[6] Ultimate Date

20 3 0
                                        

QUEENIE

*Ding dong*

Oh my g! Nandyan na si Jerome. At inayos ko na uli ang sarili ko

" Pasok ka Jerome. " at nakita kong natulala siya. Ganun ba ko kaganda? Pero joke lang! Di talaga ako maganda. Nanibago lang kase siguro siya kaya natulala siya

" Ang ganda mo ngayon Queenie. " sabi niya

Namula naman ang pisngi ko at tilay uminit. Nahiya ako bigla. Alam kong dati ako lang ang naghahabol sakanya pero ngayon parehas na kami ng nararamdaman.

" Salamat, umupo ka muna " Paanyaya ko sakanya at umupo naman siya.

" Magandang umaga po Tita, and.. I dont know what to call you. Hmm, Brad? " Turo niya sa Kuya ko. Ano nga ba itatawag niya sa kuya ko?

" Kuya nalang! :) " Sagot niya kay Jerome

" Sige po, Kuya. "

" Good morning din Jerome. Ingatan mo ang baby namin ah? Alam kong makulit yan pero super sweet yan. I hope na mag-enjoy kayo ni Queenie "
Sabi ni Mommy kay Jerome

" Mommy naman! Baby pa? Eeeeh. " React ko sa sinabi ni Mommy. Sinabi ko na kase kay Mommy na wag niya na akong tatawaging Baby eh.

Natawa naman sila sa reaksyon ko.

" Uhm, Tita and Kuya? Hinihingi ko po sana ang permiso niyo, pwede ko po bang ligawan si Queenie? " Tanong ni Jerome kila Mommy

Whaaaat? Kila Mommy muna siya humingi ng permiso. So gentleman at sweet. Grabe! Kaya pala talaga marami ang nahuhumaling sakanya at isa na ako dun. Pati sila Mommy nagulat dahil sa ginawa ni Mommy

Di kasi ginawa ni Mac yun sakin, yung ex ko. Tila 2 years naging kami pero di man lang siya nagpaalam sa magulang ko. Huli na din ng sabihin ko sa sobrang hiya ko kila Daddy.

Sobrang di ko inexpect tong ginawa ni Jerome.

" Hanga ako sayo na hiningi mo ang permiso namin para ligawan ang unica ija namin. Iba ka sa lalaking naging boyfriend ni Queenie. Isa kang mabuting bata Jerome. Ibinibigay namin ang permiso namin saiyo. Ipangako mong hindi mo sasaktan ang prinsesa namin huh. Salamat Jerome " At niyakap ni Mommy si Jerome. Aw, ang saya naman ng ganto diba.

" Bro, iba ka! Saludo ako sayo. Di ka natakot sa magiging sagot namin. Hinarap mo kami at tinatagan ang loob Bro. Boto ako sayo Bro! Wag mo lang sasaktan si Queenie ha. " Sagot din ni Kuya

" Maraming salamat po! Pangako, hindi ko sasaktan ang anak niyo. Kung prinsesa ang turing niyo sakanya, ganun din po ako at higit pa sana doon. Masayang-masaya po ako. " Sabi ni Jerome

Di talaga ako makapaniwala. Grabe! Parang naiiyak ako. Kung nakikita lang 'to ni Bes, sigurado masayang-masaya din siya para saakin. Sayang talaga Bes at wala ka dito

" Thankyou Jerome,for making me special " At niyakap ko siya

" Basta ikaw Queenie. Tara na? Excited na ako sa ultimate date natin eh " Sabi ni Jerome

At nagpaalam na kami ni Jerome kila Mommy.

Sumakay na kami ng kotse niya. Medyo tahimik lang kami, siguro nagulat ako sa mga pangyayari. Di naman tahimik ang atmosphere namin kasi nagpapatugtog siya.

Say its true, theres nothing
like me, and you.....

Napatingin naman kami sa isat-isa na agad naman din niyang iniwas dahil nga sa nagda-drive siya. Grabe parang di ako makahinga dito sa pwesto ko tapos yung puso ko ang lakas ng tibok.

Cause I have Runaway,
I have runaway
Yeah, yeahh
I would runaway, Runaway
I would Runaway..
With youuuuuuuuu.

Cause I, aa-ay I
Im falling inlooo-ove
With no ever happen
Stop falling inlove
With you

" Saan pala tayo pupunta? " Putol ko sa katahimikan sa kotse

" Secret muna,gusto kong ma-surprise ka eh" Feeling ko talaga masu-surprise niya ako.

Tinignan ko muna ang cellphone ko kung nagreply na ba si Bes,pero wala. Ano na kayang nangyari dun? Nagaalala naman ako kay Bes.

" Here we are! " -Jerome

Bumaba na siya at tinulungan niya akong maka-baba. Pagkatapos ay piniringan niya ako. At lumakad na kami

Ng makarating na kami ay unti-unti niya ng tinanggal ang piring ko.

At WOW!! Ang ganda dito. Nasa Yachte kami. Tapos nakikita ko yung napakaganda at malinis na tubig. Ang ganda ng lugar.

" Nagustuhan mo ba Queenie? "

" Sobra Jerome! Thank you! " At niyakap ko siya

" Umupo muna tayo. "

At umupo kami dun sa table namin. Ang romantic sobra. Ramdam ko yung malakas na hangin at rinig ko yung mga agos ng tubig. Kahit kailan di ko to naramdaman kay Mac

" Sana maging memorable to satin Queenie. I like you so much Queenie. "

" Then, I love you Jerome. It maybe so fast for us but we have the same feeling tho. You dont need to court me. You know how much I love you Jerome. "

" Masyado ngang mabilis pero sige. Di man lang ako na-challenge sayo Queenie. But anyways,parehas naman nga tayo ng nararamdaman. Kaya tayo na ba? "

" Oo Jerome! " at niyakap ako ni Jerome at kiniss niya ako sa noo.

" Kain muna tayo Love? "
Hehe! Tinawag niya agad ako sa callsign namin. Ang cutie, LOVE? :D

" L-love? "

" Yes, hehe! Love, because I LOVE you! "

" Okay, Love. "

At kumain na kami. Pagkatapos nun bumaba muna kami ng Yacht. Pumunta kami sa malapit na Park dun.

At naupo kami sa damuhan. Hinawakan niya ang mga kamay ko,

" Queenie, I love you! Sana 'tong relasyon natin ay magtagal. Gusto kitang makasama habang buhay. At ikaw lang ang mamahalin ko "

Tumingin ako sa mga mata niya at sinabing,

" Thank you Jerome. Ikaw lang din ang mamahalin ko habang buhay. I love you so much " at kiniss niya ako sa lips. Ang lambot ng mga labi niya. Ramdam na ramdam kong mahal niya ako. At kiniss niya din ang kamay ko.

Pagkatapos pumunta siya sa likod, at may isinuot syang kwintas.

" Wag mong tatanggalin yan huh "

" Oo jerome, Promise! "

Nakita ko ang pendant, pa-heart siya. Ang romantic talaga ni Jerome

At medyo hapon na. Humiga na muna kami sa damuhan habang magkahawak ng kamay namin. Magkwentuhan muna kami about sa family namin at tungkol samin. Hinihintay namin na lumubog ang araw. Hanggang sa magdilim na. Nanuod kami ng mga stars. At pagkatapos hinalikan niya uli ako sa noo.

Naalala ko may pasok pa pala bukas at madami pa kaming homeworks kaya niyaya ko na siya umuwi. Pumayag naman siya.

This is the best date ever. At umalis na kami.

" Love, dito na tayo sa bahay niyo "

Ugh,nakatulog pala ako.

" Di ka na ba papasok Love? "

" Di na Love,baka nagpapahinga na sila eh. Magpahinga ka na din! See you tomorrow Love! I love you! "

" I love you Love. " at nag-wave ako ng kamay para magba-bye.

Tulog na nga sila Mommy. Bukas na ako magkwento. Tinapos ko na lahat ng homeworks ko at natulog na

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon