Good morning philippines, world and the universe!! Maaga ang gising ko ngayon. And yes, good vibes ako. :"">
Napag-isip isip ko. Kung pumasok kaya ako? Kahit 2 weeks nalang ang natitira may pag-asa pa akong bumawi! At ipapakita ko sakanila na hindi sila kawalan. At hinding-hindi ko sila kailangan! Tatatagan ko ang loob ko.
Nagbihis na ako ng uniform at bumaba na para kumain ng breakfast.
" Queenie? Papasok ka? " Pagtataka ni Mommy ng makita akong naka-uniform.
" Opo mommy. :) " Sagot ko with matching beautiful smile!
" P-pero? Kaya mo na ba? Makikita mo sila dun! Baka masaktan ka lang at may mangyari nanaman sayo. " Pagaalala ni Mommy
" Mommy, trust me. :) Di ako nabuhay para saktan nila, di ako nabuhay para sakanila. Nabuhay ako para sa sarili ko, para tuparin ang mga pangarap ko at para mapasaya kayo mommy. Kayo ang magiging lakas ko mommy. Thank you kasi di niyo ako pinabayaan. I love the both of you. " At niyakap ko si Mommy at Daddy.
" Im happy na naka-move on ka na. Alam kong tatayo ka at tatayo sa lahat ng problemang tumumba sayo. Matalino ang anak ko, and you always make me proud of you. " Sabi ni Daddy
Sobra akong na-touched kay Daddy.
" Thank you! Kain na po tayo, baka ma-late ako. Hehe! "
At kumain na kami.
Pagkatapos nun nag-drive na ako.
--
SchoolMedyo kinabahan ako pag-hakbang ko sa school. Ngayon lang ako kinabahan ng ganto. 4 years na ako sa school na 'to pero ngayon ko lang naramdaman ang awkward at kaba.
" Here comes the loser "
" Wag nga kayong ganyan! Baka himatayin nanaman yan! HAHAHAHAHAHAHA! "
" HAHAHAHA baka ma-hospital nanaman. "
Dire-diretso lang ako nag-lakad papuntang classroom. Pagkarating ko dun ay umupo na ako sa upuan ko.
Feeling ko na-trap ako sa isang kweba. Di ko alam gagawin ko, di ako makahinga at parang natatakot ako. Na any moment di nalang ako makalabas dito.
" Queenie? Pumasok ka na pala. Kamusta? Okay ka na ba?" Tanong sakin ni Cheska
Totoo ba 'to? Nagaalala siya sakin? O ka-plastikan lang. Tss
" Im fine. " Tipid kong sagot
" Alam mo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin. Sorry kung di pa kita diniretso. Gusto ko lang naman kasi na si Aira na ang magsabi sayo. Kaso wala naman pala syang balak aminin sayo ang totoo. " Paliwanag niya
Oo nga tama siya. Thankyou na din sakanya kasi binigyan niya ako ng idea.
" Okay lang. Thank you ha, binigyan mo ako ng idea. Kung di dahil sayo baka hanggang ngayon nagpapaka-tanga parin ako sakanila. Uto-uto pa rin ako ngayon. "
" Friends? " Tanong niya. At nakipag-kamay naman ako sakanya
Dumating na ang teacher namin. Nagdiscuss na siya. At natapos na din ang klase niya.
Break naaaaa. Wala akong kasabay. Kumakain ako mag-isa dito. Dati si Jerome at Aira ang lagi kong kasabay ngayon wala na. Hays, masasanay din ako. Matututo din ako.
" Pwede bang sumabay? " Tanong ng babae sa likod ko.
Nilingon ko siya at sila Cheska. Kasama niya yung mga tropa niya
" S-sure. " At umupo na sila sa tabi at harap ko.
" Di ka sanay na mag-isa 'no? " Tanong sakin ni Cheska habang binubuksan ang chips niya
" Sa totoo lang, oo eh. Sa 4 years na pag-aaral ko dito si Aira lang ang lagi kong kasama. Simula nung naging kami din ni Jerome, kung wala si Aira si Jerome ang kasama ko. Ngayon? Wala na. " Sabi ko sakanya
Pero this time, kahit na nagkwe-kwento ako di ako naiiyak. Siguro naka move on na din ako. Pero hindi pa ako handang magpatawad.
" Okay lang yan. Simula ngayon, kami na ang bago mong kasama kumain. " Sabi ni Cheska
At agad namang umagree ang mga kaibigan ni Cheska.
Nakipag-kwentuhan na din ako kila Cheska at sa tropa niya. Bale 4 ang kasama ngayon ni Cheska. Classmate ko din sila pero dahil wala naman nga akong pakialam sa mga classmate ko, di ko kilala ang iba. Ngayon ko lang sila makikilala
" Amy "
" Im Coleen "
" Karessa nalang "
" Im Alexa "
" At ang pinaka-maganda sa grupo namin, Im Ingrid. "Pakilala nila. Sinamaan naman ng tingin ng mga tropa niya si Ingrid dahil sa sinabi niya! HAHA nakakatawa sila. Iba-iba ang mga personality nila kaya siguro nagkakasundo sila.
Bumalik na nga kami ng room. May klase pa kasi kami eh.
At natapos na uli ang klase.
Pauwi na ako ng tawagin ako ni Mr. Principal
" Ms. Asuncion? I need to talk to you. Go to my office now. " Utos sakin ni Mr. Principal at umalis na sya
Kinabahan ako? Tungkol naman kaya saan yun? Nakita ko ang mga schoolmates kong nakatingin sakin. Sus! Alam kong ako nanaman ang pinag-uusapan nyan nila
At pumunta na nga ako sa office
" Sir, bakit po? "
" Nalungkot ako ng mawala ka sa pagiging Valedictorian. Alam kong may problema ka kaya di ka nakapasok. Queenie, I will give you a chance na mabawi ang pagiging Valedictorian. Pumunta ka ulit dito bukas at may ipapagawa ako sayo. Mag-aral ka ng mabuti huh. " Paliwanag ni Sir
Yehey! Thank you Lord! Gagawin ko ang lahat makuha lang ang trono ko. Masayang-masaya ako na nabigyan pa ako ng chance ^_____^
At umalis na ako. Habang nagda-drive ako,may nakita akong park. Nakita kong masaya doon at tinabi ko muna yung kotse ko at bumaba.
Bumili ako ng sorbetes at umupo muna. Ang saya ng mga magkasintahan dito. Yung mga family na magpi-picnic. Yung mga batang naglalaro. Yung mga nagtitinda ng mga balloons at flowers. Ang sarap panuorin. Masarap pa rin pala talagang mabuhay.
Paalis na ako ng makita ko si Tristan. Si Tristan ba talaga yun? Eeeeeeh. Bakit lagi ko syang nakikita? Or! Baka namamalikmata lang ako! Pero nung pagharap niya, siya nga!! May kasama syang magandang babae. As usual kaakbay nanaman niya. Siguro yan na talaga yung girlfriend niya. Ang cute nila, ang sweet nila. Kasi nagsu-subuan sila ng ice cream. Hays, parang sumakit nanaman yung puso ko. Makaalis na nga. Wala naman akong karapatan mag-selos kase wala namang kami.

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...