[38] Chats

19 2 0
                                    

Di ko inexpect na ang magiging Mr. Prom ay si Jerome at ako ang Ms. Prom. Napaka-mapaglaro talaga ng tadhana. Namumuro na sakin yang tadhana eh! Isa pa, masasapak ko na yan. (In my imaginations syempre)

Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko pa nga makalimutan yung nangyari samin ni Tristan tapos biglang aamin ng ganun si Jerome! Waaaaaaah! Pwede ba isa-isa lang. Isa lang ako! Pwede ba yun?

Paano ako makakapag-isip kung sabay-sabay silang dumating. Chinat ko si Tracy kung may mapapayo ba siya dito. Alam ko kasing madami ding umaamin sa kanya kasi maganda siya eh.

*Chat*

Queenie: Tracy! I need your help

Tracy: What?

Ang taray naman nito. Feeling ko napapahiya ako dito eh. Tama ba ako ng hiningian ng tulong? Eh parang ayaw naman niya

Queenie: Ah, wala. Nevermind

Sht naman kasi! Nakakatakot siya. Wag nalang. Si Cheska na lang kaya?

Tracy: Okay

Oh diba? Effortless na reply niya. Tsk tsk! Iba din to si Tracy eh. Feeling ko tuloy ngayon pina-plastic niya lang ako. Aaaaaah! Ayoko ng dagdagan yung iisipin ko.

*Chat*

Queenie: Cheska! I need your help

Cheska: Im busy, sorry

Sobrang bait ng mga kaibigan ko! Kaibigan nga ba talaga ako? I need advice, please who can be?!

*Chat*

Queenie: Aira? I need your help

Please Aira! Sana online ka!

Seen 8:54 pm

Aira is typing...

Yes! Thank you Aira. Sa wakas!

Aira: Aira is not here. Maybe you can chat or call her tomorrow. Were on a shoot. - Manager Dang

Aaah! Suko na ako. Ako na magso-solve ng problema ko. Palagi naman eh! Di ko naman pwede sabihin to kila Daddy. Alam kong magagalit siya at dagdag problema na naman 'to sa kanila

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon