[15] Depressed

22 2 0
                                    

" Bes? How's the Quiz Bee? "

" Bes? Are you alright? "

" Queenie! "

"H-ha? May sinasabi ka Bes? " Nagulat ako ng tinawag ako ni Aira.

Tulala lang ako. Malayo ang iniisip. Iniisip kung saan ako nagkulang bakit ako natalo

" Ayos ka lang ba? Ano bang nangyari? Ha? At nagkaka-ganyan ka. " Natatarantang tanong sakin ni Aira

" Natalo ako Bes " At nagsimula nanaman tumulo ang luha ko

" O-okay lang yun Bes! Isang beses pa lang naman natatalo ang school natin eh. Dont cry! Youre a big girl na. Wag mong dibdibin Bes,kase wala ka nun " At natawa siya sa sinabi niya

" Eeeeh! Bes naman eh. Okay na sana eh, naisingit mo pa yun "

" Hehe! Gusto lang naman kita patawanin. Dont cry na ha "

" Oo Bes "

At umupo muna siya sa tabi ko para daw gumaan ang loob ko.

" Class! Please sitdown. May ipapakilala akong new classmate niyo. "

At napatingin naman kaming lahat sa harap. Parang alam na namin ni Bes kung sino yun ah.

At pumasok na nga si Gian

" Good afternoon! I am Gian Caligher, 17 years old. "

" Kyaah ang pogi! "

" Oo nga eh,mas pogi pa kay Jerome "

" Mukhang mawawala na ang title kay Jerome na campus heartthrob ah. "

" Waaah! Tiningnan niya ako "

" Omg! Yung dimples niya! "

" Ugh,he's mine. "

" Gian dito ka na sa tabi ko umupo! "

Reaksyon at komento ng mga kaklase ko. Tiningnan ko si Aira kung anong reaksyon niya,mukha syang naiilang.

Eh kung ako sakanya proud akong manliligaw ko si Gian. Sa gwapo ba naman nyang yan!

At umalis na ang teacher. Nakita kong bumulong siya sa isa sa classmate namin at itinuro naman ng classmate namin ang upuan ni Aira. Kaya dun siya umupo sa tabi ni Aira

" Whaaat? Si Aira nanaman? "

" Fudge, I cant believe this. "

" I hate her! "

" Iba talaga ang nagagawa ng malandi at makati "

At napatingin naman sila sa amin.

Hays! Mga insecure! Eh ano naman kung maganda si Bes! May magagawa ba sila. Ugh!

Dumating na ang teacher namin

Ayaw pa sana bumalik ni Aira sa upuan niya pero no choice siya kase ma-mark syang absent pag wala siya sa upuan niya

Nagsimula ng mag-discuss si ma'am pero nakita kong ang mga kaklase ko na nagchichismisan lang. Alam kong sila Bes ang pinaguusapan nyan nila.

" Iba talaga ang taglay na kalandian ni Aira no? Dati si Jerome ang nilalandi niyan tapos ngayon yung Gian naman tss! "

Dinig kong pinaguusapan nila Cheska. Si Jerome? Nilalandi ni Aira?

" Paano nga ba naging si Queenie at Jerome? Eh ang alam ko matagal na nililigawan ni Jerome si Aira eh. "

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. N-nililigawan ni Jerome si Aira? Maniniwala ba ako sa mga naririnig ko? Pero ayaw ng tenga ko yung mga naririnig ko!!

" Yan din ang di ko alam! Isang beses nga may nakakita daw sakanila sa likod ng campus! Nagkiss pa daw sila sa lips! So unbelievable diba? "

Hindi ko na kaya yung naririnig ko! Nasasaktan na ako!

" TAMA NA!! " Nagulat lahat ng mga kaklase ko at lalo na ang teacher namin sa ginawa ko. Napasigaw ako dahil ayoko ng makarinig na kahit ano! Nasasaktan na ako

" Ms. Asuncion? Anong nangyayari sayo? " Tanong ng teacher namin

" S-sorry ma'am. " At tumakbo ako palabas ng classroom

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalabas ako ng school hanggang sa..

**
Hospital

Pag mulat ko,ang liwanag. Nakaka-silaw. Nasaan nanaman ba ako?

" O-okay ka lang ba baby? May masakit ba sayo? " Natatarantang tanong sakin ni Mommy

" H-ha? Opo mommy. Ano bang nangyari? "

" Nakita ka na lang sa tapat ng school naka-bulagta at walang malay. " Paliwanag ni Mommy

" Pero mommy? Bakit? " At may nangilid na luha sa aking mata

Dumating na ang doctor

" Base on our observation, siya po ay sobrang depressed. Naghalo ang init ng panahon, galit, sakit at gutom. Delikado po iyon sa ganyang edad. Marami ang posible pang mangyari sa kanya kung mangyayari pa ulit iyan. I suggest na wag muna syang pumasok ng 2 days. Pakalmahin niyo muna po siya. Eat fruits at chill atmosphere. Yun lang po! Patawag niyo nalang po ako if may kailangan pa kayo. Excuse me. " At umalis na si Doc

At nakita kong tumingin na sila lahat saakin.

"Ano ba naman kase ang pinaggagawa mo Queenie. Bat ka nagkakaganyan? Di ka kumain at bakit? " Tanong ni Daddy

" S-sorry Daddy! Di ko lang po talaga matanggap na natalo ako sa Quiz Bee. "

" Baby naman, isang beses ka pa lang naman natalo eh. Wag mong dibdibin! Madami pang ibang pagkakataon Queenie. " At niyakap ako ni Mommy

Kumain ako ng mga fruits na dala nila mommy. Pinagbalat naman ako ng saging ni kuya. Si daddy naman ay bumili ng gamot sa labas.

May bumukas ng pinto. Nakita ko si Aira at Jerome. At sabay pa sila

Di ko maiwasang maalala yung mga narinig ko kanina. Nakaramdam ako ng galit ng makita sila

Niyakap naman ako bigla ni Aira na agad ko naman tinanggal.

" B-bes? May problema ba? " Tanong niya sakin. Gusto kong sumagot ng oo! Pero pinipigilan ko yung sarili ko dahil ayoko ng maconfine dito ng matagal

Kinain ko nalang yung binigay na saging ni kuya. Pagkatapos nun ay tumalikod na ako sakanila

" Love, galit ka ba sakin? "

Bakit naman kaya niya natanong? Tss! Di ko din siya pinansin

" Hmm, iwan niyo nalang muna siguro siya. Ayaw pa siguro nyang makipag usap. Gabi na din, umuwi na din kayo " Utos ni Mommy sakanila

" Sige po. Salamat po. Queenie,alis na kami ha. Pagaling ka! " At umalis na sila ni Jerome

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon