[3] Aira's Secret

41 3 0
                                    

Aira POV

Hays ang sarap ng tulog ko. Pag dito talaga ako natutulog kila Queenie parang ayaw ko na gumising HAHA joke lang syempre.

Tulog na tulog pa si Bes ah. Mukhang nagpuyat to kagabi. Tss tss Bes talaga! Makapag-luto na nga lang ng mga favorite nyang breakfast. Omellete, Milk, Fried Rice, Hotdogs, and Waffle

" Bes! Goodmorning! Wake up! Bes, I cooked your favorites. Bes? Hmm, ang hirap talaga ni Bes gisingin. Tulog mantika. Ay, alam ko na! Hihi! Queenie Faith Asuncion nandito si Jerome Briñosa! "

"Oh! Bes nasaan? Sabihin mo wait lang maliligo lang ako! Wait lang bes! Kyaaaaah! " HAHAHA naniwala talaga si Bes. Iba talaga ang pagmamahal niya sa Jerome na yun.

At aalma na siyang tatakbo sa bath room para maligo.

" HAHAHAHAHAHA! Bes, HAHAHAHA joke lang wala siya! Eh kase ikaw ang hirap mong gisingin eh. Oh effective diba Bes? HAHAHAHA sorry bes. " Grabe talaga to si Bes!! Tawang tawa ako sakanya! Ugh di na ako makahinga HAHAHAHA!

" Grabe ka sakin Bes, huhuhu! Ganyan mo ba ako ka-mahal Bes? Pinapaasa mo ako eh. " Pagda-drama sakin ni Bes. Tas tinarayan niya ako siya tsaka umarteng nagpu-punas ng luha. Sus! Dramatic actress talaga to si Bes

" Sorry na Bes! Eh kase naman yung niluto ko for you luma-lamig na kase ang tagal mong gumising. Napilitan tuloy akong mag-sinungaling sayo. Siya lang naman ang paraan para mabuhay ang kaluluwa mong patay na patay Hihihi! Love you Bes! " - Paumanhin ko sakanya

" Apology accepted! Pasalamat ka Bes love kita. Hihihi! (hinug niya ko) Tara na Bes, breakfast na tayo. I cant wait to taste the food you cooked for me. " At hinila niya ako pa-Dining Room. Alam ko namang di niya ako mati-tiis eh! HAHAHA syempre Bes kami

" Bes buksan na natin yung mga gifts sayo kagabi ah. Hihi! Excited na ako for you. Alam kong magugustuhan mo yung gift ko sayo Bes. "

Naeexcite akong buksan niya yung gift ko!! Inorder ko pa yun online huh. Bihira lang kase makabili ng bag na yung dito eh. Syempre mahal ko si Bes eh

" Bes, sorry ah. Pero may nabasa ako kagabi sa cellphone mo. Nagtext sayo si Jerome bebelabs, tapos parang pinipilit ka niya dun? About saan yun? " Tanong niya sakin

Sht! Nabasa niya yung text sakin ni Jerome. Sabihin ko kaya na 5 months na akong nililigawan ni Jerome? Pero ayaw ko syang masaktan! Bestfriend ko siya. Di ko siya kayang makitang naiyak dahil samin. Gosh! Bes, pinilit ko naman lumayo kay Jerome pero pilit siyang lumalapit sakin

" Hmm, bes kase ano. Ugh, pwede bang kalimutan mo nalang yung nabasa mo? Please Bes? "

Sasabihin ko ba sa kanya? Ayaw kong magtago ng secret sakanya pero ayaw ko din magsinungaling sakanya. Pero ayaw ko din syang masaktan.

" Bes? Bakit? May tinatago ka ba sakin? Akala ko ba walang secrets ha? Bakit di mo sinasabi sakin. Ayokong mag-isip ng kung ano pero Bes bestfriend mo ako. Pwede mo sabihin sakin kung ano man yang nararamdaman mo. Bes.. "

Bes! Hala umiiyak na si Bes ko. Ayokong masira friendship namin dahil lang sakanya. Anong gagawin ko. Please Bes dont cry.

" Bes! Mali ka ng iniisip. Hm, oo nag-sikreto ako sayo. Pero eto yun. Bes, gusto..... Ugh, gusto ka ni Jerome! Gusto ka niyang ligawan pero surprise pa lang kase yun. Oo yun nga! Hmm, ano kaso nabasa mo na at nasabi ko na, so alam mo na. "

Kailangan ko ng gumawa ng paraan para dito. Ugh! Double kill. Ang dami ko ng kasalanan at kasinungalingan sakanya. Huhuhu Im so sorry Bes. Di mo alam kung gaano kahirap ito para sakin.

Bigla akong niyakap ng mahigpit ni Bes.

" Bes, sorry kung nag-isip ako ng masama ah. Bes! Natupad yung wish ko kagabi na magka-gusto din sakin si Jerome. Bes! This is real! I love you Bes! " At kiniss niya ko sa cheeks.

" Okay bes " Yun nalang ang nasabi ko. Sobra na akong nakokonsensya. Di ko alam kung paano ko to nagawa sa bestfriend ko.

" Bes, wag ka mag-alala. Kunwari di ko pa alam yung secret niyo ni Jerome! Kunwari wala akong alam! Basta Bes, di pa din masisira ang plano niya. " At inakbayan niya ko

Pagkatapos nun, nag-bukas na siya ng mga gifts. Puro floral yung regalo nila sakanya! Ang saya niya! Alam kong puro Floral ang regalo sakanya. Kase yun ang collections niya.

Pumasok muna ako sa CR para itext si Jerome sa nangyari. Smells complicated. Ugh! Bakit kase nailagay ko yung phone ko sa ilalim ng unan ni Bes. Siguro nasanay na ako, pag sa bahay kase dun ko talaga nilalagay yung phone ko eh. Ugh ang tanga ko

(To; Jerome Briñosa
" Kailangan natin magkita mamaya after class. May sasabihin ako sayo at importante. Sa likod ng Campus tayo magkita " Sent)

Shocks ang tagal pa mag-reply ni Jerome!! 15 mins. na. Kailangan ko ng response niya asap. Baka maka-halata na yun si Queenie ang tagal ko dito sa cr.

*Toot toot* Yes nagreply ka din Jerome!
(From; Jerome Briñosa
" Okay, sure! Basta ikaw, text mo lang ako kahit kailan, anong oras I'll be there! Sana sagutin mo na ako ♡ )

Sorry Jerome pero iba na ang mangyayari. Sorry Jerome and Queenie kung mangyayari 'to satin.

" Bes! Kanina ka pa nandyan. May masakit ba sayo? Gusto mo ba ng gamot. Bes? "

At lumabas na ako ng CR.

" Nah, Im okay. Oh, nabuksan mo na pala yung gift ko sayo! I hope you like it! " Sabi ko nalang

" Of course Bes. "

Ang hirap ng ginagawa ko na 'to! Hindi ko kayang lokohin at mag-sinungaling sa Bes ko. Pero lalong ayaw ko naman syang masaktan! Alam kong di niya kakayanin kung sasabihin ko. After her heartbreak kay Mac, magkakaroon nanaman. Alam kong maling umasa siya. Pero di ko pwedeng ipagkait sa sarili niya na maging masaya ulit. Kaso sa masamang paraan ko pa maibibigay sakanya. Sana magawa ko itong plano ko ng maayos.

At naligo na kami. Nagbihis at nagayos ng gamit para pumasok na ng school. Baka malate pa kami sa klase namin. Ugh! Makikipag kita pa pala ako kay Jerome. Guide me Please ☝

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon