[18] Mixed Emotions

25 2 0
                                        

Queenie POV

Magkaakbay si Jerome at Aira. Nakita kong masaya sila. Ang lakas ng loob nilang maging masaya ng ganito ako nasasaktan! Diba dapat maging masaya ako sa bestfriend ko kasi masaya siya sa minamahal niya.

Bakit di ko magawa!! Bakit galit na galit ako kay Aira!! Bakit kasi sa lahat ng magta-taksil sa akin sila pa!! Bakit kasi sa dinadami-dami ng mananakit sakin sila pa!! Naiinis ako!! Paano ako makaka-moveon kung lagi ko silang nakikita!! Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong lumabas ng bahay eh!!

Palayo na ako ng marinig kong tinawag ako ni Aira. Titigil ba ako? O patuloy na maglalakad? Whaaat? Ano bang dapat kong gawin.

Dahil tanga ako, tumigil ako at humarap sakanila.

" Bes pa----- "

" Di tayo mag-bestfriend kaya wag mo akong tatawaging Bes " putol ko sa sasabihin niya.

" Patawarin mo ako sa ginawa ko sayo Queenie, di ko sinasadya ang lahat ng yun. " Paliwanag niya

" Di mo din ba sinasadya na planuhin ito at i-setup kami!? Di mo din ba sinasadya na lokohin ako!? Di mo din ba sinasadya na saktan ako!? Ha! Sumagot ka! " At tinulak ko siya sa sobrang galit ko

Nagulat siya at natumba sa sahig. Nakita kong tumakbo si Jerome papalapit saamin at tinayo niya si Aira

" Anong ginawa mo? Ganyan ka bang kaibigan!? " Sigaw sakin ni Jerome

Ang kapal ng mukha niya sabihin sakin yan! Na-realize niya bang sabihin dapat kay Aira yan!!

" Wow!! Sayo pa nanggaling yan?! Dapat yan yung tinanong mo kay Aira ng planuhin niyong lokohin ako!! So anong klase kayong tao!? Ha!! "

At umiyak nanaman ako. Nakita ko na ang mga tao ay unti-unting nagsisilapitan sa pwesto namin.

Lumapit si Aira sakin at hinawakan ang kamay ko " Queenie, sorry. Di ko ginusto 'tong nangyari! Queenie, patawarin mo ako " At umiyak na din siya. Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko tinulak siya ng malakas, pero nasalo siya ni Jerome.

Ang sarap mainlove pag may sasalo sayo 'no? Sobrang pait naman kung wala.

Tumakbo na ako palayo dun sa pwesto na yun! Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa

*boogsh*

" Miss okay ka lang? " Tanong sakin ng nabunggo ko.

" Oo, s-sorry. " At itinayo niya ako.

Nagpunas naman ako ng luha para makita kung sino siya.

S-si.. ROMEO!

" Miss? May masakit ba sayo? " Tanong niya sakin. Ano di niya ako nakilala? Ugh! Ganyan ba talaga kayong mga lalaki ang bilis niyong makalimot!

" W-wala,sige sorry ulit. " At lumakad na ako paalis sakanya. Di naman niya ako kilala kaya aalis nalang ako

Biglang may humawak sa braso ko.

" H-ha? Bakit?! " Nagulat ako at humarap ako sa kung sino man humawak sakin

" Ikaw yung umiiyak sa school dati! Y-yung.. " Paliwanag niya. Di niya na maalala pero atleast naging familiar ako sakanya

" Oo, yung natalo tapos iyak ng iyak. " Sagot ko sakanya

" Oo yun nga!! " At tila lumiwanag yung mga mata niya sa sobrang tuwa dahil nakilala niya ako. Napangiti naman ako sa inasta niya

" HAHAHAHA! Nakakatawa ka. " Komento ko

" Yehey! Napangiti na din kita. Kanina kasi napansin ko umiiyak ka nanaman eh. Di ka ba napapagod umiyak? " Tanong niya sakin

" Hindi, passion ko na 'to eh. " Pabirong sagot ko sakanya.

" Ha? HAHAHAHAHA! Nakakatawa yun ah. Kakaiba yung passion mo. " Komento niya

" Hehe! Upo muna tayo " At umupo muna kami sa bench katapat ng fountain.

Hala! Oo nga pala! Si Tracy!

" Pwede mo ba akong samahan sa sinehan? " Yaya ko sakanya

" H-ha? Niyaya mo ba ako makipag-date? " Whaaat? Date agad? Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. " HAHAHAHAHA! Joke lang!! Sige,tara " Biro niya

" Patawa ka talaga! Pero wala ka bang ibang pupuntahan? " Tanong ko kay Romeo

" Wala naman. Gumagala lang ako para humanap sana ng damit para sa graduation. " Kwento niya

" Ahh, sige sasamahan na kita. Pero samahan mo muna ako ah. "

At pumunta na nga ako kung saan iniwan ko si Tracy. Nakita ko si Tracy na nakaupo sa gilid at alalang-alala.

" Tracy!! " Tawag ko

At bigla naman syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

" Nag-alala ako sayo Queenie! Naku, mapapagalitan ako ni Tita Faith niyan eh. Hays. Buti ayos ka lang! "

" Hehe,okay lang ako. Madami lang talaga nangyari. Kwento ko nalang sayo later " Paliwanag ko

" Hmm, Queenie sorry ah. Pero tinawagan kasi ako ng manager ko. May biglaang shooting kami. Kaya mo na bang umuwi? O pahatid na lang kita now na. " Natatarantang sabi ni Tracy

" O-okay lang. Ipapadala ko nalang yung car ko dito. I can handle this. Thankyou for this Tracy ah? "

" Thankyou Queenie. Sige,alis na ako. " At umalis na nga siya.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon