari sakin pero syempre hindi ang kwento. Depressed pa rin ako

Di na nga ako pumapasok dahil natatakot ako na makita silang magkasama

Lagi nalang akong naka-kulong sa kwarto ko. Tulala at malayo ang iniisip. Minsan pa nga di na ako kumakain

Paano yun, Valedictorian ako pero baka mawala na yun dahil sa dami ng absences ko. Edi si Aira na ang magiging valedictorian.

Umalis na din si Kuya, bumalik na sya ng New York. Pasukan na kasi nila, pinilit ko lang si Kuya na wag muna akong alalahanin at mag-aral nalang siya. Buti naman napilit ko. Si Mommy naman di pa bumalik, nagaalala siya sakin.

Hays, di ko din alam kung ayos na ba ako. Masakit pa din talaga.

1 month nalang graduation na.

" Queenie? May bisita ka. " Tawag sakin ni Mommy

"Ayoko ng bisita mommy. " Sagot ko

Tapos may biglang nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Pagtingin ko, si Tracy. At bakit? Para makita nya ang nakaka-awa kong itsura? Tss. Wala na akong pakialam!

" Queenie, sorry ha. Kung di ko pa sinabi ang totoo sayo noon. " Paliwanag niya

Ha? So alam niya din? Sabagay kalat nga naman kase yung relasyon nila! Ang bobo ko lang talaga kasi ako lang ang di nakakaalam e mas malapit kami ni Aira. Tss!

" Kaya pilit kong inaagaw sayo si Jerome kasi ayaw ko na mapunta kayo sa puntong mahuli o malaman mo ang lahat. Nakita kong mabuti kang kaibigan kay Aira kaya naaawa ako sayo. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Di mo deserve yan Queenie. Matalino ka,maganda at mabait. Minsan nga winish ko na sana ako nalang ang naging kaibigan mo kasi di pa ako nakakahanap ng kaibigan na katulad mo. " Paliwanag niya ulit. Totoo ba mga sinasabi niya? O inuuto nanaman nila ako! Pero na-touched ako sa sinabi niya

At niyakap ko siya.

" Sana di ka nagsisinungaling sa sinasabi mo Tracy. " Sagot ko

" Sabihin na natin na mayabang ako, pero di ako sinungaling. "

" Friends? " At inabot ko ang kamay ko sakanya

At kinamayan niya naman ako.

" Gusto ko sana pumunta ka ng graduation natin " Pabor ni Tracy

" A-ayoko. Di naman ako ga-graduate. Masasaktan lang ako. "

" Kasama ka pa din sa ga-graduate Queenie! Di ka nga lang valedictorian. " At nakita kong nag-pout siya

" Si Aira ba ang valedictorian? " Tanong ko

" Hindi " Sagot niya din

" Ha? E-edi sino? "

" Si Jerome "

At nung marinig ko yung pangalan na yun. Sumikip nanaman ang dibdib ko

" Ano ng nangyari kay Aira? "

" Di siya makaka-graduate kasi di siya makabayad ng tuition at graduation fee. Kaya itinigil nalang siya ng parents niya "

Bigla naman akong nakaramdam ng konsensya. Siguro karma niya na yun!

" Eh ako? Wala na ba ako sa honor list? " At  nakita kong lumungkot ang mukha niya

" 1st honorable mention ka!! " Nagulat ako sa sinabi niya. Yes! Di pa din ako nawala sa honor.

" T-talaga? Yes! Thankyou Lord! "

At nagyakapan kami ni Tracy

" Shopping tayo? Para naman makahigop ka ng bagong atmosphere. Kwento sakin ni Tita, di ka pa daw lumalabas dito eh. " Yaya ni Tracy sakin

" Sige! Buti nalang binisita mo ako Tracy. Sige, maliligo lang ako at magbibihis. "

At bumaba na nga muna siya

Pagkatapos ay umalis na nga kami. May driver siya, eh artista nga kase.

**

Mall

" Bili na tayo ng susuotin natin sa graduation! Naeexcite na tuloy akong gumraduate Queenie. Haha! " Yaya niya

" Ako nga din eh. Dun tayo Tracy! Dun ako palagi nabili ng susuotin ng pang-recognition ko eh. " Yaya ko

" Sige tara. "

At naglakad-lakad na kami para humanap ng damit. Ng makabili kami ay kumain muna kami ni Tracy. Syempre nagugutom din ang mga beauty queens no. HAHA joke lang. Medyo umayos nga ang pakiramdam ko. Siguro kulang lang ako ng gala

" Sine tayo Queenie? "
Gala pala talaga 'to si Tracy. Grabe di pa ba siya napapagod? Hmm. Sige okay lang naman

" Oh sure. Tara! " At hinili ko na siya sa sinehan

Habang namimili kami ng papanuorin, may naalala ako sa spot na 'to

" Alam mo ba na dito ang first tampuhan namin ni Jerome " At nangilid ang luha ko

" Q-queenie? "

" Wala syang balak na ipakilala ako sa tropa niya. Kasi di naman niya talaga ako mahal. Di ko nga naisip dati nun kung bakit di niya talaga ako ipinapakilala eh. Mas nangingibabaw kase yung pagmamahal ko sakanya "

At umiyak na nga ako ng tuluyan. Niyakap naman ako ni Tracy

" Okay lang yun. Makakalimutan mo din siya. "

" Oo, pero matagal pa. Ang sakit sakit talaga ng ginawa nila sakin. Manloloko sila! Ang manhid ko! Ang laki kong tanga kasi nagpaloko lang naman ako sa mga taong sobra kong pinahalagahan at minahal. Nagkamali ako!! "

" Tama na Queenie. Di mo deserve 'tong nangyayari sayo. Queenie,nandito lang ako. " Pagpapatahan sakin ni Tracy

" Thankyou talaga Tracy. Comfort room muna ako ah. Wait lang "

At umalis muna ako. Para mag-ayos ng sarili.

Ang layo naman pala ng CR dito tss. W-wait si Jerome ba yun? A-at si Aira? Lalong sumikip yung dibdib ko.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon