Pagkatapos ng forum na yun ay kumain na kami ng meryenda. And activities uli and dinner naman.
Tapos pinagready na kami para matulog. Lumabas muna ako sandali kasi di talaga ako makatulog.
Sarap ng hangin dito. Napaka peaceful talaga.
" Bakit gising ka pa? "
Napatalon ako sa gulat ng may kumausap sakin! Tsk tsk kahit kailan talaga magugulatin ako. Si Jerome lang pala
" Ang lamig kasi dito, nagpapahangin lang. " Paliwanag ko kay Jerome
" Ahh. Pwede bang samahan kita dito? " Tanong niya
Pwede nga ba? Sige na nga, may sasabihin din naman ako sa kanya
" Sure " Sagot ko
5 mins din kaming natahimik. Hays, ang awkward
" Hmm, pinapatawad na kita Jerome. Mag move on na tayo sa lahat! Gagraduate na tayo kaya sana magka-ayos ayos na tayong tatlo. " Putol ko sa katahimikan
" Salamat Queenie, hinding hindi na ulit kita sasaktan. By the way, bibigyan mo ba uli ako ng chance para pumasok dyan sa puso mo? O may iba na? " Saad ni Jerome
Napag-isipan ko na to kagabi pa. Kaya alam ko na ang isasagot ko sa kanya
" Sorry Jerome, di pa ako ready ulit pumasok sa isang relasyon. Alam kong hindi mo na ako sasaktan pero kailangan ko ng time sa sarili ko. Sana respetuhin mo yung desisyon ko. " At umalis na ako
Pero may biglang humawak sa kamay ko.
" Maghihintay ako Queenie basta wag mo akong kakalimutan. " Saad ni Jerome at niyakap ako. Pero di tumagal ay bumitaw din ako.

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Novela JuvenilMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...