QUEENIE
Sinundo ako ni Jerome sa bahay. Sabi nga niya kahapon babawi na daw siya. Nag-breakfast muna kami sa McDo tsaka pumasok sa school.
Naglalakad na kami papuntang room ng naka-holding hands. Pinagtitinginan kami ng mga babae na may gusto din sakanya. Yung mga tingin nila sakin parang dinudurog na nila ako sa imahinasyon nila eh. Si Jerome kasi ay famous sa school. President siya ng student council, nasa top siya at nasa kanya na lahat. I mean, gwapo siya, mayaman,mabait lahat lahat!! HAHA kaya dream boyfriend ng campus.
Kiniss niya ako sa noo at pumunta na din siya ng classroom nila. Yung classroom niya nasa 2nd floor at kami nasa 3rd floor. 4th year na din siya pero 4Einstein ako at siya 4Galilei siya.
Sabi ko nga before, running for Valedictorian ako, Salutatorian si Aira at siya ay First Honorable Mention. Depende nalang kung magbabago yun sa susunod na quarter. Basta ako, di ko papabayaam yun! I will always be #1.
Umupo na ako sa upuan ko. Nakita ko si Aira na mukha nanamang malungkot. Eh kung tatanungin ko siya, sisigawan lang naman niya ako na parang hindi niya ako kaibigan.
" Uy Queenie! " Kalabit sakin ni Cheska. Tsaka tumabi sakin. Classmate kong maarte,tss. Ano nanaman kayang kailangan niya?
" Oh bakit Cheska? "
" Kayo na ba talaga ni Jerome? " Aba,chismis lang pala gusto nito
" Oo, bakit mo natanong?! " Mataray kong sagot.
" Alam ko kung bakit malungkot yang bestfriend kuno mo " At nakita kong nag-smirk siya
Ha? Ano daw? Alam niya kung bakit ganyan si Aira. Na-curious tuloy ako
" Eh bakit? Bakit mo 'to sinasabi sakin? "
" Kasi wala kang alam "
" Ha? "
Naguguluhan na talaga ako.
" Class, go back to your seat. " Utos ni Mrs. Filipino, yun ang tawag namin sa mga teacher namin eh. Hehe!
Hays naman! Dumating na yung teacher namin di ko pa natatanong eh. Kainis! Curiousity kills </3
At natapos ang subject naming Filipino. Di ako mapakali, gusto kong tawagin si Cheska.
" Cheska! " Tawag ko
"Oh, di mo pa pala nakakalimutan. Hehe! By the way, next time nalang. I want to die you. Cause, curiousity kills. Bwahaha! "At tsaka siya tumalikod
Siguro niloloko lang ako nyan! Tss. Ang uto-uto ko naman
Lunch break na.
Sinundo na uli ako ni Jerome para sabay na kaming kumain
" Love? I love you " Sabi ko at sinubuan ko siya ng Fries
" Sweet mo naman Love. I love you too! " at pinunasan niya ako ng ice cream.
" Loooove!! " at tumawa siya ng malakas. Nilagyan ko din siya ng ice cream.
" Love,ang pangit mo na" Eeeh? Ngayon mo lang ba nalaman?
" Eeeh,Love naman. "
Tapos tumabi siya sakin. At kiniss ako sa lips." Joke lang Love. Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko,promise! " tapos pinunasan niya yung ice cream namin sa mukha. Sweet talaga ni Jerome
" Alam ko! Hehe. " at kumain na ako ng ice cream.
Napatingin ako kay Jerome tas nakita ko syang ngumunguso. Cuteeee :">
" Gusto mo nanaman ng kiss Love? " tanong ko
" Nah, may ice cream ka oh! " Turo niya sa tabi ng lips ko. Pero dahil nga ang bagal ko, sya ng pumunas
"Love oh! " At binigyan niya ako ng red rose
" Sweet naman ni Love! "
" Mas sweet pa dito?? " at binigyan niya din ako ng chocolates
" Love para saan 'to? Di pa naman natin monthsary. "
" Hmm, gusto ko lang. Na-miss kita eh. " at pinisil ko yung ilong niya
" Aray love! Grabe ka sakin :( "Tas nag sad face siya. Cute talaga ni Bibi Jerome ko :">
Hinug ko nalang siya tapos kiniliti
" Aaaah! HAHAHAHAHA, t-tama na! HAHAHAHAH love! Stop that or else---- Aaah, HAHAHAHA " Tawa niya. Malakas pala talaga ang kiliti niya sa tagiliran. Halos di na makahinga si Jerome kakatawa. Ang saya!!
" Love or else ano? HAHAHA! "
" HAHAHHAHA love!! Stop!! HAHAHHAA "
At nahawakan niya yung kamay ko. Hala! Lagot na! Nahuli ako
" Lo-oove, sabi ko sayo stop diba. Pero di mo ginawa. Huli na kita Love. Malapit na ang magic hands ko sa super kiliti mo. Yieeeha! "
" Love joke lang naman yun! Alam mo namang mahal kita Love diba? Loooooooove! " Paliwanag ko
" Sige na nga Love! Pasalamat ka mahal na mahal kita "
" Yehey!! " Tuwa ko pero--
" Aaaah! HAHAHAHAHAHAHA tama na Love. I cant help it HAHAHAHHA love!! " Pigil ko sakanya. Grabe siya mangiliti, pero mas grabe ako hehe" Okay Love! Hihi " at kiniss niya ako sa ilong
" Napagod ako dun Love ah. " Sabi ko
" Ako din nga Love eh! HAHAHA hatid na kita sa classroom mo? "
" Sige Love. "
At lumakad na nga kami ng naka holding hands papuntang classroom
Ng nasa pinto kami nakita kong nagkatinginan si Aira at Jerome. Pero agad naman iniwas ni Aira ito
At nagulat ako ng halikan ako sa lips ni Jerome sa pinto ng classroom namin. Nagtagal ito ng 5 seconds. At nagpaalam na siya.
Dinaanan ko nalang si Aira at umupo na ako sa upuan ko.
Bakit kaya ginawa yun ni Jerome?

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...