[28] Celebrate

12 3 0
                                        

Pagkatapos ng klase ay pumunta kami ng Pizza Beer House. Treat ko! Para icelebrate ang pagbalik ko sa Valedictorian.

Niyaya naman nila akong bumili ng beer dahil ganun daw mag-celebrate ang magto-tropa. Di naman kasi ako umiinom kaya di ko alam yun. Naisip ko din na ngayon lang naman why not diba? Bumili ako ng isang bucket ng beer at dalawang mega size na pizza.

Itinaas namin ang beer namin. At sumigaw kami ng " Cheers for Queenie! " At nag-cheers kami at ininom ito.

Yayks! Ang pangit ng lasa sa una. Pero pag nasanay ka na, parang juice nalang. Kaya pala madami ang naaadik dito.

Naka-two buckets na kami. At nakita kong ang tibay ng mga kasama ko. Di pa sila halatang lasing. At humingi pa sila ng favor na umorder pa ako ng isa pang bucket. Last naman na daw yun kaya pinag bigyan ko na. Bumili ako ulit ng isa pang mega size pizza.

Pagkatapos nila maubos yung mga inumin nila ay nagpaalam na silang uuwi na dahil gabi na daw. At hinayaan ko na nga silang umalis.

Hilong-hilo na ako. Umiikot na ang paningin ko. Kapag tatayo ako natutumba na ako. Ugh, I want to go home. Nasaan na ba yung kotse ko?

Nakita kong may isa pang bote ng beer sa bucket kaya inubos ko muna ito. Lalo tuloy akong nahilo at nanghina.

Lumakad na ako palabas ng PBH. Ilang beses na akong natumba dahil sa pagkahilo ko pero patuloy pa din akong tumatayo. Kaso biglang di ko na talaga kinaya.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon