[21] Teddy Bear

18 3 0
                                        

" Grabe naman pala yung ginawa nila sayo. Kaya pala naging passion mo na ang pag-iyak eh. " Komento niya

Umiiyak ako ng ikwento ko sakanya lahat ng nangyari

" Oo. Di na nga ako pumasok sa school nung makauwi ako galing sa hospital eh. Tanggal na nga din ako sa pagiging Valedictorian. Hays, sirang-sira na ako. " Kwento ko at patuloy pa din akong umiiyak

" Kung ako sayo di ako papadaig sakanila. Tatayo ako! At papatunayan na hindi sila kawalan. Ipapakita ko sa kanila na di ko sila kailangan. Wag kang susuko sa mga pangarap mo. Madami pa din na higit na nagmamahal sayo katulad ng family mo. Dont waste your time sa kanila. You have a choice! And that choice is to get up. And I'll be your Teddy bear. Yakapin at iyakan mo lang palagi. Sabihin mo lang sakin lahat ng problema mo. Di kita iiwan. " At hinawakan niya ako sa kamay

May point siya sa sinasabi niya

" T-tristan? Salamat ha. Swerte pa rin pala talaga ako kasi nakilala kita! " At niyakap ko siya

" Hmm? Queenie? "

Oo nga pala! HAHA di ko napigilan yakapin siya ng mataga,nagda-drive nga pala siya. Ang sarap kasi niya yakapin

" S-sorry. Na-carried away lang ako. Hehe! " Paliwanag ko

At bumaba na nga ako sa kotse.

" Tristan! Thankyou! " At nagba-bye na siya at umalis na.

Pumasok na ako sa loob at nakita kong hinihintay na ako nila Mommy

" Oh baby, kamusta? " Natatarantang tanong ni Mommy sakin

" Mommy, Im fine. Nag-enjoy naman ako mommy. " At nakita kong huminga siya ng malalim at ngumiti sakin

" Sino yung kasama mong lalaki? " Tanong sakin ni Daddy

Iba yung tono niya.

" D-daddy, he's just my friend. " Sagot ko
Natatakot ako sa aura ngayon ni Daddy

" Friends? And then? Magkaka-tuluyan kayo? Tapos masasaktan ka nanaman? Hanggang sa dumating sa point na mapapabayaan mo yung sarili mo? Ha! Queenie! " Sermon ni Daddy sakin

Napaiyak ako sa sinabi sakin ni Daddy. Na-realize kong totoo ang sinabi niya. Masyado kasi akong mabilis! Pero di ko mapigilang masaktan.

" S-sorry Daddy. " At niyakap ko siya ng mahigpit

" Queenie,alam mo naman na nasasaktan din kami ng Mommy mo kapag nasasaktan ka. Magulang mo kami, di namin kayang makita kang nahihirapan. Doble ang sakit na nararamdaman namin Queenie. Kasi mahal ka namin at anak ka namin. Sana naman this time, mag-ingat ka na! Natatakot kami sa posibleng mangyari. Please Queenie? " Paliwanag ni Daddy

" Yes Daddy, Im so sorry po ulit "

At umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbihis at nag-activate na ako ng facebook.

Dami na palang nag-add sakin. Inadd na din ako ni Tristan! Ang bilis ha? Cinonform ko na agad at as usual,back to normal. Stalk na natin sya

Wow! Ang pogi naman niya sa dp niya. Sht, ang cool mo talaga.

Who the hell is this girl? Shms, ang ganda niya. Nakaakbay si Tristan sakanya. Ouch! Nakaramdam ako ng selos, Girlfriend niya ata. :v

At iniscroll ko pa ang wall niya. Oo nga, campus heartthrob siya. Ang daming babae ang nagpapa-picture sakanya dito oh. Naka-tag pa siya

Nagulat ako ng mag-chat siya sakin.

From: Tristan Lee
[Ini-stalk mo nanaman ako ah. Tsk tsk! Sabi na eh. Pero okay lang yun, sanay naman na ko dun. ♡ ]

Ha! Ang kapal talaga ng mukha nito!

In reply
[ Like duh? No way! Busy ako sa pagche-check ng wall ko no. ]

Yabang talaga nito. Ibang kayabangan, yung nakakakilig.

From: Tristan Lee
[ Talaga lang ha? Kaya pala nagseselos ka nung makita mo yung girl na kaakbay ko sa picture? ]

Whaaaat! Paano niya nalaman yun? Siya ba yung stalker dyan!?

In reply
[ The hell I care? Di ko alam kung sino yung tinutukoy mo! Tsk]

Pagtataray ko sakanya. Hanggang sa chat nagbabangayan kami

From: Tristan Lee
[ Sus! Kunwari ka pa. Sasabihin ko na kung sino yun. Hmm, ate ko yun! Eto name niya sa facebook oh para maniwala ka. Baka kasi umiyak ka nanaman sa selos dyan 'Therese Lee'. 19 na siya. Oh! Sapat na ba yang info na yan. Hihi ]

Ma-search nga kung totoo haha!

In reply
[ I don't care kung sino man siya. ]

Wow! Ate niya nga! Ang ganda. Chix! Ang ganda ng lahi nila. Ang sarap tuloy makilala ng pamilya nila.

From: Tristan Lee
[ Ang taray naman niya. Ganyan ka ba saming mga pogi? :( Tss ]

Tsk tsk! Ang yabang talaga nito ni Tristan eh!

In reply
[ Good night na! Ang dami mong sinasabi eh ]

From: Tristan Lee
[ See you later! :* ♡ ]

H-ha? Bakit kaya? Ano pupunta siya dito?

In reply
[ Ha? Later? ]

From: Tristan Lee
[ See you in my dreams. :) ]

Waaaah! Ang landi talaga ni Tristan,to the highest level. Tsk tsk! Napangiti nanaman tuloy ako. :"">

Makatulog na nga! See you in my dreams too Tristan. :)

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon