[44] Memories

14 2 0
                                        

Natahimik kami ni Tristan ng 20 minutes. Walang gustong magsalita samin. Ano ba yan! Naiinis na ako! Leche!

" Its already 4:30, may lakad pa kami ng kapatid ko. Sorry queenie, I need to go "

" W-wait Tristan! "

Di na naman natuloy! Ano ba naman! Nakakainis na! Ang dami na naman tuloy nag-stock sa utak ko. Yung kila Cheska pa! Konti na lang sasabog na ito eh.

Nag-drive na ako. Di ko alam kung saan ako pupunta. Gusto kong magpalamig dahil sasabog na sa sobrang init tong ulo at utak ko.

Pumunta na lang ako ng mall. Naglakad-lakad. Dahil medyo boring ay pumunta na din ako sa Ice Cream Shop.

Bumili ako ng 1 gallon na rocky road. Ang sarap talaga! Di naman ako naglilihi para bumili ng ganito kalaki na Ice Cream. Gusto ko lang mag-chill at cool lang. Bawas stress na din.

Busog na ako. Pero atleast kumalahati naman yung ice cream. Nanghingi na lang ako ng paper bag para iuwi ko na lang yung ice cream. Sayang kasi kung itatapon at iiwan ko lang dito eh. Pwede pa naman kainin pa.

Naglakad-lakad ako para maghanap ng iba pang pwedeng bilhin.

May namiss na naman ako. Dati kasama ko palagi si Aira kapag nagma-mall, ngayon ako na lang mag-isa. Malapit na ang graduation. Kailangan ko na syang makausap kasi after graduation, sa New York na din ako magaaral ng college. Bye Philippines na din ako. :( Sad man, pero matagal na tong plano.

Wala na akong magawa. Uuwi na ako

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon