[4] School

51 3 0
                                    

Aira POV

Sumakay na kami sa kotse ni Queenie. At nag-drive na siya. Mayaman sila Queenie kaya may sarili syang kotse. Pero kami hindi :( Pero okay lang yun! Ginagawa ko naman ang lahat para maka-ahon kami ng family ko. Thanks kay Queenie, kase bestfriend ko siya. Di naman sa pineperahan ko sila pero mabait lang talaga sila kaya sila na din ang nagpapa-aral sakin. Kaya malaki ang utang na loob ko sakanya. Magulang ko kase ay nagbebenta lang sa palengke ng gulay. Pero di ko sila minamaliit kase marangal na trabaho yun.

30 mins lang naman ang byahe papuntang campus namin. Syempre naka-kotse kami eh. Hays,nagaalala pa rin ako sa gagawin ko. Alam kong walang sikretong di nabubunyag pero habang maaga gagawa na ako ng paraan.

" Bes? Okay ka lang? Tulala ka nanaman dyan! " Tanong sakin ni Queenie

Ako? Tulala? Siguro nga. Ano ba naman kase tong pinasok ko. Kinarma agad ako! Hayy.

" A-ako? Ahh, okay lang naman ako. M-madami lang akong iniisip, oo yun nga. " Nauutal kong sabi

Baka kase any moment madulas ako at mahuli niya akong nagsisinungaling. Sorry talaga Bes!

" Were here na. Pack up! ^------^" Excited na sabi ni Bes

Hays, alam kong excited syang makita si Jerome. Sobra na talaga akong nako-konsensya. Yung kasiyahan niyang yun ay alam kong masasaktan siya ng sobra sa huli. Ako ang gumagawa ng ikakalungkot at ikakasakit ng kaibigan ko. Huhuhu ano ba naman klaseng kaibigan ako? :( Naiinis na ako sa sarili ko

" Tara na sa room Bes! Hays, magkakahiwalay nanaman tayo. Ang layo kase ng upuan mo sa upuan ko eh! Pero sige keri lang. "

" Oo nga Bes eh. Sige t-tara na! "

At lumakad na kami papuntang room.

*Boogsh*

" S-sorry? AIRA? "

Sht! Why now! Nabunggo lang naman ako ni Jerome. At itinayo niya ako ng makita ako.

Ng tingnan ko si Queenie, parang galit yung tingin niya. Tiningnan ko kung saan siya naka-tingin. Sht sht! Hawak pa pala ni Jerome ang kamay ko. At napabitaw ako.

" Jerome? Okay na si Bes. Yang tingin mo sakanya ayoko ha. Selosa pa naman ako, di kita sagutin dyan eh"

Nagulat ako sa sinabi ni Bes Queenie. Pero mas nagulat ako sa pabulong niyang sinabi.

" Beeees! Tara na! Late na tayo! " At pagmamadali kong yaya sakanya. Baka dito pa magkaaminan eh! Mahirap na.

" AIRA WAIT! YOU SAID----" Jerome
" NAH! LATER! SSSSHH! "
Biglang sigaw ni Jerome na agad ko naman pinutol. Ugh!

Natataranta na tuloy ako. Di ko na alam gagawin ko ugh

" Bes? Ano yun? Later? Anong gagawin niyo " Pagtatanong ni Queenie

" Nah, its nothing. Tara na,late na tayo" Palusot ko

At pumasok na nga kami sa room. Buong klase tahimik lang ako magdamag hanggang sa mag-break. Lutang ang utak ko ngayon ayst. At class dissmiss.

Nagpaalam na si Queenie sakin na mauuna na siya umuwi kase may family bonding daw sila. Next week kase babalik na din sila Tita Faith sa New York eh.

--

Tinext ko na si Jerome na nandito na ako sa likod ng Campus. I hope Jerome would understand me.

At dumating na siya

" Thanks Jerome pumunta ka. "

" For you of course. Ano pala yung importante nating pag-uusapan? "

This is it.

" Hmm, sorry Jerome. Alam kong wala akong karapatan na humingi ng favor pero no choice ako. "

" Ano ba kase yun Aira? Diretsuhin mo na kaya ako? " Mukhang dismayado na siya :(

" Jerome, pwede mo bang ligawan si Queenie for me? Please. He loves you so much! Make her happy as you can. Please Jerome, for me please. I know you love me so much, then I want you to give it to her "

" No way Aira! Ikaw ang mahal ko. At ikaw lang ang mamahalin ko! "

" Mahal na din kita Jerome. Sa 5 months na niligawan mo ako at di ka sumuko natutunan kitang mahalin. I love you Jerome. But, my bestfriend loves you too. And I dont want her to be broken again in the second time "

" So ano? Ibibigay mo nalang ako dun ng basta-basta? Alam kong maiintindihan ka niya dahil bestfriend ka niya "

"Pero nasabi kona kasi sakanya na gusto mo siya. A-at may balak kang ligawan siya. "

" Ano?! Bakit? Paano! "

" Mahabang kwento Jerome. Please "

" Pero paano naman yung nararamdaman ko Aira! "

" Subukan mo lang muna. Pag di talaga nag-work, then break. "

"Bibigyan mo na ba ako ng chance if ever na hindi talaga mag-work? "

" Oo, Jerome. Bibigyan na kita ng chance "

And he kissed my lips softly. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal talaga ako ni Jerome. Ang masakit, hindi pwede.

" I love you Aira " at niyakap niya naman ako ng mahigpit

"I love you too, Jerome "

" Ano ng plano? " Tanong niya na may malungkot na boses

" Ligawan mo siya, at alam kong sasagutin ka niya agad. Tas mag-date kayo. Do what you want. Okay? "

" Okay, para sayo Mahal. "

" Mahal? Di pa tayo, so wag mo kong tatawaging Mahal. "

" Okay, fine Mahal "

At kiniss niya ulit ako sa lips. Grabe humalik 'to si Jerome. At first kiss ko si Jerome

Pagkatapos ng paguusap na iyon, umuwi na kami. Hinatid niya na din ako sa bahay namin. So sweet

--

Bahay

Masama ba akong kaibigan sa ginagawa ko? Nagmamahal lang naman ako diba. Mahal ko si Jerome at lalong mas mahal ko si Queenie

Pare-parehas lang kaming nasasaktan sa sitwasyon na to! Bakit naman kase ganito ang tadhana! Sakin pa talaga binigay ang ganitong problema. Di naman ako ganun katapang ah! Bakit sakin? Bakit ako ang nahihirapan.

" Oh anak, bakit tulala ka dyan. May problema ba? Magkwento ka sakin, ng mabawasan yang dinadala mo "

Umupo si mama sa tabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ako

" Ma, bakit.. sakin pa binigay tong problema.. na to? Nahihirapan.. na ako.. eh. Nasasaktan.. na ako " at patuloy pa din akong umiiyak

" 'nak, di yan ibibigay ng Diyos kung hindi mo kaya. Alam niyang malalampasan mo din yan. Ganyan talaga ang buhay " Pagpapayo sakin ni Mama

" Pero.. bago ko 'to malampasan.. wala.. na akong.. kaibigan.. Mawawala na sakin si Queenie. " Iyak pa din ako ng iyak. Ang sakit talaga na niloloko ko ang kaibigan ko

" Huh, paano. Sabihin mo nga sakin Aira, ano talagang problema? "

" Ma, gusto ni Queenie si Jerome. Mahal na mahal niya si Jerome, pero ako ang mahal ni Jerome. At nagmamahalan kami. Pero nagsinungaling ako kay Queenie, sinabi ko sakanya na gusto siya ni Jerome. Dahil no choice na ako. Naghihinala na siya eh. Huhuhuhu Mama, anong gagawin ko "

" Ano ba naman yang pinasok ko anak. Hayaan mo, ipagdadasal nalang natin. Sa mga ganyang sitwasyon di ko alam ang ipapayo ko. Pasensya na anak. Wag mo na munang isipin yan, baka-madestruct ka lang. Mawala ka pa sa honor list nyan. Tahan na anak(at pinunasan ni mama yung mga luha ko) Magpahinga ka na"

Buti nalang nandyan si Mama at hindi ako pinapabayaan

Pagkatapos ay nagpahinga na ako. Maga na ang mata ko kaka-iyak eh

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon