QUEENIE
" Bes! Goodmorning! Wake up! Bes, I cooked your favorites. Bes? Hmm, ang hirap talaga ni Bes gisingin. Tulog mantika. Ay, alam ko na! Hihi! Queenie Faith Asuncion nandito si Jerome Briñosa! "
" Oh! Bes nasaan? Sabihin mo wait lang maliligo lang ako! Wait lang bes! Kyaaaaah! " Sigaw ko ng marinig kong nandito daw si Jerome my bebelabs. ♡♡ At tumakbo na ako papunta ng bath room para maligo.
" HAHAHAHAHAHA! Bes, HAHAHAHA joke lang wala siya! Eh kase ikaw ang hirap mong gisingin eh. Oh effective diba Bes? HAHAHAHA sorry bes. " Grabe si Aira. Pinaasa ako! Mukha tuloy akong tanga kanina kaka-madali para maligo dahil akala ko totoo. Huhuhu
Tawang tawa siya sakin, halos di na siya maka-hinga kakatawa. Yung itsura niya hawak niya na yung tyan niya sa sobrang tawa. Grabe talaga siya!
" Grabe ka sakin Bes, huhuhu! Ganyan mo ba ako ka-mahal Bes? Pinapaasa mo ako eh. " Pagda-drama ko kay Bes. Tas tinarayan ko siya tsaka umarteng nagpu-punas ng luha kahit wala. Eh kase naman umasa talaga ako eh! Syempre bebelabs ko yun!
Tsaka bakit nga naman ako nage-expect eh di naman niya ako kilala. Isa lang naman niya akong dakilang stalker at baliw sa kanya. Hays! Queenie naman eh, sinasaktan mo lang sarili mo. Yay!
" Sorry na Bes! Eh kase naman yung niluto ko for you luma-lamig na kase ang tagal mong gumising. Napilitan tuloy akong mag-sinungaling sayo. Siya lang naman ang paraan para mabuhay ang kaluluwa mong patay na patay Hihihi! Love you Bes! " - Paumanhin niya sakin.
Syempre papatawarin ko siya joke lang naman yun eh. Bes ko siya eh! Tsaka ako lang naman tong assuming. Mahal ko si Bes at walang makakapag-hiwalay sa friendship namin even boys
" Apology accepted! Pasalamat ka Bes love kita. Hihihi! (hinug ko siya) Tara na Bes, breakfast na tayo. I cant wait to taste the food you cooked for me. " At hinila ko na siya pababa ng Dining area namin.
-
Omellete, Milk, Fried Rice, Hotdogs, and my Waffle!! ^---------^ Yes! I love my Bes." After mo kumain Bes buksan na natin yung mga gifts sayo kagabi ah. Hihi! Excited na ako for you. Alam kong magugustuhan mo yung gift ko sayo Bes. "
Excited niyang yaya sakin. Speaking of kagabi. Itanong ko na kaya sakanya? Hm, sige na nga. Tanong ko na!
" Bes, sorry ah. Pero may nabasa ako kagabi sa cellphone mo. Nagtext sayo si Jerome bebelabs, tapos parang pinipilit ka niya dun? About saan yun? " Tanong ko sakanya
Nakita kong natahimik siya at parang kinabahan. Bakit kaya? Tinataguan niya kaya ako ng secrets. Naah, di niya gagawin na magtago ng secrers sakin! Were bestfriends kaya. Please stop tamang hinala Queenie. Ngayon di na siya makatingin sakin. Tapos yung mukha niya parang nagda-dalawang isip siya kung sasabihin niya. Bes? Ano bang meron talaga?
" Hmm, bes kase ano. Ugh, pwede bang kalimutan mo nalang yung nabasa mo? Please Bes? " Pagaalangan ni Aira na sabihin sakin
Bakit? So may tinatago nga siya sakin! Grabe siya.
" Bes? Bakit? May tinatago ka ba sakin? Akala ko ba walang secrets ha? Bakit di mo sinasabi sakin. Ayokong mag-isip ng kung ano pero Bes bestfriend mo ako. Pwede mo sabihin sakin kung ano man yang nararamdaman mo. Bes.. "
Biglang tumulo yung luha ko. Di ko alam kung bakit! Pero ayaw ko ng iniisip ko! Ayaw ko ng ginagawa sakin ni Bes! Mababaw talaga ang luha ko kaya nakakainis eh.
" Bes! Mali ka ng iniisip. Hm, oo nag-sikreto ako sayo. Pero eto yun. Bes, gusto..... Ugh, gusto ka ni Jerome! Gusto ka niyang ligawan pero surprise pa lang kase yun. Kaso nabasa mo na at nasabi ko na, so alam mo na. "
Nakita ko siyang huminga ng malalim at napa-iwas ng tingin sakin. Pero whaaaat? Gusto din ako ni Jerome? Seriously? Pero never niya akong pinansin sa school, hmm dahil ba may secret sila ni Bes. Biglang nabuhay yung puso ko dahil sa narinig ko.
Bigla kong niyakap ng mahigpit si Bes.
" Bes, sorry kung nag-isip ako ng masama ah. Bes! Natupad yung wish ko kagabi na magka-gusto din sakin si Jerome. Bes! This is real! I love you Bes! " At kiniss ko siya sa cheeks.
" Okay bes " Mahinahon niyang sabi.
Bat parang malungkot siya? Dahil siguro nasabi niya na ang secret nila ni Jerome. Siguro kase hindi na nila ako masu-surprise. Sorry Jerome and Bes, I ruined your plans.
" Bes, wag ka mag-alala. Kunwari di ko pa alam yung secret niyo ni Jerome! Kunwari wala akong alam! Basta Bes, di pa din masisira ang plano niya. " At inakbayan ko siya
Pagkatapos nun, nag-bukas na ako ng mga gifts. Puro floral yung regalo nila sakin! Yes ang saya! Floral mug, floral make up kits and floral anything. And the last! Bubuksan ko na yung gift sakin ni Bes. Wait nasaan na si Bes? Kanina pa siya sa Comfort Room ah. Sumakit kaya yung tyan niya? Di bale, buksan ko na nga to.... Wow! Floral bag. Ibang iba tong bag na bigay niya sakin! Konti lang nagbebenta nito sa Philippines. Maybe she bought online. She never fails to surprise me huh. Kaya love na love ko to si Bes eh!
" Bes! Kanina ka pa nandyan. May masakit ba sayo? Gusto mo ba ng gamot. Bes? "
At lumabas na siya ng CR.
" Nah, Im okay. Oh, nabuksan mo na pala yung gift ko sayo! I hope you like it! " - Aira
" Of course Bes. "

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...