[30] Guilt

13 2 0
                                    

Nagpaalam ako kay Daddy na may pupuntahan lang ako saglit. Pero balak kong pumunta kila Aira

Eto na siguro ang tamang panahon para makapag-usap kami

" Tao po? " Tawag ko sa bahay nila Aira.

20 mins. na ako dito pero wala talagang nasagot.

" Ay ineng, lumuwas ng probinsya ang mag-anak. Kanina laang. " Saad ng kapit bahay nila Aira

" Biglaan po ata? Bakit daw? " Tanong ko sa ale

" Hindi ko alam ineng. Basta usap-usapan na nabili na daw ang bahay na iyan pang tuition ni Aira kasi nilipat ng school. Natanggal daw sa private eh. Di ko laang sigurado basta iyan ang naririnig ko. " Paliwanag ng ale

Nakaramdam na naman ako ng guilt. Di ko alam kung bakit, basta parang gusto ko ng makipag-bati sa kanya.

Binura ko na ang number niya simula ng mangyari yon. Blocked na din siya sa mga social media accounts ko.

Pumunta nalang muna ako ng coffee shop para maka-wifi.

Umorder ako ng frappe para naman di nakakahiya na nakiki-wifi lang ako.

Inunblocked ko na siya sa facebook kaya nag-leave na lang ako ng message sa kanya.

[ To: Aira Laine Gracia
Hello? Aira, gusto ko sanang mag-usap tayo. Chat back na lang if gusto mo. Sa dati nating study place, sa Bestfriend Coffee Shop. ]

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon