[25] No Matter What

14 3 0
                                    

Buong araw ako nasa office kasi nag-exam ako sa lahat ng subjects. Di na din kasi ako pinapasok ni Mr. Principal sa klase

Buong araw ako nagpe-pray. Sana mapasa ko ito. Sana bumalik ako sa pagiging Valedictorian. At sana tuluyan na akong maging maayos.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa Park nila Tristan. Niyaya niya kasi akong pumunta dun. Gusto ko din naman syang makasama at maka-bonding kaya pumayag na ako.

Tinabi ko na ang kotse ko at bumaba. Nakita ko naman agad siya at may kasama syang bata. Ayaw ko ng mag-isip ng iba, siguro bunsong kapatid niya lang. Lagi na kasi akong napapahiya sakanya eh!

Nakita niya na ako at lumapit na ako sakanya.

" Tristan! Kamusta? "

" O-okay lang. Ikaw? "

"Okay lang din. Hmm? Bakit may problema? " Tanong ko. Kasi parang kinakabahan siya at nauutal. Ngayon ko lang sya nakitang nagkakaganun

" Daddy! I want Ice cream! Daddy! I want that! Can you buy that? Daddy! " S-sabi nung bata nyang kasama sakanya

M-mali na naman ako. At napatigil ako sa sinabi nung bata. Mas mabuti ng tanungin ko nalang baka mali nanaman ako

" D-daddy? Anak mo Tristan? May anak ka? " Kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

Gusto kong marinig sakanya na hindi niya anak yun! Kinakabahan ako! Ayaw kong masaktan nanaman ako

Nakita ko sa mata nyang nagdadalawang isip syang sabihin! Parang ayoko na tuloy marinig. Gusto kong tumakbo! Alam ko naman pag mali ako tatawanan niya ako eh, pero this time hindi! Ito na ba talaga yung totoo?

" H-hindi Queenie." Mahinahon niyang sagot

Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Buti naman at hindi niya anak yun. Nawala ang kaba sa dibdib ko at napangiti ako

" Ahh, buti naman. Eh ano mo siya? " Masigla kong tanong

" Pamangkin lang. " Sagot niya

Pamangkin? Eh college pa lang yung pinaka-matanda sa kanila ah? Magtatanong na nga lang ulit ako

" Sa kapatid mo? Sino sa kanila? "

" Daddy! Im waiting! Where's my ice cream! " Pagmamaktol nung bata. She's a cute baby boy. :"">

" Wait lang Queenie ah " Tas umalis siya.

Nasa 20 mins na akong naghihintay dito. Di man lang nagsasabi kung babalik pa o hindi na. Text ako ng text. Tawag ako ng tawag pero di man lang ako nirereply o sinasagot! Pinapunta niya ako dito tapos iiwan lang din pala. Badtrip! Maka-uwi na nga.

Nagdrive na ako at umuwi na.

" Oh princess umuwi ka na pala. "

" Yes daddy. Where's mommy anyway? "

" Bumalik na syang New York, may emergency sa business natin dun. Di na siya nakapag-paalam kasi baka di ka maka-concentrate sa exam mo kung malaman mong umalis na sya. Sorry baby. " Paliwanag ni Daddy

Okay naman na ako. At naiintindihan ko kay mommy na mahirap din sa kanya yun.

" Okay lang Daddy. Chat ko nalang po si Mommy. Sige po, akyat na ako. " Nagbeso ako at umakyat na sa kwarto ko

Nag-iba yung feelings ko kay Tristan. Parang nawala? Parang back to zero. Hays! Gulong-gulo na talaga ako sa nararamdaman ko.

Nagpahinga nalang ako. Humilata mag-damag. Nagpahinga muna ako after lahaaaaat ng problemang dumating sakin di ko akalaing malalagpasan ko 'to.

Nagbukas muna ako ng facebook. At may nag-post sa group ng school namin. Yes! Tuloy ang Prom! Y-yes? Bigla naman akong may naalala. 3rd year pa lang pinaglalaban na namin ni Aira ang Prom ng school namin kasi tinigil ito ng school this year sa kadahilanang walang budget ang ibang magulang at dagdag gastos. Pero ngayong pwede na, wala naman akong kasama. Yung pinaglaban namin ni Aira natupad na pero wala naman na siya.

Ano kayang ibig sabihin nyan? Nagpapahiwatig kaya yan na makipag-ayos na ako kay Aira? Pero di ko pa din kasi lubos maisip na pinaglaruan at niloko ako ng kaisa-isa kong bestfriend! Matalino siya! Makakaisip naman siya ng ibang ways para matanggap ko ito pero hindi sa ganung bagay. Nasasaktan ako na sinayang niya lang ang pagkakaibigan namin.

NO MATTER WHAT HAPPEN, SASAMA AKO SA PROM!

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon