" Ang aga mo yata? " Basag ko sa katahimikan. Medyo ang awkward pa kasi eh. Hmm, mema lang? Hahaha.
" Kanina pa yung uwian namin. Di mo naman kasi sinabi na 3 ang uwian niyo. Hanggang 1 lang kami ngayon tapos sabi mo after class. " Sagot niya
Ooh! Di ko alam. Ays nagkaroon pa tuloy ako ng kasalanan! Di ko naman kasi alam. Sorry na :(
" S-sorry, di ko alam " At napayuko na lang ako
" Sinabi ko sa chat na 1 ang uwian ko. Kaso bigla ka na lang nag-offline. " Dagdag pa niya
So bad Queenie! Eh kasi naman malay ko ba! Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. :(
Ng sabihin niya yun, binuksan ko yung phone ko at nag-online kung totoo nga yung sinabi niya. Ng tingnan ko, wala naman! Sinungaling ata si Tristan eh
At tinignan ko siya at binigyan ng *wala-namang-chat-na-ganun-look* At bigla syang tumawa. Hayop din to si Tristan eh! Dapat seryoso kami ngayon!
" Hahahahaha! Sorry Queenie. Im just kidding. Pati yung 1 pa lang nandito na ako? Joke lang din yun. Hahahaha! Actually nauna lang ako sayo ng mga 5 minutes. Hahaha! Gusto ko lang kasi baguhin yung atmosphere. Napaka-seryoso kasi natin. " Saad niya
Eh sira ulo pala to eh! Seryoso naman talaga ang paguusapan namin ah. Tsk tsk! May saltek din talaga to, pero kahit na ganun siya napangiti ako kahit na nainis ako sa kanya

BINABASA MO ANG
Its Complicated
Teen FictionMinsan dumadating talaga yung mga tao satin para mahalin tayo pero mas madalas para saktan tayo. Grabe ang tadhana ano? Pero wag mong pagsisihan na dumating yun! Dahil dyan tayo kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon para lumaban kahit na paulit-uli...